KABANATA 45

7.7K 222 4
                                    

Kabnata 45

-Third-

"Layuan mo si Nadz. Bata pa yun at di pinagboboyfriend ng kuya nya" sabi ko paguwi nya. Ngumisi lang sya at tinapik ako.

"Gusto ko sya. Crush nya nga ako eh. Wala namang masama dun diba?"



"Tigilan mo kakaganyan mo, Fourth. Hindi pwede"



"Bakit, ikaw ba kuya nya? Over protecting ka naman masyado. Baka naman.. gusto mo sya?" Tanong nya kaya natulak ko sya ng mahina.




"Hindi ko sya gusto. Kaibigan ko lang sya at ang kuya nya. Walang masama don" sabi ko.



"Eh wala naman pala eh. Kuya naman kita so kakausapin ko kuya nya para ligawan sya" sabi nya at pumasok na sa kwarto nya. Magkikinse palang sya!

----

"Pre, tahimik ka?" Tanong ni Kie sakin.



"Lagi naman akong tahimik" pagsagot ko nalang.



"Di pre seryoso, bakit ang tahimik mo?"



"Mukha ba kong nagbibiro pre? Seryoso din ako ano" sabi ko kaya tumango nalang sya.




Hindi ko matanggal sa isip ko yung sinabi ng kapatid ko. Pano ko yun sasabihin kay Kai? Malamang magagalit yun sa kapatid ko at pati nadin kay Nadz.




"Anong sabi mo? Nadz?" Napatingin ako kay Kai. Napakunot naman noo ko sa sinabi nya. May sinabi bako? Alam ko iniisip ko lang yun eh.




"Oo pre. Si Nadz ang nagsabi. Pangalan ng crush nya ay yung kapatid ni Third!!" Sigaw ni Kie kaya nabatukan ko sya. Napakadaldal.




"Kapatid mo pala pre? Aba pwede na. Boto nako dun" sabi nya.





"Ano?! Boto ka dun para sa kapatid mo?! Ganyan ka ba? Pinapaubaya mo lang sya sa iba?!" Tanong ko kaya marami sa kaklase namin ang napatingin at yung ibang dumadaan.





"OA pre? Si Kai nga hindi masyadong mag react eh. Ikaw pa" sabi ni Troy at nagcellphone ulit.





"Bakit? Kanino mo gusto, sayo? Mahiya ka nga pre. Nasaktan na nga si Nadz sayo eh" sabi ni Kai kaya napatahimik nalang ako.




"Tsk"





Lumayo ako doon at nagstay nalang sa library. Mas tahimik pa dito eh. Kumuha ako ng librong percy Jackson at pumirma sa librarian. Pwede ko na tong iuwi at basahin.




Napatingin ako sa cellphone ko ng makatanggap ako ng text galing kay Troy.


From Troy

Mamaya daw sa bahay nila Kai. Tatambay tayo





Hindi nalang ako nagreply dahil sayang load lang pero pupunta ako. Kailangan kong makausap si Nadz kaya kailangan ko syang makita mamaya.




Pagkatapos ng panghuling klase ay umuwi muna ako samin. Malamang nandun si Fourth sa plaza at nagbabasketball.



Nagpalit muna ako ng damit at dumaan sa plaza. Napahinto ako ng makita si Nadz na nakaupo at may hawak na baby na nanunuod kay Fourth. At talagang nanuod pa sya no?




"Nadz!" Sigaw ko. Napatingin sya sakin at nagulat.


"Kuya!" Sigaw ni Fourth.




"Tumigil ka. Kailangan nya nang umuwi" sabi ko at hinihila si Nadz. Napansin kong hindi nagpapahila si Nadz kaya binitawan ko.




"Ano ba! Kita mong naunuod yung tao eh" sabi nya nalang sakin.




"Dun ka na nga kuya! Nangiistorbo ka lang eh" sabi ni Fourth kaya umalis nalang ako. Nababadtrip nanaman ako sa kanilang dalawa. Nakakasira ng araw.




To Kai

Nandito kapatid mo sa plaza samin.




Maya maya ay nagreply na sya. Papunta na ko sa kanila.




From Kai

Anong ginagawa? Sinong kasama?



To Kai

Pinapanuod kapatid ko. Kasama nya yung kapatid nyong babae. Buhat nya





Sa pagkakaalam ko, wala syang kapatid pa at si Nadz lang ang bunso. Bakit may buhat sya lagi?



From Kai

Papunta nako jan



Hindi ko na sya nireplyan at tinawagan nalang



"Pre, papunta nako sa inyo" sabi ko.



"Susunduin ko si Nadz. Sige dumeretso ka na samin" sabi nya at inend ang call. Hindi nako dumeretso sa kanila at hinintay si Kai. Malamang makakasalubong ko yun.



Nakita ko syang bumaba ng sasakyan at sinabing samahan ko sya sa plaza. Ng makita namin dun si Nadz, agad nyang pinagalitan.



"Umuwi na tayo. Dito ka ba laging dumidiretso paguwi mo ha?! Sino ba yang batang yan?! At anong ginagawa mo sa subdivision na to?!" Sabi nyang galit na galit.




"Pre tama na" sabi ko nalang dahil nakita kong papaiyak na si Nadz.


"Iuuwi ko lang to si Ern. Uuwi na rin ako" sabi nya. Nakakapanlumo yung panlulumo nya.




Nakita kong umalis na sya at binangga nya pa ko. Sinundan naman sya ni Kai at sumunod narin ako.



"Sana hindi ka naging masaya na makitang malungkot si Nadz. Minsan lang nya makasama yung kapatid nya" sabi ni Fourth at nagshoot ng bola



"Naalala mo ba yung Natamaan ko sya ng bola? Ang ganda nya talaga dun" sabi nya at nagdriball.




Oo. Naaalala ko yung natamaan si Nadz at pinrotektahan nya yung baby na hawak nya. Nakaupo lang ako nun at nagpapahinga samantalang sila ni Fourth naguusap. Hindi nya siguro ako napansin nun kaya hindi sya nagreact. Minsan nakakamiss din yung pangungulit nya sakin. Wala na kasing makulit at hyper na kumakausap sakin simula nung umamin sya. Ewan ko ba. Bakit pa kasi si Angeli ang nagustuhan ko at hindi sya.

Campus QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon