WYBM 45: Passionate Sincerity

Comincia dall'inizio
                                    

'Una ka na doon. Tignan mo baka andoon na sila. Di pa ako tapos sa ginagawa ko eh. Hintayin nyo na lang ako'

"Ow sige. Ingat ka na lang"

'Sige', at in-end nya yung call. Syempre ako naman sumunod na sa kanila na pumunta na doon.

Nang makarating ako, napag-alaman na nakareserve pala sa amin yung restaurant and it's so awkward na ako pa lang mag-isa dito. Si Raine di pa daw tapos. Himala ata at mas nauna ako sa kanya.

Busy ako kakalaro ng phone ko dahil hanggang ngayon mag-isa pa ako. 15 minutes na ata akong naghihintay at wala pa ding dumadating. Malapit na akong mainis ah. Malapit pa lang naman.

Napatingin naman ako nang biglang tumunog yung chime nung restaurant at halos di ako makapagsalita sa nakita ko. How?

+Kaydee

Nakaupo ako sa lamesa ko at busy kakabasa ng infrastructure definitions. Syempre OJT kaya kailangan may matutunan ako. Pero drained din ang utak ko. Isa pang problema eh feeling ko may nakabantay sa akin dahil yung kapatid ng abogado nila Agnes yung magbibigay sa akin nung grade ko.

Napahawak ako sa sentido ko nang gulong-gulo na ako sa ginagawa ko. Wala ako sa concentration at kung pagpapatuloy ko to, mababang grade ang makukuha ko.

"Pare!"

Napatingin ako kay Benj at Rhon na parang happy lang. Ang ingay-ingay pa din nila.

"What?", tanong ko at hinilot yung sentido ko.

"Sama ka sa amin mamaya. Sa restaurant na malapit dito", sabi ni Benj saka ngumiti.

"Your treat?", I asked.

"Oo na. Di ka naman sasama kung di libre eh. Ikaw pa, ang kuripot mong walangya ka", sabi ni Rhon kaya nabuga ako ng hangin.

"Then yes, I'm going. What time?", tanong ko.

"Kita tayo doon na lang mismo pagtapos ng training", sabi nila at nagmadaling lumabas. Parang tanga silang dalawa.

NATAPOS ako sa ginagawa ko at saka nag-inat. At last, tapos na din. Nakakatamad. Wala kasi ako sa concentration eh. Sabi nila, pumapayat daw ako. Well, ramdam ko din sa sarili ko yon. Pagod, stress, depression. Lahat na ata halo-halo sa katawan ko eh. Lalo na ngayon na........ ikakasal na ako. Yeah, ikakasal. Nice one.

Tumayo na ako at nagpasa na ako ng narrative report sa boss ko at saka ako nginitian. Natakot naman ako dahil sa ginawa nya. Bihirang ngumiti to at ang creepy ha.

Tinawagan ko sila Rhon.

"Asan na kayo?", tanong ko sa kanila.

'Una ka na don. Patapos pa lang kami ni Rhon eh. Sunod na lang kami', sabi nya kaya in-end ko na yung call. Di naman ako nagbago, naging cold naman ako. Ayaw ko ng ganto.

Pagkarating ko, may naaninagan akong nag-iisang babaeng nakaupo pero nakatalikod sa entrance. Teka, eto ba talaga yon?

Pumasok ako at dahil doon, nagring yung chimes at humarap yung babae kaya napalunok ako bigla. How could it be?

"A-Anong ginagawa mo dito?", tanong nya at napatayo na sya. Nakatingin ako sa kanya. Gusto ko syang yakapin pero natatakot ako. Panigurado alam nya nang ikakasal ako. Napatingin ako sa ibang direksyon. Natatakot ako sa mga sasabihin nya.

Bigla naman akong napatingin sa cellphone ko nang magvibrate. Tumatawag si Benj.

"Lo?"

'Ay Kaydee, enjoy! Nagpareserve talaga kami para sayo. Tsaka isa sa assignment ni Raine kaya sinunod lang naming. Enjoy Kaydee!'

Will You Be My....?? (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora