WSE 1

530 16 1
                                    

Dedicated nga pala sa paborito kong author pagdating sa horror, mystery/thriller. Kay @Kuya_Soju. Hehe.

-

WSE 1

Princess' POV
Binubully na naman siya ng grupo ni Chei Ann. Ang The Bro's, iyon ang tawag sa grupo nila, sa grupo namin kung saan kasali ako. Hindi na nakakatuwa ang ginagawa nila.

"Such a freak! My god!" sinampal pa siya ni Chei Ann sa pisngi, ang lider ng grupo.

Napabuntong hininga na lang ako sa ginagawa nila. Mahilig silang maghanap ng gulo kaya tahimik na lang ako pag nangyari na ang gusto nilang gulo. Pero minsan, pinagtatanggol ko ang inaaway nila.

Iniwan nila ang inaaway nila kanina sa hallway kaya agad akong lumapit at hinimas ang pasa na natamo niya sa pisngi.

"Sorry kung ginagawa nila ito sa 'yo. Ako na ang humihingi ng tawad." ibinigay ko pa sa kanya ang panyo ko.

"Princess! Tara na!" tinawag ako ng grupo ng The Bro's.

Ngumiti ako ng mapait sa harap niya saka ako tumakbo palapit sa grupo ko.

Hindi ko naman sinasadya na nasali ako rito. Sadyang ako lang ang nagpasimuno ng grupong 'to. Ako ang lider ng grupong 'to pero may umagaw. Inagaw ni Chei Ann ang lahat.

Chei Ann's POV
Umupo ako sa tabi ni Aila. Nang dito kami ngayon sa canteen at pinag-uusapan ang plano naming mag sleep over sa isang mansyon ni Keanna.

"Make sure na malaki yang mansyon na titirahan natin for the second month of summer, ha? Malapit nang matapos ang klase, kailangan hindi akong ma-bored kung pupunta man kami sa mansyon mo." sabi ko.

"O, sure. Mas malaki naman 'yun keysa sa bahay niyo." ngumiti siya sa akin kaya napa-irap na lang ako.

"By the way, asan ba si Princess? Utusan niyo nga siyang bumili ng juice." na iirita kong sabi.

"Chei, nang dito ako." nakayuko niyang sabi habang nakaupo siya.

"Bilhan mo nga ako ng juice." binigay ko sa kanya ang one hundred pesos na baon ko, tipid lang muna para sa bakasyon. "Huwag mong nakawin ang sukli, ha?" pahabol kong sabi saka sinunod niya ang utos ko.

Keanna's POV
Nakakairitang babae. Akala mo kung sinong mayaman porquet sikat lang ang kagandahan. Maganda lang siya, hindi siya mayaman. Ang cheap nga ng mga outfits niya, e. Pero mas cheap ang mukha niya. Nakakainis. Palagi na lang kaming utus-utusan. Ang sarap patayin ng babaeng 'to.

"Okay, we are staying for two weeks sa mansyon 'yung papalapit na 'yung klase." plano ni Chei Ann.

"Two weeks? E, paano ang parents ko? Siguro magiging disturbo kayo pagdating do'n." sagot ko.

"E, di paalisin mo sila. Easy as that." sagot niya naman.

"Hindi kasi makapal mukha ko. Sorry." realtalk ko.

"Tss."

Napa-irap na lang ako sa katangahan na naiisip niya.

Aila's POV
Daming arte nitong si Keanna. Naging mayaman lang ang kapal na ng mukha. Sarap tirisin ang mga pimples nito. My god.

Alam ko naman kung sino ang mas mabait rito sa grupo, e. Si Chei Ann iyon dahil ang iba, mga plastik. Alam ko mga pakay nila, pera ni Chei Ann. Mayaman naman talaga siya. Hindi makapal mukha niya kaya dapat siyang igalang.

"How about kung magbabakasyon na lang tayo sa bahay niyo?" tanong ni Davy, ang bakla sa grupo.

"No--"

"Ayaw niya kasi ng disturbo sa bahay nila. Kaya hindi puwede." pagtatanggol ko.

"Yes. Bawal. Any problem with that?" nakataas na kilay na sagot ni Chei Ann.

"Basta sa bahay na lang nina Keanna. Tss." napa-irap kong sagot.

"Sadyang maarte ka lang talaga, Chei. Kasi ayaw mo. Ang liit kasi ng bahay niyo." sagot naman ng isang plastik na si Angel.

"Huwag niyong pagsalitaan ng ganyan ang girlfriend ko. Kundi iisa sa inyo ang mapapatay ko." pagbabantang sabi ni James.

Tatlo kami, marami sila. But I know who's the winner is. Si Chei Ann lang. Wala nang iba.

James' POV
Nakakainis sila. Palagi na lang nila inaaway ang GF ko, mga walang respeto. Hindi nila nirerespeto si Chei Ann, kahit na sila ay nirerespeto nga sila ni Chei Ann. Sarap pugutan ng ulo. Ang sarap nilang patayin isa-isa. Nakakainis.

"Asan na ba si Princess? Kanina pa 'yun, ah?" tanong ni Chei Ann.

Biglang sumulpot si Princess na daladala ang pagkain na pinautos sa kanya.

"Chei, ito na 'yung pinapautos mo sa akin." binigay niya pa ang pagkain saka ang sukling piso.

Inabot naman 'to ni Chei Ann. "Asan na ang ibang sukli? Ninakawan mo ako, 'no? Ba't piso na lang 'to?" magalang na tanong ni Chei Ann.

"My god, piso na nga lang ang lumalapit sa 'yo ikinakahiya mo pa sarili mo. Ganyan ka na ba talaga ka desperada sa pera?" tanong ni Keanna. "O sadyang bobo ka lang sa price kaya hindi mo alam na piso ang sukli?" tinaasan pa siya ng kilay nito.

"Shut up you dumb bitch. Hindi ka naman talaga mayaman." sagot ni Chei Ann.

"Sino lang." she smirked.

Ba't ba si Chei Ann na lang ang pinag-iinitan ng grupo? Ba't ang girlfriend ko pa?

Davy's POV
Heto na naman ang kaartehan ng babaeng 'to. Isasapak ko na sa kanya ang piso pag hindi niya pa tinanggap. Ang daming kaartehan sa buhay. Kaya nagagalit ako sa kanya dahil isa siyang plastik, kaya lang siya sumali sa grupong 'to at nag rereyna-reynahan dahil sikat ang grupo namin at umatras si Princess.

Sila nirespeto siya, pero ako hindi. Hindi namin siya kailangan rito. Hindi naman siya gano'n ka-importante dito, aso-aso niya lang kami. Hindi naman kami utusan. 😒

Gusto niyo rin kasi maging famous at agawan kami ng trono para bigyan siya ng pansin ng ibang tao kaya minsan nagagalit na kami. Pero uto-uto naman 'tong si James at Aila, hindi nila alam na pati sila ay ginagamit ni Chei Ann sa pagsikat niya.

"Chei Ann, back to the topic." nakangiti kong sabi. "Ayaw mo ba kaming magbakasyon sa bahay niyo dahil nakakagulo kami o maliit lang ang bahay niyo?"

"Hindi yan masasagot ni Chei Ann, dahil alam naman natin na mayaman siya." nakangiting sagot ni Aila.

Umiling ako. "Hindi kita kinakausap." ngumiti ako ng plastik.

"No. Baka kasi dumi lang kayo sa bahay. Baka marumihan ang gold carpet namin. So I'm sorry." ngiting sagot nito.

"Maybe soon, guys. Makakapunta rin tayo sa bahay nina Chei Ann. Dont worry." sabi naman ng katabi kong si Quila.

"Sure." ngiti ko 'ring sabi.

Magiging masaya siguro ang bakasyong 'to.

When Summer EndsWhere stories live. Discover now