KABANATA 35

8K 255 1
                                    

Kabanata 35

-angeli-

"Angeli anak! Nanjan na si Troy sa baba" dali dali akong nag ayos at bumaba. Pagbaba ko, nandun na sya kausap si papa at nakikipagtawanan.

"Oh ayan na pala. Nakaayos pa oh" pangaasar ni papa at nagpaalam na sa kanila.

Ganito na lagi ang daily routine namin. Kahit may pasok ay hinahatid sundo nya ko.

"Kumain ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Tignan lang kita busog na ko" sabi nya kaya napaiwas ako ng tingin. Kailangan bumabanat?

"Leche bahala ka nga jan" sabi ko. Tumawa naman sya ng mahina.

"Kinilig ka naman" sabi nya kaya natahimik nalang ako. Buti nalang hindi traffic kaya maaga kaming nakarating sa school.

"Hintayin mo uli ako mamaya ah" sabi nya. Tumango naman ako at bumaba na ng kotse nya.

Pumasok na ko sa classroom at nakita agad sila Coleen.

"Hello!" Sabi ko. Kumaway din sila sakin at nakiupo ako sa tabi nila. May sinusulat sila ag hindi ko alam kung ano yun.

"Ano yan?" Tanong ko. Binigay sakin ni kelly yung sulat at yun pala yung kanta siguro na ginawa ni Kiefer. Inuulit lang nila.

"Alam mo naman kaya yung tono?" Sabi ni Nadz.

"Oo. Nakasulat kaya" sabi nya at pinakita yung original na papel.

"Kelan tayo gagawa?" Tanong ko.

"Start na tayo mamaya. Irecord natin yung kanta ni Kelly at videohan sya. Tapos bukas, yung acting na. May naisip na ba kayo?" Tanong ni Coleen.

"Hmm... ganito nalang! Dapat may lalaki tayong kasama. Tapos vivideohan din sya. So ganito gagawin, ikaw Nadz, aacting ka ng naglalakad. Tapos may makakabangga ka tapos mahuhulog gamit mo tap--"

"Diba parang ang common na nyan?" Sabi ni Nadz at tumango ako sa sinabi ni Coleen.

"Okay, ganito nalang. kunwari nagbobonding lang kayo. Naggigitara, naguusap ganun." Sabi ni Coleen.

"Ipakita nyo lang na mag girlfriend boyfriend kayo ayos na" habol nya pa kaya tumango tango ako. Tama tama

"So sino yung lalaki?" Tanong ni Kelly.

"Edi si Third!" Sigaw ko kaya napatingin sya sakin at bahagyang ngumiti.

"Wag yun. Kinakalimutan nya na eh" sabi naman ni Coleen. Oo nga pala. Hays, kasalanan ko kasi eh!

"Si Kiefer?"

"Di bagay" sabi ni Coleen.

"Si Troy?" Napatingin ako sa sinabi ni Kelly at nagpeace sign sakin.

"Si Third nalang talaga. I think may chemistry naman sila" sabi uli ni Kelly at napaisip ako. Totoo naman eh.

"Sige, kung papayag sya" pag sang ayon ni Nadz na kanina pa nagiisip. Napagpasyahan namin na ganun nga ang set up. Nagsulat si Coleen ng mga scene at ako ay nagsulat ng ieexplain kung bakit yun ang kanta namin.

-

"Wait, Coleen ikaw magvideo ako magrerecord" sabi ni Nadz na may hawak na cellphone at si Coleen din.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Kelly at may hawak na syang gitara.

"Ok, start" sabi ko at nagsimula na syang mag strum.

Maybe it's not like the other songs

But for me this song means so much

Each and every word written down

From your smiles and glances for me

They force my feelings to break free

That i have to write a song for you

So come close... listen... hear me sing

This song that you're hearing

Oh i did'nt write it by my self

Have no right to do it dear..oh...

But you know who is with me here

Just remember

This song that you're hearing

Oh i didnt write by myself

Have no right to do it dear oh..

But you know who is with me here

Just remember...

...it's you

Pagkastop na pagkastop nila ng Nirerecord ay nagpalakpakan kami.

"Galing! Walang ulit ulit ah? Damang dama!" Sabi ko na nangaasar pa.

"Oo nga eh. Ang galing naman gumawa ni Kiefer ng kanta. Inspired ang mokong" sabi naman ni Nadz.

"Inspired kay Kelly? Yiiiee" -Coleen

"Gaga. Inspired sa iba kamo" -Kelly

"Ay bitter?"-ako

"Porke may lovelife ka na ah! Wag ganun!!! Bigyan mo din kami!" Sabi ni Nadz at nangungulit pa. Mga lokang to, di naman mabiro!

Campus QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon