LABING LIMA

669 22 0
                                    

Labing lima

"Kuya, paano na tayo?! Pinatay na din nila si Anton!" Baling ko kay kuya Cedrick.

"Iniisa-isa tayo Cedrick. Mahirap na ito." Dugtong ni Simon.

"Sino ba ang hayop na yan?!" Sigaw naman ni Sendo.

Pero sa kabila ng pagkabahala namin ay nanatiling tahimik si Kuya. Biglang umupo siya mula sa pagkakahiga niya sa couch.

"Anong gagawin natin kuya?" Tanong ko.

"Patayin din siya." Sagot niya.

"Paano naman mangyayari iyon eh hindi natin alam kung sino siya."

Inilapag niya ang isang cellphone sa center table. At may pinakita siyang isang video.

Kuha iyo mula sa isang hidden camera.

"Putang ina?! Yun lang?! Yun lang?!"

Sigaw ng lalaki at doon ay sinapak si Anton.

"Dahil doon?! Pinatay nyo ang pamilya ko! Dahil lang doon?!"

At doon ay pinagbababaril niya si Anton.

"Teka, pamilyar siya sa akin." Sendo.

"Parang si---" Simon.

"Gab." Tuloy ko.

"Kapatid ni Yuda." Sabi ni Kuya.

"May nabuhay pa pala sa pamilyang iyon." Simon.

"Kuya, pwede bang wag na lang siyang patayin? Hayaan na lang natin siya. Magpakalayu-layo na lang tayo." Pakiusap ko.

"Matapos niyang patayin ang tatlo sa atin?! Hahayaan na lang siya?" Sendo.

"Pero tayo naman ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito.Mas masahol pa nga ang ginawa natin!"

"Ikaw ang puno't dulo ng lahat Nori. Tandaan mo yan." Simon.

"Ibibigay natin ang larong gusto ng Gab na yan. At sisiguraduhin kong ako ang panalo sa larong ito."

Tama ako ang puno't dulo ng lahat.

Guns and Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now