PITO

834 32 0
                                    

Pito

"Sarado pa rin?" Patukoy ko sa bahay ni Gab.

Ilang araw ko na siyang di nakikita. Huling kita ko sa kanya ay noong isang araw pa. Nung hinatid niya ako sa opisina. Hanggang ngayon tuloy ay nasa akin pa rin ang jacket niya.

Pagdating ko sa opisina ay napakalungkot ng paligid. Tahimik ang lahat. Pumunta na ako sa lamesa ko at inilapag ang bag ko.

"Anong meron? Bakit ang tahimik?" Tanong ko sa kasamahan kong si Anya.

"Hindi mo alam?" Tanong niya pabalik sa akin.

"Ang alin?"

"Si Sir Drevon patay na."

"Ano?!" Patay na ang supervisor namin? Nakita ko pa siya kahapon ng umaga ah.

Napakahiwaga talaga ng buhay. Hindi natin masasabi kung hanggang kailan lang tayo dito sa mundo.

"Natagpuang patay si Sir sa c.r. ng isang bar kagabi. Tadtad ng bala. Talagang sinuguradong patay siya."

"Grabe naman. Mabait naman si Sir Drevon ah."

"Tinitingnang anggulo ng mga pulis ay baka may nakaalitan itong si sir."

Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan. Si Sir Drevon ay isa sa mga barkada ni Daniel noong nasa kolehiyo pa sila. At ngayon nga ay pareho na silang patay.

Hindi kaya iisa lang ang pumatay sa kanila?

No. Nagkataon lang siguro ito.

Wala namang masyadong ginawa sa buong araw. Kaya nagpasya akong maaga na lang umuwi.

Muling binulabog ang puso ko nang makita ko si Gab na nakatayo sa labas ng bahay ko. Nakayuko ito habang nakasandal sa gate ng bahay ko.

Nakasuot ito ng puting t-shirt at itim na skinny jeans. Pinaresan niya pa ito ng puting rubber shoes.

"G-gab?" Tawag ko sa kanya at agad naman siyang lumingon sa akin.

"Nandyan ka na pala Nami."

Lalong nagwala ang puso ko ng marinig kong binanggit nya ang pangalan ko. Matapos ang ilang araw ay muli ko na naman siyang nasilayan.

"May gagawin ka ba ngayon?" Tanong niya.

"W-wala naman. Bakit mo naitanong?"

"Gusto ko sanang maglakad lakad. Pwede mo ba akong samahan?"

"O-oo naman."

"Kung ganon ay tara na."

Nagsimula na siyang maglakad. Ako naman ay tumakbo para maabutan siya. Pambihira magyayaya tapos mang-iiwan. Ang bilis maglakad eh!

"Saan ka nga pala pumunta? Ilang araw ka kasing nawala." Tanong ko nang abutan niya ako ng coke in can. At doon ko lang napagtanto ang tinanong ko.

Bakit nga ba ako nagtatanong kung saan siya galing? Wala naman akong karapatan.

"Pasensya na sa tanong ko. Feeling ko tuloy ang tsismosa ako."

"Umuwi ako ng probinsya. Death anniversary kasi ng magulang ko."

"Patay na magulang mo?"
Tumango naman siya.

"May mga kapatid ka?"

"Wala. Wala akong kapatid."
Lumagok siya ng coke na hawak niya.

"Kamusta araw mo?"

"Ayos lang kahit medyo malungkot."

"Malungkot? Bakit ka na naman malungkot?"

"Iyong supervisor namin patay na."

"Ganoon ba? Pakisabi condolence."

"Ang bait pa naman ni sir. Nakakalungkot talaga.'

"Alam mo Nami, ayaw ko sa lahat ay iyong nakikita kang malungkot."

"Gab?"

Uminom ulit siya ng coke saka ibinato ang lata sa may trash can. Bumuntong hininga ito bago siya humarap sa akin.

"Puwede ko bang pawiin ang kalungkutang nadarama mo? Puwede ko bang pasukin ang mundo mo? At puwede din bang sakupin ko ang puso mo?"

Guns and Roses (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ