KABANATA 44

7.7K 214 3
                                    

Kabanata 44

-nadz-

"Guys wait lang may bibilhin lang ako" sabi ko sa kanila at tumango sila. Bibili lang ako ng nachos. Nakakamiss kasi kumain ng ganito.

"Nachos po, yung pinakamalaki" sabi ko at nagabot ng bayad. Bibigyan ko din naman sila syempre.

"Nachos po, yung pinakamalaki" napatingin ako sa gumaya sakin at napaface palm. Grabe! Iniiwasan kong mapangiti pero dahil nandito sya, napangiti ako bigla!!

"Hello? Anong pangalan mo?" Tanong nya sakin. Woah! Parang kanina tinuturo lang kita sa national bookstore ah? Ngayon tinatanong mo na pangalan ko.

"Im Nadz" sabi ko at naglahad ng kamay. Tinanggap nya naman yun at nakipagshake hands.

"Anong ginagawa mo sa plaza nung nakaraan? Hindi ka na bumalik dun."

"Ah. Nagikot lang kami ng kapatid ko. Hindi naman ako taga dun talaga, bumibisita lang" sabi ko.

Natawa ako ng maalala ko yung sa yellow cab kami kanina. Ang ganda ng tingin ko sa kanya tapos pagharap... sya pala yung nakatama sakin sa plaza!! Buset na yan mapapa oh my god ka nalang talaga 

"Bakit ka natatawa?"

"Wala wala. May kasama ka?" Tanong ko. Umiling iling sya at kinuha na namin yung nachos.

"Tara, samahan mo muna ako" sabi nya. Tumango ako. Mukha naman syang mabait e.

Sinamahan ko sya hanggang mapunta kami sa may labas at umupo sa bench. Madaming halaman dito at magandang ilaw.

"Oo nga pala, im Fourthen" sabi nya. Tinitigan ko sya ng matagal at napaface palm ulit. Ang hilig ko din sa mga number no?

"Bakit lagi kang napapa face palm? May problema ba?"

"Hahah, wala! May naalala lang ako sa'yo. Number din kasi pangalan nya" sabi ko. Ano ba magandang itawag sa kanya? Ten?

"Bakit fouthen?"

"March 10 kasi ako pinanganak. Yun ang ginawa ng mommy ko. 410"

"Aaaaahhhh" sabi ko ng tumatango tango pa. Ngumiti naman sya.

"May kilala kang Third? Mejo hawig mo kasi eh"

"Third what?"

"Third Lopez"

"Ahhh. Meron"

"kaano ano mo?"

"Kuya ko" bulong nya kaya napalayo ako bigla. Sa lahat ba naman ng matatagpuan ko magpapamilya pa? Jusko naman Nadz baka naman sa susunod kapatid nya na ha. Ay, baka naman soulmate kami?

"Seryoso ka? Ilang taon ka na ba?"

"15. Sya 16 isang taon agwat."

"Oooohhhh" sabi ko nalang. Nakakaspeechless yung lahi nila. Ampopogi talaga.

"Gusto mo sya?" Tumango ako. Napatingin sya ng diretso.

"Kaso di ako gusto.. yung kaibigan ko? Yun ang gusto nya" sabi ko at sya naman ang tumango. Kumakain lang kami ng tahimik sa mga nachos namin.

"Nadz!!" Napatingin kami sa likod nang paparating si Third.

"Uy, concern ang itsura oh" bulong nya ng umiiling iling pa.

"Wag kang mag-alala, alam ko kung pano sya inisin. Sige na, sumama kana sa kanya" sabi niya at tumango ako.

"Wag kang sumama kung kani kanino. Kilala mo ba yun ha? Halika na ihahatid na kita" ang sarap sigurong pakinggan kung may feelings no? Kaso wala eh. Friends lang talaga. Tahimik kaming sumakay sa kotse nya.

"Buti nakatiis ka dun. Pinapatay mo sarili mo?" Tanong ko sa kanya. Tahimik naman syang nagdadrive at di sumagot.

"Anong ginagawa mo sa plaza nung isang araw?" Pagpapalit nya ng topic.

"Nakita mo ko?" Hindi nya nanaman sinagot. Hindi ko talaga alam kung ayaw nya kong kausapin o ano eh. Halata namang ayaw nyang pahabain yung usapan namin. Ok.

Naglagay ako ng earphone at sumandal. Pero walang tugtog. Nagkunwaring tulog para di nya na kausapin. Minsan talaga nakakainggit din eh. Yung iba kinakausap nya pero ako hindi. Halatang irita sya sakin.

"Hindi ko alam kung natutulog ka ba o hindi. Halata namang hindi" sabi nya. Hindi ako dumilat ni nagpahalatang gising.

"Wag ka lang lalapit sa kapatid ko. Bata pa yun para sayo" napadilat nako nung sinabi nya yun.

"Edi wow" sabi ko nalang. 15 ako? 15 sya. Diba tama lang? Magkasing edad lang nga kami eh.

"14 palang yun. Ikaw, mag si-16 na. Bata pa sya para sayo" sabi nya parin. Anong gusto nya, sa kanya? Pwede din.

Hindi nalang ako sumagot sa kanya dahil naiirita na rin ako sa mga sinasabi nya. Hindi ko alam kung insulto ba yun o ano.
Pagdating namin sa bahay, bumaba na agad ako ng walang paalam at ganun din syang umalis ng walang paalam. Damn Third, naiinis ako sayo pero masaya pa din ako kasi nakasama kita. Maya maya ay dumating narin si Kuya.


"Saan ka ba nanggaling?" Tanong nya nang naghuhubad ng sapatos.

"Sa SM?"

"Nakalimutan mo atang kasama mo kami"

"No. Basta dun lang ako. Nakita ko lang yung kaibigan ko" sabi ko. Tumango sya at pumasok na sa kwarto nya. Pumasok na rin ako sa kwarto ko. Pumunta ulit kaya ako kila Dad? Baka magkita kami ni Ten dun kung sakali. Ay landi!!

[ANGELI ON THE MULTIMEDIA]

Campus QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon