WYBM 48: Resigning

Start from the beginning
                                    

"Ay don nago-OJT si Raine at Zeila ha", sabi ni Benj kaya napakunot yung noo ko. Doon sa pinuntahan ko kahapon? Kaya ba gustong-gusto kong pumunta. Sana magkita kami.

"Uy, gusto nyang makipagkita kay Zeila", apng-iinis ni Rhon.

"Rhon, nakailang ulit ka na sa pang-iinis? Kung ilan yon, yun yung matatanggap mong batok sa akin mamaya", sabi ko saka sila tumawang dalawa.

"Aalis na nga ako. Babalikan ko kayo", sabi ko saka umalis.

"Naku! Makikita mo si Monica at si Nicole!", sigaw nung dalawa at narinig kong tumawa. Parang mga tanga eh. Agad kong kinuha yung phone ko at tinawagan si Zeila.

Makailangring bago nya sagutin yung tawag.

'Kaydee, bigla ka namang tatawag', pambungad nya.

"Wala man lang greetings?", tanong ko sa kanya.

'Oh eh di sige, hello? Baket ka napatawag?', sabi nya in a sarcastic tone.

"Papunta ako dyan"

'Ha? Anong gagawin mo dito? Baka mahuli tayo!'

"Eto naman! Kita tayo sa parking lot, malapit na ako. Love you too!", sabi ko at in-end yung call. Inunahan ko na sya sa pagsasabi non. Kaya nga may 'too' eh. Di ko alam pero naeexcite ako.

~Zeila

Napabuga ako ng hangin.

"Attorney", sabi ko at nagpout.

"Oh ang haba na naman ng nguso mo. Ano na namang problema mo?", natatawa nyang tanong.

"Nakikipagkita sa akin si Kaydee, sa parking", sabi ko at saka sinandig yung ulo ko sa mesa. Lahat na lang, gustong gawin ng lalaking yun.

"Eh di makipagkita ka. Saktong andito na sila Agatha at pinaghintay ko sila ng 15 minutes so you have 15 minutes para makipagkita sa kanya", sabi nya saka ngumiti.

"Torney, delikado---"

"Sumunod na lang kasi. Hindi delikado yon, wal ka na namang tiwala sa akin eh", sabi nya kaya napabuntong-hininga ako. Agad kong kinuha yung phone ko at sinet yun sa 15 minutes. Nagsimula na akong maglakad. Nakarating ako sa parking lot at nakita kong may 13 minutes pa ako.

Nakita ko kaagad si Kaydee at tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya. Agad nya naman akong niayakap din.

"I miss you", sabi nya saka ako hinalikan sa ulo.

"I miss you too, Kaydee baby. Baket ka nandito? Delikado at baka makita tayo", sabi ko sa kanya.

Kumalas sya sa yakap.

"Wanna eat?", tanong nya.

"I love too pero hindi pepwede. My trainer needs me after...", tinginan ko yung timer. "... after 10 minutes. Kailangan ako kasi may kakausapin sya", sabi ko at saka napabuga ng hangin.

"Well that's okay. Alam ko naman na baka di ka pwede kaya naghanda na ako", sabi nya at saka sya may kinuha sa compartment ng kotse nya. Nagulat ako nang bigyan nya ako ng isang chocolate drink at donut.

"Talagang naghanda ka ha? Thank you", sabi ko at kinuha yung donut at chocolate drink.

"Dahil nga kailangan nating magtago, dito tayo", sabi nya at binuksan yung kotse nya. Agad akong pumasok at saka ako kumuha ng isang donut.

"Kamusta ka? Musta OJT?", tanong ko sa kanya. Nilunok ko muna yung donut bago sya sinagot.

"Medyo mahirap. Tulad ngayon, may pinapasagutan sa amin nila Rhon at Benj eh hindi nga kami nakikinig kapag yun yung topic", sabi nya at tumawa.

Will You Be My....?? (Completed)Where stories live. Discover now