TATLO

1K 33 0
                                    

TATLO

"Ikaw?!" Sabi ko at naglakad palapit sa kanya. Umayos naman siya ng tayo at humarap sa akin.

"Ha?" Parang naguguluhan pa siya. Siguro di na niya a ko maalala. Sabagay sino ba ako para maalala niya?

"Ikaw yung lalaki sa convinience store di ba?" tanong ko. Tila ba ay nag-isip siya at inaalala ang mga nangyari tatlong araw na ang nakakaraan.

"Naalala ko na." Sabi niya at tinuro ako.
"Ikaw yung babaeng malungkot." Dugtong niya.

"Malungkot?"

"Oo. Alam kong malungkot ka ng mga oras na yon. Kaya sinaluhan kita sa lamesang iyon. Ayoko kasing nakakakita ng babaeng malungkot."

"Paano mo naman nasabi na malungkot ako?" Tanong ko pa.

"Nakikita ko kasi iyon sa mga mata mo." sagot niya. Ngumiti na lang ako sa kanya. Ganoon ba ako katransparent para makita ng isang estrangherong ito ang nararamdaman ko?

Bumaling ako sa isa sa mga gamit niya. Nahagip ng mata ko ang isang guitar case.

"Gusto mo ng tulong? Tutulungan na kita." Akmang kukunin ko ito pero hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan.

Sa pagdampi ng kanyang kamay sa aking kamay ay may naramdaman akong libo libong boltahe ng kuryente na gumapang mula sa kamay ko patungo sa buong katawan ko.

Marahil ay naramdaman niya rin ang kuryenteng ito kaya nabitawan niya ang kamay ko.

"A-ako na. Kaya ko na 'to." Sabi niya at binuhat ang guitar case.

"Hindi ba nararapat sa isang binibining katulad mo na manatili sa iyong tahanan lalo pa't sa ganitong oras?"

"Oo nga pero kasi nakita kita. Kung may kailangan ka, wag kang mahiyang katukin ako at humingi ng tulong. Diyan lang ako nakatira." Sabay turo sa bahay ko.

"O sige. Magandang gabi." At tumalikod na siya.

"Sandali!"

"Bakit?"

"Ano nga palang pangalan mo? Ako nga pala si Nami."

"Gabriel. Pero mas gusto kong tawaging Gab." At tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay.

Pumasok na rin ako sa loob ng bahay ko. Naligo na ako at naghanda na sa pagtulog.

Humiga na ako at di ko mapigilang ngumiti. Pakiramdam ko, matapos ang anim na buwan ay muli akong nabuhay.

Tila inaahon ako ng isang estranghero mula sa dagat ng kalungkutan.

Ito na rin ba ang senyales na dapat ko ng pakawalan  si Daniel?

Daniel, hindi ka naman siguro magagalit kung papakawalan na kita di ba?

Matapos ang matagal na panahon, nakatulog ako na may ngiti sa aking mga labi.

Guns and Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now