"so?ikaw pala.mabuti naman at ikaw na mismo ang nagpakilala sakin.hindi kita namukhaan dahil sa porma mo kanina,mabuti nalang pala at nakita ka nang aso ko,akalain mo nga naman na naramdaman niyang may atraso ka sakin.hindi na tuloy ako mahihirapang ipahanap ka sa pulis."nakakaloko naman itong ngumiti sakin

"talaga?at bakit mo naman ako ipapapulis?pasalamat ka nga at binayaran pa kita nang isang libo."bigla ko namang inilabas yung pekeng pera nito na nilagay ko pa talaga sa bulsa bago ako umalis

"oh!sa tingin mo dapat kong ipagpasalamat ang pagbabayad mo sakin nang pekeng pera?ang kapal talaga nang mukha mo!nang dahil sayo nagalit sakin yung taiwanese na dapat siyang bibili nang painting ko,nang dahil sayo nalugi ako nang 30 thousand.alam mo yun!30 thousand lang naman ang tunay na halaga nang painting ko,tapos"napabuga pa ako nang hangin sa inis ko dito,nakalimutan ko na nga atang mahal ko ito nang oras na iyon. "tapos ang binayad mo sakin play money!"

nagtataka naman itong bumalik sa pagkakaupo at kinuha yung play money na nasa kamay ko.

"oh!haha"yun lang yung nasabi niya

tumawa ito nang malakas tapos napakamot sa batok na parang nahihiya.natigilan naman ako sa ginawa nito.ganyang-ganyan si harley dati.pag sa tuwing may nagagawa itong pagkakamali sakin bigla itong tatawa at mahihiyang titingin sakin

"ipapapulis kita!"bigla nalang lumabas sa bibig ko ang salitang yun na kinatayo ko pa!

"hah?sandali lang miss..huwag ka namang magpadalos-dalos.ano kasi!nagkamali ako nang nakuhang pera,may binili kasi akong play money para ibigay sa mga batang yun oh."tinuro pa nito yung mga batang nakalaro nito

"sa tingin mo mauuto mo ako sa kasinungalingan mo?humanda ka ngayon dahil ipapapulis talaga kita!"hinila ko yung tali ni memo sa kamay nito at mag-sisigaw na sana nang pulis nang bigla nalang ako nitong hinalikan

sa gulat ko nabitawan ko yung tali ni memo sa kamay ko.gulat na gulat talaga ako as in lalo pa at sa loob nang dalawang taong hindi ko ito nakasama at nakita.ngayon ko lang ulit naramdaman ang halik nito.

"subukan mong isumbong ako sa pulis,di ako mag-kakamaling halikan ka ulit,"pagkatapos nun tinapik pa nito yung pisngi ko bago tuluyang maglakad paalis

napahawak naman ako sa dibdib ko sa sobrang pagtibok nang puso ko.malayo-layo na ito sakin nang muli itong humarap at nakangiting sumigaw 

"ingat ka sa pag-uwis miss painter.thank for the kiss."naiwan naman ako dun na natitigilan at natulala nang ilang minuto

hindi parin nga sana ako titinag mula sa pagkakatayo ko kung hindi lang nag-ingay si memo.ang makulit na Harley ba ang nakikita ko ngayon?siguro yun nga.humugot naman ako nang malalim na hininga at nangi-ngiting napa salita.

"thank you din Hon!nagbalik kana ulit,"

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ