KABANATA 73

6.3K 198 0
                                    

Kabanata 73

-angeli-

Ang hirap magpanggap na ang lahat ng ginawa namin ay planado pero hindi. Ang sakit isipin na sana nga planado nalang pero bakit hindi? Lagi nang nawawalan ng oras sakin si Troy. Lagi ko syang tinatanong kung may problema pero wala daw. Lagi kong tinatanong kung may iba na syang babae pero nagagalit at sinasabing wala. Ang masakit dun, ay yung nagsisinungaling sya sakin.


"Hmm... sige na nga, tutulungan na kita. Saan ba, sa bahay nyo?" Habang papunta ako kila Nadz, may narinig ako malapit sa dinaanan ko kaya hindi ko nalang pinansin.

"Okay Troy!!" Napahinto ako bigla dahil sa narinig ko. Alam ko namang hindi yan si 'troy ko' eh. Hindi sya nakikipagusap sa mga babae pwera kila Nadz.


"Wag ka nang maingay. Secret lang natin to. Sana ay walang makaalam kundi, lagot na" bigla akong kinabahan ng marinig ko ang boses ni Troy. Tama nga, si Troy.


Nagdirediretso na lang ako na parang walang nangyari pero masama loob ko. Hindi ako pwedeng umiyak, may makakapansin.


ngayon naman ay hindi nya ko pinansin nung ihahatid na yung cake ni Nadz. Ano ba talaga problema nya? Ay mali... ano na ba gusto nyang mangyari?



"Kie!" Napatingin sakin si Kiefer pati na rin si Third at Kai. Lumapit sila sakin ng nakangiti kaya ngumiti din ako.



"Bakit nyo ko pinatawag?" Tanong ko sa kanila saka sila nagtinginan bago ako sagutin. Daming kakornihan ng mga to.



"Paalis na si Troy. Papunta na syang New york" parang bumagsak yung mukha ko sa lupa sa narinig ko. Aalis? Anong gagawin nya dun?



"Yung sinasabi mo saming tatlo na may nakita kang kausap nyang babae, ginawa nya lang yun para di ka na mag-alala na pupunta syang new york" paliwanag ni Third kaya nataranta ako.


"Tawagan mo sya! Tawagan mo!" Sumunod si Kai sa sinabi ko at dinial ang number ni Troy saka sinagot.




"Maganda ba?" Ibang boses yung naririnig namin. Babae siguro yun. Don't tell me nanakaw yung cellphone nya?



"Sobrang ganda Troy..." biglang may tumulong luha sa mata ko. At saka hinila ako nila Third at di alam kung saan pupunta. Susundan ko pa ba sya sa Airport? Mukhang masaya na sya.



Mga 3 minutes ng byahe ay huminto kami sa isang park. Now they will comfort me?



"Umuwi na kayo dun. Hindi ako ang dapat nyong kasama kundi yung mga girlfriends nyo. Okay na 'ko" sabi ko tapos kumunot noo nya.




"Aba dapat lang! Baka hinihintay ako ni Bhe no. Buset tong Troy na to pahirap sa buhay" sabi ni Kiefer. Oo nga eh, pati buhay ko pinahirapan nya pa. Umalis silang tatlo at nagpaalam sakin tapos nagikot ikot lang ako.




Nagpunta ako sa lugar kung saan madaming tao at madaming nanunuod kasi may kumakanta sa mini stage.


~When I dream about you,

That's when everything's all right,

You're in my arms

Here next to me, forever.

When I dream about you,

Girl you never go away,

Just close my eyes

Wait for my dreams

Cause I still love, loving you.~




Biglang may tumulong luha sa mga mata ko habang pinapanuod yung kumakanta sa mini stage. Ang sarap pakinggang ng boses nya. Hindi ko man nakikita dahil maliit ako, ang ganda ng boses nya.


"Ayiiieee" napatingin ako sa mga tao na nag'ayian' sabay nagbigay ng way para siguro makadaan yung kumakanta.

"Miss wag ka nang malungkot" napaangat ako ng ulo at napatingin sa kanya sabay pinagpapalo sya. Naiinis ako! Naiinis ako!


"Pinapakilala ko nga pala, ang babaeng pinakamamahal ko. Monthsary namin ngayon kaya, surprise baby Angelie Jimenez. Happy monthsary" saka nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. May lumapit na babae samin at alam kong sya yung laging kasama ni Troy dahil namumukhaan ko sya.



Nagabot sya sakin ng Bouquet of roses saka isang maliit na box. Kumindat muna sya sakin bago umalis.


"Naiinis ako sayo Troy. Alam mo yun?"


"Sorry na baby. Pinagplanuhan ko lang talaga to. Ang effort mo ng sinurpresa mo ko eh, syempre ako naman" sabi niya saka ngumiti. Sinagot ko din sya ng ngiti at may tumulong luha ulit sa mata ko.



"I love you, Baby" kiniss nya ko sa noo saka nagpalakpakan ulit yung mga tao. May nagvivideo, may nagpipicture.



"I love you too, baby. Ikaw lang" ngumiti ako sa kanya at kinurot sya sa tagiliran. Sana kami na hanggang sa huli. I know may pagaaral pa pero hindi ako papayag na magkahiwalay kami. Sya lang ang tumanggap sakin bilang ako bukod sa mga kaibigan ko. Sya lang ang lalaking nagmahal sakin ng ganito kaya nagpapasalamat ako.

Campus QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon