Prologo

2.1K 58 0
                                    

PROLOGO

But we're gonna start by
Drinking old cheap bottles of wine,
Sit talking up all night,
Saying things we haven't for a while
A while, yeah...

Nakita ko ang aking target na pumasok dito sa loob ng restaurant. Nakasuot ng itim na long sleeves at pantalon. Mukhang propesyonal kung titingnan. May mamahaling relo sa pulso nito, gintong singsing sa daliri at ilang carat ng dyamante ang nakapalibot sa suot nitong kwintas.

Maraming nakasunod sa kanyang mga tauhan. Pare-pareho ang suot na animo'y uniporme.

Umupo siya sa isang sulok kung saan hindi siya gaano mapapansin. Maya-maya'y pumasok ang isang lalaking nakaputing long sleeves, kasunod nito ang mga alaga niya.

We're smiling but we're close to tears,
Even after all these years,
We just now got the feeling that we're meeting for the first time.......


Patuloy ko lang silang pinagmamasdan. Walang kamalay malay ang mga tao sa paligid na may transakyong nagaganap sa lugar na ito.

Dinig na dinig ko ang kanilang masasayang usapan tungkol sa droga. Ilang kilong droga kapalit ang ilang milyong salapi.

Nakakaawa sila. Hindi nila alintana ang paglawak ng kanilanga espasyo para sa mga kalaban nila. At isa na ako doon.

Tumayo na ako nang makita kong nagpalitan ng mga attache case sa ilalim ng lamesa. Iyon na ang hudyat ko. Dinukot ko na ang paborito kong pistol at nilagyan ito ng silencer.

Oh these times are hard,
Yeah, they're making us crazy
Don't give up on me baby....

Binaril ko na ang mga tutang nakapligid sa kanila.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Siyam. Sampo.

Nagkakagulo na sa buong lugar. Halos magtulakan na ang mga tao makalabas lang ng lugar na ito. Dinig ko ang mga hiyaw nila pero wala akong pakialam.

Sinipa ko ang isang attache case na hawak ng isa sa mga tauhan nila. Tumilapon ito at nabuhos ang ilang kilong coccaine.

"What the fuck?!" sabi ng amo niya. Binaril ko ito at kaagad na natumba.

"Who are you?!" tanong niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Pinaputukan ko siya sa ulo at sa dibdib. Wala akong panahong kausapin ka.

Labing isa. Labing dalawa.

Lumapit ang isa sa akin at iwinasiwas ang hawak niyang katana. Umiwas ako at sinipa siya sa ulo sabay baril.

Labing tatlo.

Kinuha ko ang katana nito at pinagsasaksak ang iba.

Labing apat. Labing lima. Labing anim. Labing pito.

Kitang kita ko kung gaano siya katakot sa kinauupuan niya. Itinapon ko ang hawak kong katana at umupo sa tapat niya. Dumekwatro at ininom ang wine na nasa harapan niya.

"S-sino ka?"

"Daniel Kaogara. May-ari ng isang pharmaceutical company. Hindi na ako nagtataka kung bakit ito ang negosyo mo. Sa kabila ng magandang imahe mo sa tao ayan may itinatago ka palang baho." Tiningnan ko ang sahig na may natapon na coccaine.

"Isang drug lord." Patuloy ko.

"Anong kailangan mo sa akin?" tanong niya.

"Simple lang. Ang buhay mo." sagot ko at binaril siya sa ulo.

Labing walo.

Labing walong buhay ang kinuha ko. Pinunasan ko ng table napkin na nakuha sa isa sa mga lamesa ang mukha at kamay kong may bahid ng dugo.

Lumabas na ako na parang walang nangyari. Kinuha ko ang isang remote control at pinindot ang pulang buton.

Dinig na dinig ko ang pagsabog ng lugar. Manghanag mangha ako sa apoy na lumalamon dito.

Tama lang sa kanila iyan. Ang demonyo ay nararapat lang sa impyerno. Hindi sila nababagay dito.

Ako ang tagahatid sa kanila sa dapat nilang paroonan.

Ako ang kamatayan.

Ako si Gabriel.

At iisa isahin ko ang mga taong may utang sa akin.

Song used: For the first time by the script.

Guns and Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now