Parang imposible atang ma-outsmart si Kara ih...

Pero gustong-gusto ko na talagang lumabas ng library para bumili ng ice cream!

"Hay! Ano ba kasing makukuha dito? Nabobored na ako! Aaaahhh!" bulong ko sa sarili. Syempre, bulong lang. Baka kasi marinig ako ni Kara tapos malalaman niyang desperada na akong makatakas tapos tuluyan na nga niya akong i-hold as hostage dito sa library tapos-

Napansin ko ang paglabas ng manipis na usok mula sa dulo ng daliri ko.

"Huh?" Umayos ako sa pagkakaupo at sinuri ito.

Ang weird. Hindi naman naka-activate yung abilities ko ah.

Muli kong tinapat ang daliri ko sa mapa at tinrace ang huling landas nito sa papel.

Pagkatapos ng ilang segundo... walang nangyari.

"Selene is the goddess that stands on the moon and drags it across the sky. On the other hand, it's his brother, Helios that gets to hold the sun in its place." Nakatuon si Kara sa libro na nasa pagitan nilang dalawa ni Cesia. May pinapakita siyang illustration ng isang babae na nakapikit at may mahabang buhok. Sa gitna ng kanyang noo, ay isang crescent moon na lumiliwanag.

"They have another sister, Eos, the goddess of Dawn. Like her siblings, Eos has her own chariot drawn by horses and she's the one who scatters sparks across the heavens, bringing dawn into the sky."

"Isn't she like... the weakest?" tanong ni Ria.

"There would be no light without a single spark, Ria." seryosong sagot ni Kara. "She's as powerful as a pure daughter of two titans."

"Well I think she's the weakest because she's under a curse." Hindi maamo ang tono ng boses ni Ria. "Cursed by another goddess..." Namamahamak ang mga mata niyang nakatutok kay Cesia. "And you wanna know who cursed her?"

"Ria." Kinuha ko ang atensyon niya. "Itigil mo na nga 'yan."

"What?" Natawa siya. "Isn't that what the deities want? To be feared of? Especially by their children?"

"Si Aphrodite ba?" tanong ni Cesia.

"See?" Humilig si Ria sa sandalan nang naka-ekis ang mga braso sa dibdib. "Alam niya naman pala." Ngumisi siya. "It was because of Aphrodite's jealousy that she cursed Eos. Nagkaroon kasi sila ng love affair ni Ares, ang one true love ng mama mo. So, in other words, your mom is not the ideal personification of love. She's jealousy and insecurity in all it's personified glory."

Napansin ko ang dahan-dahang pagyuko ng ulo ni Cesia.

"Oh? Sino na namang kaaway ni Ria?" Biglang sumulpot si Chase. Nakasunod sa kanya yung tatlong boys.

"Si Aphrodite." sagot ko.

"Nakakapagtaka..." Umiling-iling si Chase. "Kung bakit hindi pa naging halimaw ang babaeng 'to sa dinami-raming insulto na patuloy niyang binabato sa deities."

"The Gods are being considerate." Kinuha ni Dio ang libro na nakabuklat sa harapan ni Cesia. "I see you're studying about the celebration." Binalik niya ito sa mesa. "That's nice."

"It's not nice, Dio." Nakaangat ang kilay ni Ria. "Naalala mo ba ang sinabi ni Sir sa huling Semideus training natin?"

Kinuha ni Dio ang isa sa mga upuan at naupo. "That's why we're here. Gusto naming pag-usapan yung tungkol sa sinabi niya."

Lumapit si Cal sa'kin at umupo sa tabi ko. Nginitian ko lang siya nang tignan niya ako.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now