WYBM 44: On The Job Training

Start from the beginning
                                    

"P-Pwede nyo naman pong malaman pero baka naman po kasi akalain nyo na sinisiraan ko yung pamilya Ynares dahil sa mga kwento ko", sabi ko saka lumunok. Natatakot akosa naging reaksyon ko. I'm trying to forget about Kaydee. But every night, before I sleep, umiiyak ako lagi.

"Zeila, matagal ko nang alam ang ugali nang pamilya na yon. Di ko naman sila masisisi lalo na si Agatha dahil mistress sya. Alam mo naman ang mga number 2, karaniwan mga palaban kaya sya ganon"

Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi nya.

"Siguro po alam nyo na kapatid ko si Agnes?"

Natahimik sya bigla at napakunot yung noo.

"May problema po ba?", tanong ko sa kanya dahil napansin ko yung itsura nya.

"Kapatid mo si Agnes?", tanong nya kaya napaawang yung bibig ko.

"Po? Di nyo po alam yung tungkol doon? Like seriously po?", tanong ko kaya napatawa sya bigla.

"Zeila, alam mo na kapag seryosong usapan eh hindi ako nagtatanong ng alam ko na. Wala naman tayo sa debate. So talagang magkapatid kayo?"

"Ahmm, yes po? Ayun po ang sabi nya. Baket di nyo po alam? Eh dib a po abogado po kayo? Dapat po alam nyo lahat tungkol sa kanila", sabi ko sa kanya pero napahawak lang sya sa baba nya at alam kong nag-iisip sya.

"Wanna know something?", sabi nya kaya parang bigla akong kinabahan.

"A-Ano po iyon?", tanong ko at inayos nya muna yung necktie nya.

"Gustong agawin ni Agatha lahat ng ari-arian ng tatay mo. Kaya nga laking pasasalamat ko nang malaman ko na isa ka sa mga kukuha ng OJT dito sa amin at talagang pinilit kong ibigay ka sa akin kahit alam kong sa una takot ka. Unang-una, gusto kitang protektahan. Kave is my friend kaya nga ako ang ginamit nila Agatha para ma-engage si Kaydee at Agnes ng agad-agad. Malakas ang loob ni Agatha dahil may abogado sya but once na tumaas ang posisyon ko, bibitawan ko sya", sabi nya at nakangisi sya.

"At dahil kilala ko si Kave, di ko hahayaang matuloy ang kasal ni kaydee at Agnes... para sayo", sabi nya at ngumit.

"P-Po? Baket nyo po sinasabi yan ngayon?", sabi ko. I'm so puzzled. Di ko maintindihan kung anong gustong ipunto ni Sir.

"Maraming utang sa akin ang pamilya Ynares at ilang beses na din nila akong na-blackmail. I think this is the right time para ako naman ang gumanti. Lalaban ako sa kanya dahil mas tataas na ang posisyon ko within this month, kaya swerte ka. And yes, tutulungan kita kasi alam kong mahal na mahal mo si Kaydee", sabi nya at ngumiti ako.

"P-Po? Pano nyo naman po nalaman yung tungkol doon?", nahihiya kong tanong.

"Nung nag-uusap kami ni Kave, sinabi ko sa kanya na hindi ko din gusto ang gusto ni Agatha. He wants me to do one thing"

"A-Ano naman po yon?"

"Ang tulungan si Kaydee na maibalik ka sa kanya"

Natameme ako bigla. Di ko alam kung anong sasabihin ko.

"You know what? When I saw Kaydee last month, yung mukha nya, he's looks so burden. Yung mata nya laging mugto at namumula lagi yung tenga na anytime eh iiyak. And he's eyes, parang laging iiyak. Pumapayat na din sya and yung OJT nya, doon sya sa kapatid ko. Talagang doon ko sya pinalagay para kahit papano eh alam ko ang kalagayan nya", sabi nya at hanggang ngayon speechless pa din ako.

"Didn't you miss him?"

Nanlaki yung mata ko dahil sa tanong ni Attorney.

"Attorney naman! Nakakahiya na yung mga tanong nyo!", sabi ko at saka yumuko.

Will You Be My....?? (Completed)Where stories live. Discover now