KABANATA 19

9.2K 284 0
                                    

Kabanata 19

-nadine-

Nagising ako bigla ng may ingay na nagaganap sa baba.

"Kelly?" Tawag ko. Wala din kasi sya dito kaso malamang kung wala yung dito nasa dance room.

Bumaba ako para tingnan kung sino yung nagtatawanan at pagbaba ko, nandito silang apat.

Kiefer - ^.^
Third - >.>
Kuya - O.O
Troy - (-.-)

"Magbihis ka nga dun! Ang ikli ng suot mo at kakagising mo palang!" Sabi ni kuya kaya tumakbo ako paakyat. May babae din silang kasama.

Pano kasi, naka oversized tshirt ako at short shorts. Gash, di pako naghihilamos! I check the time at 6pm na rin pala. Bumaba na ko sa baba at nakita silang kumakain.

"Ito na, ito nga pala si Kaya, girlfriend ko. Kaya, si Nadine, kapatid ko" sabi ni kuya kai. So sya pala yun? Not bad. Maganda, maputi, matangkad parang si Coleen, mukhang mataray, pagngumiti nawawala ang mata na parang si Kelly.

Nagsimula na kaming magdaldalan. Pero hindi sila bagay ni Kuya. Colai padin ako hanggang ngayon.

"Hindi na ba pupunta sila Angeli dito, Nadine?" Napatingin ako kay Third na nagtanong. Bigla akong kinilig na ewan.

"Ewan ko eh. Bakit mo natanong?"

"Sayang. Dito sana kami magrereview para sa national Quiz bee. Kaso wala naman na sya kaya baka yayain ko nalang sya sa bahay" hala, seryoso ba sya? Teka nga, hindi naman kami ah?! Bakit ako nagseselos at sa bestfriend ko pa?!

"Kakausapin ko nalang sya bukas kung pwede sya dito" sabi ko ng nakangiti pa. Tumango sya sakin at ngumiti din.

Para akong natutunaw sa ngiti nya. Errr.

"So, kayo pala yung magpapartner sa Parade?" Tanong ni Kiefer may Kaya at tumango silang dalawa ni kuya. Aba, KAYA AT KUYA?! No, COLAI pa din ako.

"Tapos ang partner naman ni Nadz, si Troy. Aba ayos! Ako lang wala!" Sabi ni Kiefer kaya nagtawanan kami. Biglang lumabas si Kelly sa Dance room.

"Hi Master! Mukhang pagod na pagod ka ah? Inom ka muna Juice" sabi ni Kiefer na binigyan pa ng Juice si Kelly kaya nagtawanan ulit kami.

"Ligawan mo na kasi par. Arte pa eh" bulong ni Troy sa gilid nya kaya narinig ko at ni Kiefer.

Anong ligawan? Hahahah

"Sa susunod master sasabayan na kita sumayaw para naman di ka mabagot" sabi ni Kiefer nakatingin lang kami kay Kelly na nakataas ang kilay kay Kie.

"Sa mukha mo pa ngalang nababagot nako. Pano pa kaya sa sayaw mo" tapos nagtawanan uli kami at umupo na silang dalawa.

Nagkwentuhan kaming lahat ng matagal at naguwian na din sila past 10pm. Hinatid ni kuya si kaya at umuwi na rin sya.

"Kuya mahal mo ba yung si Kaya?" Tanong ko paguwi niya. Nagdirediretso sya sa kwarto nya kaya sinundan ko pa din.

"Maganda sya, mabait, mejo maldita, at magaling sa volleyball" napangiti ako sa sinabi nya.

"Tinatanong ko kung mahal mo ba sya" sabi ko ulit. Iba iba kasi ang sinasagot eh.

"Gusto lang ng coach nya at coach namin na magkalapit kami. Okay ka na?" Sabi nya kaya napapalakpak ako at umiling naman sya. Ibig sabihin may chance pa si Coleen!!!

Lumabas na ako at nagpunta sa kwarto ko ng may nakita akong lalaking nasa ibaba. Umiinom sya ng tubig at ng makita ako, sinenyasan akong bumaba.

"Anong ginagawa mo sa guest room?" Tanong ni daddy sabay inom ng tubig. Nagmano ako sa kanya at nagkiss.

"M-May kinuha lang po. Bakit po kayo nandito?" Nabigla sya sa sinabi ko. Hindi kasi ako nagtatanong ng ganun sa kanya pag nandito sya eh.

"Bakit mo ako tinatanong ng ganyan? Wala ka na bang galang sa'kin? Masama bang bisitahin ka?" Tanong niya sakin at napayuko ako.

"Sorry po."

"So yun nga, kamusta ka naman dito? Balita ko wala ka nang kasama dito ah? Hindi ka ba nalulungkot? Gusto mo bang kunin na kita dito?" Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Wag na dad, ayos lang ako dito. Kakabisita lang sakin ni mommy dito." Sabi ko kaya nagiba ang ekpresyon nya.

"Ganun ba? Bibisita ulit ako sayo dito. Pagkailangan mo 'ko pumunta ka lang sa bahay ko ha?" Sabi nya kaya tumango lang ako at umalis na sya. Pagalis na pag alis ni daddy ay bumaba si kuya na kanina pa ata nakatingin sa min at nakikinig.

"May kailangan yun sayo, panigurado" sabi nya.

"Kuya naman."

"Bakit, totoo naman ah? May kailangan yun sayo. Ano naman kaya?" Sabi nya at kunwari pang nagiisip. Dinaanan ko lang sya at umakyat na ng kwarto.

"Wag kang sasama dun. Baka...alam mo na, tungkol sa mga business thingy. Ipapakasal ka sa mga ganun ganyan"

"Kuya, matulog na kaya tayo. Wag mo nang isipin si daddy" sabi ko at bumalik na kami sa kanya kanya naming kwarto.

Campus QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon