"Chase, this is not your fight." Nilapitan kami ng clone ni Sir Glen.

"Pero bago pa lang siya rito-"

"She can leave anytime." Tinignan ako ni Sir. "Do you want to?"

Umiling ako atsaka sinenyasan si Chase na iwan ako. Nagdadalawang-isip man, ay umalis na rin siya. Hindi nag-aksaya ng segundo ang dalawang clones para ipagpatuloy ang pambubugbog sa'kin.

Itinaas ko ang aking mga braso bilang depensa sa mukha ko mula sa sunod-sunod na mga kamao. Naramdaman ko ang tama ng kamay sa bandang itaas ng tiyan ko. Hindi ko alam kung ano yung ginawa niya pero naramdaman ko nalang ang pagpiga ng mga baga ko hanggang sa maubusan ng hangin ang mga ito.

Bumagsak ako na nanginginig at hindi makahinga. Mahigpit na nakakapit ang aking mga kamay sa leeg ko at putol-putol ang aking paghingal. Marahas kong kinalmot-kalmot ang aking lalamunan, desperadong mapasukan ng hangin.

"Just say you forfeit and all your suffering will stop."

Magkasabay na inabot ng dalawang clones ang kanilang mga kamay. Tinanggap ko ang mga ito atsaka tumayo.

"Forfeit?" Tanong ng nasa kaliwa ko.

Umiling ako.

Nagtinginan yung dalawa at akmang gagalaw ngunit naunahan ko sila.

"Stop." utos ko.

Ba't pa ba ako magsasabi ng 'forfeit' kung pwede ko naman sabihing 'stop' at patigilin sila nang hindi sumusuko?

Ramdam ko ang pagpupumiglas nung dalawa kaya mas hinigpitan ko ang kapit ng kapangyarihan ko sa kanila kahit ang kapalit nito ay ang bilis ng pagkawala ng natitirang lakas na meron ako ngayon.

"You really think you can hold the pressure?"

"Correction. Hindi ako." Dinuro ko ang clone na katapat ni Art. "Kundi siya."

Napangiti ako nang tumakbo ito papunta sa'min. At nang malagpasan niya ako, ay saka ko lang tinanggal yung ability ko.

Inilibot ko ang aking paningin para pagmasdan yung iba.

Si Ria, papalit-palit ng weapons... Si Chase? Hindi ko na nakikita pero alam kong nandito lang 'yon.

Si Dio at Trev, pasimple lang na lumalaban. Pinapalibutan sila ng lumulutang na tubig. Kumikinang ito. Ibig sabihin, ay may halo itong kuryente. Ilang metro mula sa kanilang dalawa, ay si Cal na nakapamulsa at hinayaan ang mga anino ng mga kalaban niyang clones ang lumaban para sa kanya. At si Kara... mahawakan lang niya ang kalaban ay nababali kaagad ang buto nito. Either dahil sa higpit ng pagkakahawak niya, o dahil agad niyang tinatapon sa kabilang dako ng field ang mga clones na nahahawakan niya.

Paano kaya nila nagagawa 'yan? At ilang trainings pa ba ang kakailanganin ko para maging kasing galing nila?

"You've been standing for too long." Narinig ko ang boses ni Sir Glen mula sa aking likuran. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa balikat ko, at sapilitan niya akong pinaharap sa kanya.

"Agh!" Napaiyak ako sa sakit nang tuhurin niya ako sa sikmura. Sa sobrang lakas nito, muling lumabas ang dugo mula sa bibig ko.

Padaskul-daskol akong humakbang paatras, hawak-hawak yung tiyan ko. Napahinto lang ako pagkatapos maramdaman ang isa pang katawan sa likod ko. Pinikit ko ang aking mga mata at nagdasal na hindi ito isa sa mga clones.

Napalunok ako at dahan-dahang umikot.

Inangat ko ang aking ulo para salubungin ang mga mata ng anak ni Zeus. Kinuyom ko ang aking mga kamao sa sandaling nakita ko ang pag-angat ng sulok ng kanyang labi.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now