LABING DALAWA

678 20 0
                                    

Labing dalawa

"Mga anak,matulog na kayo." Utos ni mama sa amin na masayang naglalaro ng scrabble.

"Mama,sandali na lang ito." sabi ko habang naglalagay ng salita sa board.

"Hala! iyan dapat ang ilalagay ko eh!" Reklamo ni Ate Ashtri.

"Haha! Pasensya ka. Ako unang nakaisip ng word eh!"

"Naku! Naubusan na ko ng salita. Teka titingin muna ako sa dictionary." Sabi ni Kuya Yuda.

"Waaahh! Maduga ka! Bawal gumamit nyan!" Sigaw namin ni Ate Ashtri.

"Hala,panu na 'to?" Kakamut kamut pa si kuya sa ulo niya.

"Kill. Ilagay mo yung word na kill." Turo ni papa.

"Ay oo nga! di ko naisip yun ah!"

"Hala maduga!"

"No coaching  kasi!"

It's a good thing
To be together
Its a good thing to know..

Sabay-sabay kaming napatingin sa labas ng bahay dahil sa lakas ng pagtugtog. May isang pulang kotse ang huminto sa tapat ng tahanan namin.

That you're sitting
Here beside me
And smile and say
Hello! Hello! Hello!

Maya maya'y may bumabang pitong tao at may kakaiba silang hawak. Naglakad sila patungo sa bahay namin.

"Dapa!!!!" Sigaw ni kuya. Dumapa kaming lahat at doon na kami pinaulanan ng bala.

Goodbye lonesome feeling
Goodbye lazy fare
Its a good good thing to be together
Thats why we are here.

"Sino kayo?" Tanong ni papa.
Lumapit ang isa sa kanila at tinutukan ng baril si papa.
"Ito pala ang daddy mo Yuda. Kamukha mo ah!" Sabi nya.

"Daniel, ano bang kailangan nyo? Wag nyong saktan ang pamilya ko." Sabi ni kuya.

"Ano bang nangyayari dito?" Napalingon kami sa kusina at doon nakatayo si mama.

"Wow! The whole family is here!" Sabi pa ng isang lalaki na nakaakbay sa isang babae.

"Sige na Daniel. Gawin mo na." Utos ng lalake na tumabi kay kuya.

"Ma! Pa!" Sigaw naming tatlo ng barilin sina mama at papa sa ulo.

"Sinabi ko na sayo Yuda, hindi mo dapat kami binabangga."

"Ang ganda naman ng kapatid mo. Akin na lang ito ah!"

"Layuan mo si Ashtri,
Drevon!" sigaw ni kuya.

"Pasensya na, wala akong pinakikinggan." Sabi nito at hinatak si ate.

"Bitawan mo ako! Yuda! Gab!" Sigaw ni ate habang kinakaladkad siya palayo.

"Ashtri!"

"Ngayon ikaw naman." Sabi sa akin ng isa pang lalaki na may hawak na punyal.

"Anton! Itigil mo yan!"

"Aaaaahhhh!!!!!" Sigaw ko habang pinagsasaksak ako. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo mula sa sikmura ko.

"Gab!"

"K-kuya..."

"Tama na! Pakiusap! Tama na!"

"Aaahhh!!! Ahh!!!" Sigaw ko muli.

"Hahahaha!!! Dapat lang yan sayo!!!"

"At ang panghuli."

"Cedrick,hindi ko alam na hawak nyo si Nori." Dinig ko pang sabi ni kuya.

Nanlalabo na ang mata ko. Nilalamig na din ako,senyales na nauubusan na ko ng dugo. Tila namanhid ang buong katawan ko. Hindi na ako makagalaw. Wala na akong maramdaman.

Pero bago ako nilamon ng kadiliman ay nadinig ko pa ang isang putok ng baril.

Pagkatapos,wala na akong narinig.

Naging blangko ang lahat.

Song used: Its a good thing to be together by EDUC 4-A (music- Prof. Lei Jacutan)

Guns and Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now