APAT

919 31 0
                                    

Apat

Lintek na!! Muntik na ako doon ah! Buti na lang at naagapan ko ang babaeng 'yon sa paghawak ng guitar case.

Inilagay ko sa ibabaw ng kama ko ang guitar case saka ko binuksan. Bumungad sa akin ang mga matataas na kalibre ng baril.

Hinawakan ko ito at dinama ang bawat isa. Ito ang katuwang ko sa pagkamit ng hustisya para sa pamilya ko.

Iisa-isahin ko sila. Pagbabayaran nila ang mga kasalanang ginawa nila sa akin.

Ibinalik ko na ang mga baril sa guitar case at itinago sa ilalim ng kama.

Napatingin ako sa bahay na nasa tapat ng bahay ko. Nakapatay na ang ilaw nito kaya paniguradong tulog na ang babae.

Naalala ko ang araw kung saan ko siya unang nakita. Kahit na kumakain siya noon ay dama ko ang kalungkutang bumabalot sa kanya. Hindi ko siya kilala pero pakiramdam ko may koneksyon kami  sa isa't isa.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nakibahagi pa ako doon sa lamesang inookyupa niya.

Basta ang alam ko lang ayokong makita siyang malungkot.

Masama 'to. Kung saka-sakaling mahulog ako sa kanya, magiging sagabal siya sa mga plano ko.

Kinuha ko ang aking cellphone at dumeretso sa banyo. Kailangan kong ibabad ang katawan ko. Masyado akong napagod sa paglilipat. Hindi naman marami ang mga dala kong gamit pero napagod ako sa haba ng byahe.

Binuksan ko ang playlist ng cellphone ko at nagpatugtog. Saka ako naghubad at sumulong sa tubig.

Kay sarap sa pakiramdam.

Lying here with you so close to me
So hard to fight this feelings when it feels so hard to breathe
Caught up in this moment...
Caught up in your smile...

Napadako ang tingin ko sa kamay ko. Sa kamay kong may bahid ng dugo. Dugo ng mga binawian ko ng buhay.

Nakaramdam ako ng kakaiba ng mahawakan ko ang kamay ng babae kanina. Pakiramdam ko nawala ako sa sarili ng ilang minuto.

Bakit ganoon ang nangyari?

I've never open up to anyone
So hard to hold back when I'm holding you in my arms
We don't need to rush this lets just take it slow...

Unang beses kong makaramdam ng ganoon. Ilang gabi din akong di pinatulog ng babaeng iyon. At hindi ko akalaing sa pagtuntong ko sa lugar na ito, dito ko pa siya matatagpuan. Sa tapat pa ng bahay ko.

Just a kiss on your lips in the moon light
Just a touch of the fire burning so bright
I don't wanna mess this thing up
I don't wanna push to far...

Hindi ko pwedeng intindihin ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ito ang tamang panahon. Masyado pang magulo ang buhay ko.

Just a shot in the dark that you just might
Be the one I've been waiting for my whole life
So baby I'm all right
Just a kiss goodnight...

Hindi ko puwedeng magustuhan si Nami.

Song used: Just a kiss by Lady Antebellum

Guns and Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now