LIMA

942 33 0
                                    

Lima

"Nami, papasok ka ba?" Tanong ni Connie nang masagot ko ang tawag niya.

"Oo pasensya na, nahuli kasi ako ng gising." Sagot ko habang kinukuha ang sapatos ko sa shoe rack.

"Dalian mo. Panigiradong masesermunan ka ni Boss."

"Oo sige na. Paalam." At binaba ko na ang tawag.

Humarap akp sa salamin para tingnan kung maayos na ba ako. Pagkatapos ay lumabas na ako at hindi na nag-abala pang kumain ng agahan.

Halos takbuhin ko na palabas ng village namin. Ang hirap talaga pag walang sariling sasakyan.

Napahinto ako ng makarinig ako ng isang busina. Maya maya'y may humintong motor sa tabi ko.

"Magandang umaga." Bati niya.

Si Gab.

"M-magandang umaga rin." Kinakabahang sagot ko.

Bakit nga ba ako kinakabahan??

"Nagmamadali ka yata? Tingnan mo, pawisan ka na."

"Oo eh. Late na kasi ako sa trabaho."

"Ganoon ba? Tara, hatid na kita sa trabaho mo."

"Naku wag na! Nakakahiya."

"Wag ka ng mahiya. Tara na. Baka mapagalitan ka pa nyan."

"Pero kasi..." napatingin ako sa motor niya at sa suot ko. Nakapalda kasi ako eh. Natatakot akong masilipan.

"Oo nga pala. Pasensya na." Nagulat ako ng hubarin niya ang suot niyang jacket.

"Ito, itakip mo sa magandang binti mo." Ngumiti ako at kinuha iyon sa kanya.

Sumakay na ako ng patagilid sa motor niya at kumapit ako sa balikat niya.

"Huwag ka diyan kumapit. Dito." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilagay sa kanyang bewang.

Ito na naman. Nararamdaman ko na naman ang kuryente.

"Kapit ka ng mabuti." Sabi niya at pinaandar na ang motor.

Pakiramdam ko habang bumabyahe kami ay napakabagal ng oras. Natatakot akong idikit ang katawan ko sa kanya. Baka kasi maramdaman niya ang tibok ng puso ko na sing bilis ng mga nagkakarerang kabayo.

Ngayon ko lang ito nararanasan. Iba itong nararamdaman ko kumpara sa damdamin ko noon para kay Daniel.

Ang bango niya. Napaka natural ang amoy niya. Halatang di gumagamit ng kahit anong pabango. Dama ko rin ang tikas ng kanyang katawan. Lalaking lalaki.

Nakarating kami sa trabaho ko. Panay ang tanong niya kung saan ang daan at itinuturo ko naman.

Pinagtitinginan ako ng ilang kasamahan ko ng bumaba ako sa motor niya. Paniguradong pag-uusapan ako ng mga ito mamaya.

Nakaalis na siya ng mapagtantong di ko naibalik ang jacket niya. Mamaya ko na lang ito isosoli pag-uwi ko.

"Sino 'yon?" Tanong ni Connie.

"Kaibigan." Sagot ko.

"Kaibigan ba talaga? Baka siya dahilan ng pagiging late mo ah."

"Hindi ah. Talagang nalate ako nagising."

"Alam mo Nami, ngayon lang ulit kitang nakitang ngumiti."

Guns and Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now