LABING TATLO

675 23 0
                                    

Labing tatlo

"Anong dahilan nyo?" Tanong ko muli sa kanya. Nakaupo na siya ngayon sa sofa pero nanatiling nakatutok ang baril ko sa kanya.

"Ligawan. Iyon ang dahilan." Sagot niya.

Napakunot naman ang noo ko.

"Ligawan? Babae?"

"Oo. Si Yuda, niligawan si Nori. Ilang linggo din ang itinagal ng panliligaw niya. Pero itong si Nori ay masyado ng nakulitan. Hindi naman daw niya gusto ang kuya mo pero sadyang pursigido itong si Yuda na mapasagot si Nori. Hanggang isang gabi, naikwento ni Nori si Yuda sa grupo. Nang mga oras na din iyon ay nagpo-pot session kami. Lahat ay nasa ilalim ng impluwensya ng droga. At doon naplano ang gagawing pagratrat sa bahay nyo."

"Putang ina!! Yun lang?! Yun lang?!!" Sigaw ko at sinapak siya.

"Dahil lang doon pinatay nyo ang pamilya ko?! Sinira nyo ang buhay ko!"

"Iyon ang naging utos ni Cedrick!"

"Mga demonyo!" Sa galit ko ay pinagbabaril ko siya.

Putang ina nila.

Mga demonyo.

Mga halang ang kaluluwa.

Mga hayop.

Dahil sa isang babae ay nawala ang lahat sa akin.

Pinatay nila sina mama at papa. Pinagsamantalahan si Ate Ashtri. Pinahirapan si Kuya Yuda. Sinira nila ang buhay ko.

Lumabas na ako ng apartment na parang walang nangyari. Madilim ang paligid, walang katao-tao.

Sumakay na ako ng kotse at dumeretso sa sementeryo. Dire-diretso akong pumasok sa musuleo ng pamilya ko.

"Ma, pa, ate Ashtri,Kuya Yuda. Malapit ko ng makuha ang hustisya para sa inyo. Apat nalang ang natitira. Kapag natapos na ako dito, sariling kaligayahan naman ang aatupagin ko."

Nagsindi ako ng kandila para sa kanila.

Buhay ang kinuha nila, buhay din nila ang magiging kabayaran.

Mata sa mata. Ngipin sa ngipin.

Malapit na akong matapos.

Guns and Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now