EPILOGO

1.1K 35 0
                                    

Epilogo

"Masama 'to!" sabay kaming napalingon ni Nami kay Nori na humahangos.

"Bakit?" Tanong ko.

"Natunton na tayo nila kuya!"

Pagkarinig ko sa sinabi niya ay agad na akong kumilos. Kinuha ko ang mga paborito kong baril. Dalawang pistol at isang rebolber.

"Umalis na tayo!" Sigaw ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Nami at sabay-sabay kaming lumabas ng bahay. Tumakbo kami sa kabilang dulo ng kalsada.

Habang tumatakbo ay nakarinig kami ng sunod-sunod naputok ng baril.

"Ako ng bahala dito Gab. Umalis na kayo ni Nami." Sabi ni Nori.

"Pero---"

"Sige na!! Umalis na kayo!"

"Nori, pinapatawad na kita." Ngumiti na lamang siya sa akin at nagpatuloy na kami ni Nami sa pagtakbo.

Pareho kaming napayuko ni Nami nang may bumaril sa direksyon namin. Agad ko siyang hinila papasok sa isang bakanteng bahay.

"Dito ka lang Nami. Wag kang lalabas."

"Gab, wag kang umalis. Dito ka na lang din. Baka mapaano ka."

"Tatapusin ko na ito mahal ko. kailangan ng tuldukan ang mga nangyayari. Ito hawakan mo. Gamitin mo kung kinakailangan." sabay bigay ng rebolber.

"Gab ayoko!"

"Pakiusap Nami. Ano man ang mangyari, mahal na mahal kita." Hinalikan ko na siya sa kanyang labi at lumabas na din sa pinagtataguan namin.

Pabalik na ako kung saan naiwan si Nori nang may pumutok sa kaliwang bahagi ng kalsada. Agad akong nakapagtago sa nakaparadang kotse.

Pinaulanan niya ako ng bala. Sinikap kong makapagtago ng husto nang di matamaan. Binunot ko na ang dalawang pistol ko at pinagbabaril na din siya.

"Putang ina ka Gab!!"

"Putang ina ka rin Cedrick! Hindi ka pa mamatay! Ang laki ng kasalanan mo sa aking hayop ka! Wala kang puso! Isa kang salot sa lipunan! Ang dapat sayo sinusunog ang kaluluwa sa impyerno ng paulit ulit!"

"Bakit di ka na lang matuwa na nabuhay ka pa?! Pinalala mo lang ang sitwasyon!"

"Tarantado ka! Paano ako mananahimik kung pinatay niyo ang pamilya ko?! Kinitil niyo ang buhay nila dahil sa isang napakawalang kwentang dahilan! Mas masahol pa kayo sa demonyo!"

"Tandaan mo Gab! Wala na rin tayong pinagkaiba! Pareho lang tayong mamamatay tao!"

"Tang ina mo! Huwag mo akong ikumpara sayo! Ako naghahanap ng hustisya para sa pamilya ko! Ikaw, likas ka ng demonyo!"

Nakita ko siyang papalapit dito kaya agad kong binaril ang ang binti niya. Nakita kong napalubod siya.

"Hayop ka talaga Gab!"

Mula sa pinagtataguan ko ay bigla ko siyang sinugod. Nakailang suntok din ako bago siya nakabawi.

Bigla niya akong sinuntok at natamaan niya ako sa pisngi. Ako naman ay sumugod at sinipa siya dahilan para bumangga siya sa nakaparadang kotse. Hinablot ko ang buhok niya at ilang beses na inuntog ang ulo niya sa kotse hanggang mabasag ang windshield. Pinaramdam ko sa kanya kung gaano ako napopoot sa kanya.

Hindi ko napansin ang paparating niyang suntok kaya natamaan ako sa panga, dahilan para mahilo ako.

Hindi na ko nagdalawang isip na tutukan siya ng baril, ganon din siya sa akin.

"Mamatay ka!/mamatay ka!" Sabay naming sigaw at kinalabit na ang gatilyo ng baril.

"Fuck!" Daing ko ng matamaan ako sa balikat.

Napatingin ako kay Cedrick. Unti-unti siyang natumba at may dugong lumalabas sa kanyang bibig.

Doon ko nakita si Nami hawak ang rebolber na nakatutok kay Cedrick.

"Nami!"

"Gab! Oh my God!" Sigaw niya nang makitang dumudugo ang balikat ko

"Akala ko mawawala ka sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko pagnawala ka sa akin."

Nilapitan ko si Cedrick na wala ng buhay. Tinamaan siya ni Nami sa likod samantalang tinamaan ko siya sa dibdib. Patay na siya at di na humihinga. Tapos na ang paniningil.

"Gab! Nami!" Sabay kaming napalingon kay Nori na iika-ikang lumapit sa amin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Nami.

"Oo. Naisahan lang ako kanina ni Simon pero napatay ko din ang hayop na yun."

"Maraming salamat sa tulong mo Nori." Sabi ko.

"Wag kang magpasalamat Gab. Di ba nga ang sinabi ko ay itatama ko ang mga mali ko. Kaya Gab, patawad ulit."

"Siguro nga, noong una ay di maganda ang pagtatagpo natin. Dumanas tayo ng trahedya pero maari din pala tayong magbago. Masasabi kong iba ka sa kanila Nori."

"Nagsisi ako sa mga nagawa ko sayo Gab"

"Pinapatawad na kita Nori."

"Maraming salamat Gab."

"Ano na balak mo?"

"Magbabagong buhay. Buhay na wala ang grupo. Pakiramdam ko, naging malaya ako."

"Paalam Nori. Hanggang sa muli."

"Paalam din sa inyo Gab, Nami. Hanggang sa muli."

"Mag-iingat ka Nori." Sabi ni Nami.

Tumango na lamang si Nori at naglakad napalayo sa amin.

"Salamat sa Diyos at ligtas ka." Sabi ni Nami at niyakap ako.

"Tapos na ang lahat Nami. Matatahimik na ko, matatahimik na ang pamilya ko."

"May sugat ka Gab. Kailangang magamot iyan!"

"Sandali lang Nami."

"Ano yun?"

"Handa ka bang makasama ako habang buhay? Handa ka bang tanggapin mo ako sa buhay mo?"

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Oo naman. Handa akong makasama ka habang buhay. Tanggap ko kung ano ka Gabriel. Mahal na mahal kita. Ikaw ang walang hanggan ko."

"Mahal na mahal din kita Nami. Ikaw ang walang hanggan ko."

At pinagsaluhan namin ang isang mainit na puno ng pagmamahal na halik.

| E N D |

Guns and Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now