"Ako din Nay invite ko mga kaibigan ko sa school." Ani Natasha

"Bahala ka." Ani nanay

Nagpaalam ako kay nanay na uuwi muna ako sa bahay, at pumayag siya.

"Natalie! Natalie!" Si hannah na tumatakbo palapit saakin.

"Oh ano hannah bakit para kang hinahabol ng sampung aso?" Sabi ko sa kanya

"Eh-eh kasi Hannah, nasa labas ng bahay niyo yung limang casanova."

Nanlaki ang mga mata ko "Yung limang casanova?"

"AY BINGE?!"

Binatukan ko siya sa ulo "Mananagot ka na talaga saakin Natalie, inuuyog mo na yung utak ko!"

Hinila niya ang kamay ko kaya naman sabay kaming tumatakbo papuntang bahay.

Nang makarating kami, nakita kong may dalawang kotse na nakapark sa labas ng bahay namin. Maraming mga tao ang nakaharang sa dinadaanan namin kaya naman nahirapan kaming lumapit sa lima.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Abala sila sa kakakaway ng mga fans nila dito sa barangay namin. Marami ding mga tunog ng camera akong naririnig.

"Hi Natalie." Ani Lance

"Anong ginagawa nyo dito? Ayan tuloy pinagkakaguluhan kayo dito. "

Bespiras ng pyesta saamin ngayon kaya maraming tao dito sa barangay namin at mga balik bayan na umuuwi lang tuwing fiesta. Kaya mas dumoble ang tao na nagsisiksikan dito makita lang ang lima.

"Natalie, fiesta ba sainyo?" Tanong ni Dazh

"Bukas pa naman." Sagot ko

"Mamimiesta kami bukas ha." Aniya

"Andito na nga kayo eh. Super aga niyong mamiesta." Ani Hannah.

"Pupunta rin kami sa bahay niyo Hannah." Ani Travis

"Sus pagkakaguluhan talaga kayo doon sa bahay." Ani Hannah

"Hoy!, bakit nga kayo nandito?" Tanong ko ulit.

"Ewan ko dyan, pinilit akong puntahan ka namin dito. Sana ako lang ang pupunta kaso nagpumilit silang sumama." Ani France

"Natalie, nakakamiss kasi sa inyo, gusto naming magtinda uli." Ani Dazh

"Pasara na yung tindahan ni nanay kasi mabilis naubos ang paninda niya."

"Sayang naman." Ani Dazh

"Foodtrip nalang tayo guys, agree?" Ani Clinton.

Nagkatinginan kami lahat para alamin ang mga sagot namin

"Game!" - Lance

"Sure." - Travis

"Why not." - Dazh

"If that's okay with my girlfriend, I'll go." Ani France at hinawakan ang kamay ko.

*ehem* kunwaring ubo ko. Naaawkward kasi ako samaing dalawa. Wala naman kaming relasyon pero parang kinareer na nya ang pagtatawag ng girlfriend saakin.

" Kayo ha! Official naba?" ani hannah.

Pinandilatan ko siya ng mata.

"Gusto mo ba Hannah?" ani France

"Bahala kayo. Kung saan kayo masaya." Ani Hannah.

Nagkatitigan kami ni France at nginitian ko nalang siya.

Sumakay na kami sa kotse. Si Hannah, Clinton, Lance at Travis doon sumakay sa isang kotse na pagmamay ari ni Clinton habang si France, Dazh, at ako sa kotse naman ni France sumakay.

My Casanova King: Nats & FranceWhere stories live. Discover now