XXXVIII | Perplexed

Start from the beginning
                                    

"Rarely?" Umangat ang isang kilay ko.

"Of course. I'm a son of Poseidon."

"Talaga lang ha." bulong ko, para hindi niya ito marinig.

"Do you know the tale of Narcissus?" kasunod niyang tanong. "The unfortunate hunter who got obsessed with himself and drowned?"

"Mmm." Tumango ako. "Sa pangalan nga niya galing yung term na narcissism eh."

"A man who loved everything that is beautiful, like himself. Too bad, he saw his own reflection on the water and fell in love." Nakatalikod pa rin siya sa'kin, naglalakad, habang nagsasalita. "Cesia." Huminto siya. Nakakapit ang kanyang kamay sa isang sanga nang lingunin ako. "You know you're beautiful, right? Anak ka pa naman ni Aphrodite." Umiling-iling siya. "Tsk. Tsk. Tsk."

"B-Bakit? Anong meron d'on?"

"Mabuti pa't dito ka lang muna at ako na ang kukuha ng bulaklak. Baka mangyari din sa'yo yung nangyari kay Narcissus."

Bago pa ako maka-angal, nawala na siya sa pananaw ko.

"Psh." Napairap ako, pero sinunod ko pa rin ang ibinilin niya.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko... hanggang sa marinig ko ang kaluskos ng mga sanga at dahon mula sa di-kalayuan kaya napatingin ako rito. Sa laking gulat ko, isang anino ang pumagitna sa makakapal na mga kahoy.

Matagal-tagal ko rin itong tinitigan bago mapagdesisyunang humakbang papalapit dito.

"Sino ka?"

Nakasuot siya ng mahabang damit na kulay itim. Bahagyang natatakpan ang kanyang ulo pero kitang-kita ko... kitang-kita ko ang paglabas ng dugo mula sa sulok ng kanyang mga mata. Hindi matulin ang daloy nito sa kanyang mapuputlang pisngi dahil sa mga hiwa sa balat niya.

"Tinatanong kita." Sinubukan kong gamitin yung ability ko pero mas bumigat lang yung pakiramdam ko nang gawin ko 'yon.

"Cesia?"

Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses ni Dio. Muli akong humarap at namalayang walang ibinilin, kahit anino ang babaeng 'yon. "May... may nakita akong parang multo-" Palinga-linga ako. "Itim yung suot niya tapos... tapos-"

Ano ba 'tong pinagsasabi ko?

"Cesia? Are you okay?"

"U-Umm..." Pilit kong itinago ang pagkabalisa sa likod ng isang ngiti. "O-Oo. Nakuha mo na ba yung ano...." Pinisil-pisil ko yung noo ko habang inaalala kung ano ang pinunta namin dito. "Yung... bulaklak ba 'yon?"

"Did a wild animal catch your attention?" Inilibot ni Dio ang kanyang tingin sa aming kapaligiran. "Marami pa namang mababangis na hayop ang naninirahan dito."

Bahagya kong iniyukod ang aking ulo. "Baka nga..."

"Let's go?" aya niya. "May kutob akong naunahan na tayo nina Art at Trev."

Di kalauna'y nakabalik na kaming dalawa sa classroom, at kagaya ng sinabi ni Dio, nadatnan namin sina Art at Trev na nakaupo na sa kanilang mga upuan. Sinalubong kami ng isang nananabik na anak ni Apollo samantalang yung isa naman, ay komportableng nakahilig sa sandalan at nakapikit.

Itinabi ni Dio ang bulaklak na nakuha namin sa isa pang bulaklak na nakapatong sa gitna ng teacher's table.

"Oooh! Second placers!" Lumiwanag ang mga mata ni Art. "Sino kaya susunod?"

Tinapik ni Dio ang balikat ko saka tumungo sa kanyang upuan. Sumunod na rin ako sa kanya, at nang maupo ako, hindi ko naiwasang maalala ang nakita ko.

"Wild animal..." bulong ko sa sarili.

May wild animal bang gan'on?

Tahimik lang kaming apat habang naghihintay sa kasunod na pares ng demigods na bubukas ng pinto. Tanging mahihinang tunog lang ng sunod-sunod na pagtapik ng aking mga daliri sa dulo ng desk ang maririnig sa buong silid.

Madali kong isinantabi ang masalimuot na pangyayari nang pumasok sina Kara at Chase.

"We just had to jump, didn't we?" Maliban sa suot niyang simangot, kapansin-pansin ang uniporme ni Kara na basang-basa at may nakadikit na mga dahon.

"Mabagal lang naman yung daloy ng tubig ah. Saka, wala na tayong panahon para umikot." Kinukuskos ni Chase ang maitim na putik na nasa dulo ng kanyang polo. Ilang beses siyang nagtangkang tanggalin ito pero sa huli, nagbuga nalang siya ng hangin bago pumunta sa kanyang upuan na bagsak ang mga braso.

Bumukas na naman yung pinto kaya sabay kaming napalingon dito.

Pumasok si Ria bitbit ang isang bulaklak. Agad siyang napahinto at mabagal na pinatakbo ang kanyang paningin mula sa ulo ni Kara hanggang paa nito. Nakapameywang siya. "Let me guess." Sumingkit ang kanyang mga mata. "Chase was being stupid again so you had no choice but to follow his lead... Am I right?"

"...or am I right?" dugtong niya.

"Wait! Asa'n si Cal?" tanong ni Art.

"Nasa seat niya." sagot naman ni Ria. "My Gods Art. Are you blind?"

Sabay kaming napalingon sa direksyon ng upuan ni Cal. Napakurap-kurap ako nang malamang totoo nga yung sinabi ni Ria dahil nandoon nga siya, nakaupo.

Paano niya ginawa 'yon? Hindi ko naramdaman yung presensya niya. Ni hindi ko nga napansin yung pagpasok niya sa classroom eh.

"Ooohhh..." Tumatango-tango si Art atsaka ngumisi nang malapad. "Hi Cal! Musta na?"

Nagsitunguan na rin sina Kara at Ria sa kanilang mga upuan.

"Alright." Dumiretso si Doc sa teacher's table pagkapasok niya. "I'll be using these as medication for the student I just operated on." Kinuha niya yung mga bulaklak na nakapatong dito. "You're all dismissed except Art, of course."

Nginitian niya si Art. "Because you'll be helping me today."

"Wokieee!"

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now