KABANATA 53

7K 200 0
                                    

KABANATA 53

-Third-

Nandito na kami ngayon sa sasakyan. Hindi ko maiwasan ang sarili kong hindi sya tingnan. Pagod na pagod pero nakangiti.


"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko kay Kai. Pawis kasi sila pareho.


"Pano ba naman kasi, sabi ni Leen, volleyball kanya. Tapos sakin Basketball ang ituro. Aba pagkatapos nun, nagtamaan bola kami tapos naghabulan sa play ground. Ayan, pagod na pagod" sabi niya.

"Hahaha. Bukas ganun ulit?"

"Oo. Madami pa kasing bata eh. Pero bukas isa isa na tayo" sabi nya. Napatingin nalang ako sa harap at inaalala yung nagyari kanina.


Yung ngiti nya sa mga bata? Ibang iba eh. Parang sobrang saya nya na nakakita ng bata. Ewan. Natutuwa din akong makita syang masaya. Pero naiinis pagkasama si Fourth. Ewan talaga. Ewan!


"Hoy Third. Buti hindi kayo nagkailangan ni Nadz kanina?" Tanong nya sakin.



"Hindi pre. Ayos lang"



"Bukas isama mo na si Fourth para mas marami tayo" sabi ni Kai kaya napakunot ako ng noo. Bakit isasama pa yun?


"Ayoko. Hayaan ko na syang magbasketball dun"



"Arte pre? Dali na isama mo na. The more the happier diba"



"Tanga ka talaga. Ayoko hindi ko isasama yun. Sasaya lang yun eh"


"Bitter ka pre. Gusto mo seryoso lahat." Sabi nya. Hindi nalang ako sumagot. Paguwi ko sa bahay, naabutan ko si fourth na nagppsp pa.

"Hoy Fourth. Sumama ka samin bukas sa bahay ampunan"

"Anong gagawin?" Tanong nya sakin habang nakatuon padin ang atensyon sa PSP

"Ipapaampon na kita letse." Sandali nyang pinause ang nilalaro at tumuon sakin.


"Di nga?"


"Magchacharity. Isasama ka lang dahil mukha kang boy." Tumayo sya at lumapit sakin.

"nandun si Nadz?"

"Oo."


"Good. Liligawan ko na sya bukas" sabi nya kaya nanliit ang mata ko sa kanya.



"Itigil mo na yang kahibangan mo" sabi ko at pumasok na sa kwarto ko. Naiinis talaga ko!

-

"Naaaadz!!" Sigaw ni Fourth ng magkita silang dalawa. Napabilog naman ako ng kamao ko sa inis. Dapat talaga di ko to sinama eh.



"Ang ingay naman. Tara na" sabi ko at sumakay na kami sa sasakyan ng school nila. Kapal ng mukha ko no? Wala eh.



"Para kang nagseselos pre" bulong ni Kiefer at tumango si Kelly na nasa tabi  nya.



"Hindi ako nagseselos. Naiirita ako" sabi ko kaya napatingin silang lahat na nandito na sa loob. Natahimik ang lahat at bulungan nalang hanggang sa nakarating kami sa bahay ampunan.


"Waaah daaaddyy!!!"


"Kuyaaaa!"


"Ateee"


"Mommyyy!"


Kanya kanyang lapitan samin ang mga bata. Kahit na sawayin na sila ng mga sisters ay ayaw nilang umalis.
Si Karen ang pinakanapansin kong lumapit agad kay Nadz at nagpakarga.


"Kids, nagdala ang mga ate at kuya nyo ng pagkain ulit at makikipaglaro mamaya. Mamaya nyo na sila kulitin" sabi ni sister gizelle kaya nagbabaan yung mga bata at nagpunta sa kainan. Kami naman kanya kanyang buhat ng mga gamit.



"Nadz wag ka nang magbuhat. Mukhang ayaw lumayo ng bata sayo eh" sabi ni Fourth at sya nalang ang nagbuhat.



Pagdating namin sa kainan, nagsimula na silang magsandok at tumutulong na si Fourth sa nagbibigay ng pagkain sa mga bata. Napansin ko pa ang saglitan nyang pagtingin sa kasama naming photographer kaya napapangisi ako.



"Miss, ano pangalan mo?" Tanong ko. Umiwas lang sya at nagpicture sa iba.


"Ano pangalan mo sabi ko?" Napaharap sya sakin ng nakakunot ang noo.


"Shane." Sabi nya.



"Crush ka ng kapatid ko. Ayun oh, si Fourth" sabi ko. Namula naman sya at umiwas nalang. Mamaya ka sakin fourth.




Pagkatapos ng kainan ng mga bata, nagsipuntahan na sila sa mga kwarto at yung iba nagpunta sa playground. Dahil nga isa isa dapat kami, pinili ko dun sa mejo malalaki na at madaming lalaki.



Campus QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon