KABANATA 58

6.7K 204 8
                                    

Kabanata 58

-third-

Maaga kami nagising para sa pag-alis mamaya. Mejo inaantok pa nga ako pero kailangan naming maghanda ng pagkain.





"Third, gisingin mo na kaya sila Nadz?"  Sabi sakin ni Kai.







"Bakit ako? Si Kie nalang" sabi ko. Napatingin naman si Kie sakin







"Bakit ako? Si Troy nalang" sabi naman ni Kie. Kahit inaantok pa ay nanlaki ang mata nya.






"Tinatamad ako. Ikaw nalang Kai"







"Putek!!! Pipindutin nyo lang naman yung bell sa kwarto nya eh! Ako na nga lang!" Sabi nya kaya napatawa kami. Utos nya sunod nya.







Pinindot nya yung bell malapit sa kitchen at siguro nag ingay naman sa kwarto ni Nadz kasi may sumigaw 








"WAAAAAHHHH!!!" Malamang si Nadz yun. Bunganga palang eh maingay na.







"kuya!! Sino nagpindot nun?!" Sabi niya. Nung nakita ko syang pababa, magulo ang buhok, may eye mask sa buhok nya, nakaspaghetti strap na sando tapos may jacket na pantulog at nakashort shorts. Damn bakit ganyan sya?







"Nadz, magbihis ka nga! Dali aalis tayo!" Lagi nalang sinasabi ni Kai yung ganun kapag bumababa sya galing sa kwarto. Napatakbo naman sya sa kwarto nya at pinagpatuloy ang ginagawa namin. Maya maya ay nagsibabaan na silang apat.








Si Nadz na nakaloose shirt tapos naka short. Lagi naman syang ganyan kaya sanay na din ako sa ganyan nya. Tapos naka cardigan tapos si Coleen na nakashirt at short din tapos si Angeli na nakapolo tapos si Kelly na nakalong sleeves.








"Nadz yan ba yung binili mo sa divi? Ayos ah. Dapat pala bumili din ako" sabi ni Coleen. Divi? As in divisoria? Namili sya dun? Ayos ah.







"Yep. Ganda no?"







"Namili ka ng damit sa divisoria Nadz? Galing" sabi ni Kai at tumango tango pa.








"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Kelly.







"Ilocos" sagot na maikli ni Kie.





"What?! Totoo?! Ilang araw tayo dun?" Sabi ni Angeli na masayang masaya pa.







"5 days. Magkakasama na tayong dalawa dun" sabi ni Troy kaya napaiwas ako ng tingin. Ewan ko ba.







"Hoy, walo tayo. Di kayong dalawa lang" sabi ni Kiefer kaya nagtawanan sila.






"Wait, magdadala pako ng bag" sabi ni Nadz. Kami din, naghanda na ng 3 damit.






"Pwede na pala tayong dumaan sa resort namin sweetie pie" sabi ni Coleen.







"Oh sige ba sweetie pie. Pagkatapos ng road trip eh diretso tayo sa resort nyo. So ganito plano namin, 1 day tayo sa baguio tapos kinabukasan, diretso na sa Ilocos. 2 days tayo dun. Tapos 4th day, sa resort nyo. Ayos diba?"







"Thanks sweetie pie, im surprised" sabi niya at naghug sila. Nakakadiri.







"Oh, tara na" sabi ni Nadz at dala na din mga damit nila Kelly.







Pagkatapos ng niluto KO, oo AKO lang. Mga walang tinulong tong mga to. Paglabas namin, wala pa yung kotseng magsusundo samin.








"Ay Kai, hindi daw gumagana yung pick up truck namin" sabi ko pagkatapos kong makatanggap ng text galing sa driver.







"Ano ba yan Third. Debale, dito nalang tayo sa kotse namin" sabi ni Kai at sumakay na sa van nila.







Pagkasakay ko, sa pinakalikod, sumunod si Nadz dahilan para kabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Tapos si Kelly na katabi niya. Tapos sa pangalawa, si Kai, Coleen, Angeli, at Troy. Yung katabi naman ng driver, si Kie.







"Layo nyo naman sa isa't isa, Kelly" rinig kong bulong ni Nadz kay Kelly.







"Yaan mo na" sabi nalang nito at nagearphone. Nagopen din si Nadz ng phone at nagseselfie na habang may earphone.








"Oh Third, sali ka?" Sabi niya. Bigla akong nataranta ng kausapin nya ko. Ngayon nya lang uli ako kinausap simula nung nagalit sya sakin.







"Hoy sali kami!!" Sabi nila sa harap kaya napakamot ako. Sayang... ha? Anong sabi ko?!







Pagkatapos ng ilang shots ay tumigil na din sila at nagsari sarili. Naglagay si Nadz ng earphone at ilalabas ko na din sana yung earphone ko kaso may nilagay sya sa tenga ko.








"Pakinggan mo to. Maganda to" sabi niya at tumango nalang. Kada kakausapin nya ko kakabahan ako. Bakit ganun?








Pinatugtog nya yung di ko alam basta lalaki ang kumakanta at sya naman ay may pinapanuod sa youtube. Siguro yung mv na yun ito.







"akoy tinamaan puso’y tinamaan
sadyang ikaw lang ang tanging dahilan
walang iniisip walang nalalaman
kundi ikaw lang pagkat ikaw ang mahal
tunay na lahat ay hahamakin
pag iyong nararamdaman"




Pusanggala. Tinamaan na ata ako kay Nadz. Ako? Tinamaan? Kaso mahirap ata yun. Kaagaw ko ang kapatid ko.








sinuot ko yung shades ko at sumandal. Nagtulog tulugan ako para hindi nya makuha yung earphone. Nakita ko pa yung pagsilip nya sakin at pagngiti. Pagtalikod nya, napansin ko na rin ang sarili kong nakangiti.

Campus QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon