ANIM

852 30 0
                                    

Anim

Eight o'clock on Friday night
I'm still at home
All my girls just keep on blowing up my phone
Saying come on ain't worth the pain
what you gonna do if I give his name?!

Mataman ko siyang tinitingnan sa kabila ng malikot na ilaw. Nasa dance floor siya at sumasayaw na animo'y nakawalang hayop.

Ito na ang huling gabi mo. Ito na ang oras ng paniningil ko sayo.

Tahimik lang ako dito sa isang tabi habang sumisimsim ng alak. Nag-aabang ng tamang oras para huliin ang aking mabibiktima.

What I'm really needed now
Is a double shut it down
Chase the disco all around
Till I don't remember
Going to caught me off
Wanna give me a little lost in the noise, in the crowd
Hey bartender!!

"Ang sarap mabuhay!!" Sigaw niya at inimon ang isang basong alak. Sinundan niya ito ng malakas na halakhak.

Tama. Lasapin mo ng husto ang mga huli mong minuto. Sisiguraduhin kong di mo na masisilayan ang pagsikat ng araw.

Pumunta siya sa palikuran. Agad ko naman siyang sinundan. Mabuti na lang at walang ibang tao dito. Binaligtad ko ang karatulang "out of order" saka ko isinara ang pinto.

Kinuha ko ang baril at kinabitan ng silencer. Nilapitan ko siya at itinutok sa kanya

"Matagal din tayong di nagkita Drevon Ortiz."

"S-sino ka?"

"Hindi mo ako maalala Ortiz?" Itinulak ko siya sa loob ng pinakahuling cubicle at pinaupo.

"Ipapaalala ko sayo ang kasalanan mo sa akin walong taon na ang nakakaraan."

"Anong walong taon?"

"Alas dyes ng gabi, araw ng huwebes, bigla na lang may pumasok sa tahanan namin at pinaulanan kami ng mga bala. Hinanap ang kapatid ko at ang sabi ay may atraso siya."

"B-buhay ka?"

"Binaril ni Daniel Kaogara ang ama't ina ko. Pinagsamantalahan mo ang ate ko saka mo pinatay."

"G-gabriel?"

"Naalala mo na?"

"Hindi ko sinasadya ang mga nangyari. Nasa impluwensya ako ng droga ng mga panahong iyon!"

"Huwag mo akong bigyan ng walang kuwentang dahilan Ortiz. Nagpakasasa ka sa katawan ng walang kalaban laban kong kapatid. Binaboy at yinurakan mo ang pagkatao niya!"

"Maawa ka sa akin! Huwag mo akong patayin! Nagsisisi ako sa mga nagawa ko." Pagmamakaawa niya.

"Bakit, pinakinggan mo ba ang pagmamakaawa ng kapatid ko?"

"Pakiusap. Ayoko pang mamatay!" Umiiyak na niyang sabi.

"Isa kang demonyo. Hindi ka nararapat dito. Ako na mismo ang maghahatid sa dapat mong kinalalagyan."

"Wag! Pakiusap!"

Pero bingi ako para pakinggan ang pagmamakaawa niya.

Binaril ko siya.

Tinadtad.

Siniguradong hindi na siya mabubuhay pa.

Lumabas ako ng palikuran at nagdesisyon ng umuwi.

Two down. Four to go.

Maghintay lang sila.

Song used: Bartender by Lady Antebellum

Guns and Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now