KABANATA 11

10.8K 313 2
                                    

Kabanata 11

-angeli-

"ANG GALING MO!!!" Sigaw namin. Naghihintay nalang kami ng Resulta ng nanalo.

Maya maya ay may lalaking umakyat ng stage habang kumakanta. Binigyan nya ng tig isang flowers yung mga candidate.

🎶you've got that one thing🎶 sabi nya at nasa likod sya ng mga candidates. Nakita kong nakasulat sa Sash nya...

"DISTRICT 4 SENIOR KING?!!!" Napalakas yung sabi ko. Seryoso? Di naman mukha.

"Ang pogi miss Jimenez no? Tropa namin yan!" Sabi ni Third sa likod. Ay narinig nya pala ko? Err.

Pagkatapos nyang kumanta eh umakyat na yung host at nagtayuan ang lahat.

"The first that i will call is the 3rd placer okay?" Tumango naman sila Nadine.

"The 3rd placer is candidate number.... 3!!" Sabi nito kaya nagpalakpakan kami.

"The second placer is no other than.... candidate number...4!!!" Nagpalakpakan ulit kami. May chance pa. May chance pa si Nadz.

"And the last is the 1st placer and the Champion... who do you think is the 1st placer?" Tanong samin.

"1!!!!"

"2!!!!" Halo halong sigaw. Pano kasi, taga walton nalang at si Nadz ang natitira. Oh my god.... ang ganda pa naman ng taga walton.

"And the first placer is.... number...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

1!!!!" Nagtayuan kami at nagpalakpakan. Si NADZ PANALO!!!!

"WAAAAAAAAAAAHHHHH NADDDDIIINNNEE!!!" Sigaw namin ni Kelly at Coleen.

Nagalisan na yung iba at si nadine nalang natira pati yung King. Partner sila! Partner sila!

Pagbaba na pagbaba nila, sinalubong agad namin at niyakap.

"GUYS THANK YOU!!!" Sabi nya at nagpunas ng luha.

"WE'RE SO PROUD OF YOU BRUHA!!!!" Sabi ko.

"Thank you guys promise sobrang saya ko" sabi nya. Naggroup hug nalang ulit kami. Napatingin sya sa likod namin kaya napatingin din kami.

"Congrats" sabi nung Kai ata? Ngayon ko lang nakita eh.

"Thank you!!" Sabi nya at niyakap. Gosh, nakakaiyak sila.

Nasa sasakyan na kami at nagtatawanan.

"The best yung 'im Nadine beautiful with a heart" tapos nagtawanan ulit kami. Angas nun!

"Anong pangalan ng King?" Tanong ni Coleen.

"Ano nga yun..hmm.. Troy!!" Troy? Pangit. Hahaha! Hindi bagay sa kanya eh.

"Angas nya ha. Nakakatakot" sabi ni Kelly.

"Oo nga eh. Buti kamo nakipagtawanan sakin nung sinayaw nya ko" sabi ni Nadz.

"Mall tayo?" Tanong ni Kelly.

"No. May handa sa bahay.. nandun kasi si mommy at sinabi kong ako nanalo"

"Wow! Makikilala ko na rin si tita!" Sabi ni Coleen na pumapalakpak pa.

Paguwi namin sa bahay nya, madaming handa. 9pm na din kasi.

"BABY!!! CONGRATS!!" Napahinto kami sa yumakap sa kanya. Di naman sinabi ni Nadine na may ate pa pala sya. Nakakaloka.

"Guys, Si mommy Tricia. Mommy, si Angeli, Kelly at Coleen" mommy?! As in nanay nya?! Oh my god ang bata pa!

"Hello girls, nice to meet you. Gusto ko lang sabihin na welcome na welcome kayo dito sa bahay okay? Kahit dito na kayo tumira Hahahaha" natawa din kami sa sinabi nya. Hehe nakakahiya naman eh.

"Kain na tayo girls, marami pa tayong pagkekwentuhan" sabi nya at kumain na nga kami. May beefsteak, Carbonara at may iba pa.

Pagkatapos kumain, nagpulong pulong kami sa kwarto ni Nadz. Nagkekwentuhan lang.

"Alam nyo girls, sobrang happy ako kasi dumating kayo sa buhay ni Nadz. Hindi na sya magisa sa bahay. Kasi alam nyo na" sabi niya at tumango kami.

"Masaya din po kami kasi naging kaibigan namin si Nadine. Ambait nya po kaya" sabi ko.

"Mana sakin yan eh. Haha" tapos biglang nagring yung phone nya at sinagot yung tawag sa labas.

"Baby aalis na ko ha? May dumating na papers sa office ko eh. Kailangan na yun bukas." Sabi nito.

"Babye mommy, mag iingat po kayo okay? I love you po" sabi ni Nadz.

"Babye po tita" sabi namin.

"Babye girls, sa uulitin. Nadz ha, yung kuya mo" sabi nito. Tumango lang si Nadz at umalis na sya ng kumakaway samin. Sobrang busy nya pala talaga.

"Malayo pa kasi office ni mommy dito" sabi nya.

Habang nagcecellphone kami, naaalala ko si third. Waaah! Bakit ba nasa isip ko sya?!! No, no. Magaaral muna ako.

"Teka lang guys ha, parang may tao sa labas eh" sabi ni Nadz. Tumingin lang sya sa labas at bumalik din kasi wala namang tao.

-

"WAAAH COLEEEEEN!!!" Sigaw namin. Ngayon na yung laban nya sa volleyball at score ng walton ay 15 at ang neelford ay 21. Ang galing kasi ni Coleen mag spike!

"WAAAAAH" sigaw namin nung lumipat yung bola kala Coleen but hindi sinalo nung isa nyang team mate. Takenote, sa harap nya na.

"Iya! Dito ka!" Sabi nung coach at nagtime out. Pinaupo muna nila si Iya at pinalitan ng isa pa.

Simula nun ay lagi nang nakakascore yung taga walton. Gash!!!

23-23 na!!!!

Malapit ng magtime at nalalapit na sila sa score ng 25. Kung sino lang mauna sa 25 sya nang panalo.

"GO COLEEEEEN!!" Sigaw namin. Sa kabila naman may sumisigaw din na mga varsity at yung taga walton.

"Yoooooooo!!!" Sigaw namin kasi naka 24 na neelford.

"Booooo!!!" Sigaw naman ng kabila dahil nakapoints din sila. Tie nanaman! 24 24 oh my god!! Palipat lipat nalang yung bola at walang gustong magpatalo.

"LADY DRAGONS... LADY DRAGONS!!!!!" Sigaw namin at tuluyan ng nagspike si Coleen at nagscore sila kaya nagtayuan kami.

"Waaah!!!! Ang galing ni Coleen!!!!" Sigaw ni Kelly.

"Oo nga IDOL!!" Sabi naman ni Nadz. Umupo na si Nadine sa tabi namin dahil nakaupo kami sa may varsity side. Pinaupo kami ni Coleen dun.

Next naman yung basketball ang laban.

Campus QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon