KABANATA 68

6.7K 194 7
                                    

Kabanata 68

-angeli-

"Anj, pakiabot naman nung biscuit jan. Dumating yung mama at papa ni Kelly" sabi sakin ni Nadz kaya inabot ko yun at tinulungan sya para iabot din yung mga kape.

"Angeli ako na" binigay ko kay Troy yung dalawang kape at bumalik na sa kitchen.


"Kayo, di pa kayo uuwi?" Sabi ni Kai na nakatingin sakin at tinutukoy kaming dalawa ni Troy.


"Uuwi na kami. Nakabalik na si Kelly at Kiefer eh" tumango sya sakin at ganun din si Coleen. Lumabas na ako sa kitchen at saktong pabalik na si Troy kaya sinabihan ko sya.

Sinamahan nya muna ako pauwi at sinabi rin ang nangyari kila mama.



"Edi pupunta pala kami mamaya. Sige anak magbihis ka muna, sasabay kami sa inyo pabalik dun"


"Sige Troy punta ka na sa inyo, daanan mo nalang kami" tumango sya at nagwave ng kamay saka umalis. Nagpunta ako sa kwarto ko at nagdala ng damit dahil kulang na kulang yung mga damit ko.



Pagkaligo nila mama at papa, saktong dumating na si Troy kaya umalis na kami. Nilock ni papa yung pintuan saka kami tuluyang nagpunta kila Nadz. Pagdating doon ay lumapit kami kila tita.


"Tita, si mama po tska si papa"

"Condolence mare" nagpaalam muna kami kila mama para magpunta sa guestroom at ilagay yung gamit. Sakto namang nandito si Third na kakalagay lang din yung gamit.


"Andyan mama mo pre?"


"Oo pre. Pati si Fourth" ah. Kaya pala nakabusangot ang mukha ng isang to. Pero bakit hindi ko nakita si Fourth dun kung nandito din?



"Tara baba na tayo" tumango ako kay Troy at bumaba na kami sa kitchen pero nagpaiwan si Third. Naabutan kong naguusap si Fourth at Nadz sabay nagkilitian.



"Hindi sabi. Wag kang makulit" kahit na ayaw ko silang pakinggan, yung tenga ko lumalapit padin sa usapan nila.



"Weh? Tsk, hindi pala successful ang plano ko. Torpe pa din" bigla akong natigil sa sinabi ni Fourth. Plano? Anong plano nya? Tska Torpe? Si Third ba yun?



"Ano ka ba, okay lang naman sakin eh. Hihintayin ko nalang hanggang pwede na" ibig sabihin hindi nililigawan ni Fourth si Nadz? Nye, akala ko pa naman nililigawan na.



"Uy, chismosa si Angeli" napatingin ako kay Troy na nasa tabi ko na pala at nagsasandok ng sopas para sa mga tao sa labas. Kumuha din ako ng akin at kinain ko kasi nagugutom na talaga ako.



"Uy kumakain kana jan, wait lang" tumango ako kay Coleen at naglagay din ng kanya saka tumabi sakin. Ganun din yung ginawa ng iba para makakain na kami.



Pagkatapos kong kumain, tumabi ako kay Troy at pinunasan yung pawis nya ng panyo.


"Ang sweet mo" bulong nya sakin kaya tumaas mga balahibo ko.

"Minsan lang to no." Natawa sya sa sinabi ko at binigyan sya ng maiinom. Bigla namang nabilaukan si Kai at binigyan din ng tubig ni Coleen.

"Baka magkadiabetis tayo dito" sabi niya tapos umiling si Nadz at may pahabol na sinabi.

"Buti pa ko, sugar free"


"Oo, Bitter ka eh" sabi sa kanya ni Kai kaya nagtawanan kami. Natural lang naman siguro ang maging sweet kami sa mga boyfriends namin diba? Nakakalungkot lang kasi wala kaming magawa sa lovelife ni Nadz dahil hindi pa alam ni Third yung nararamdaman nya.



"Troy, pano kung paglapitin natin si Third at Nadz? Or pagselosin?" Kumunot ang noo nya sa sinabi ko at hindi nagets yung plano.

"Wag na. Alam kong alam na ni Third yung nararamdaman nya pero pinapangunahan sya ng selos"



"Ha? Sinong nagseselos?" Nilakasan ni Kiefer yung bulungan namin ni Troy kaya naintriga pa kami.

"Baka si Third bhie" biglang nabuga ni Third yung iniinom nya at kaharap nya pa si Kai kaya nakatanggap sya ng batok dito.



"Ako? Bakit ako magseselos?" Sabi niya na parang walang pakealam sa sinasabi sa kanya.

"Ay oo nga pala guys, wag nyo na akong intrigahin kay Fourth ha, magbestfriend lang kami at lalong hindi nya ko nililigawan" tsk. Bakit nya sinabi? Lumalabas na nga kulay nito eh!


"Oo nga. Isa pa, lagi kasi akong pinipigilan ni kuya na ligawan si Nadz kaya tinigil ko na" natawa naman kami dahil sa mukha ni Third na parang natatae na ewan dahil sa sinabi ng kapatid nya.




"May pag-asa ka naman pala eh!" -Kiefer

"Tigilan nyo na nga ako. Hoy Fourth tinatawag ka nila mommy" pagmamaktol nito tapos umalis din si Fourth na nangaasar pa din kaya tawa kami ng tawa. Pikon naman sya.



"Ligawan mo na kasi Third. Kunwari ka pang may pa comfort comfort eh" napatingin sya sakin at pinanlakihan ng mata. Ay, ibubuking ko nga.


"Nung gabi sa hotel, sya ang lumapit ng umiyak si Nadz. Alalang alala nga eh kaya inunahan ako magcomfort" nakatingin lang sya sakin na parang gulat na gulat sa pagsisinungaling ko kaya natawa ako. Sorry Third.




"Oo na tumigil kana! Liligawan ko na!!"



"Ayiiiiiiieeeeeeeeee" napuno ang kwartong to ang asaran kay Third dahil namumula. Ganun din si Nadz kaya tuwang tuwa kami.


"Hindi mo kailangang mapilitan Third. Hindi ko naman minamadali ang lahat" uh-oh.

Campus QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon