Chapter 39

14.2K 257 9
                                    

Mini Vacay



Pagkatapos kong marinig ang confession ni Jho ay mas lalong tumibay ang pagmamahal ko sakanya. Di ko alam kung bakit, pero bigla ko nalang naramdaman yun. Dahil ba nakokonsensya ako? Tss.. malabo. Mahal na mahal ko yun.

Masaya ba ako? Siyempre! Masayang-masaya. That's why I thought of a place kung saan pwede kaming magkaroon ng quality time... To the Great City of Smiles

"Mom.. Can we go to Bacolod?" tanong ko kay mama.

Naging busy rin siya sa kanyang trabaho.. sila ni dad. I want them to take a break from all these works.

"What do you mean by we, anak? Tayo lang ba ng dad mo?" natatawang sagot ni mama.

I told them about what happened yesterday. Masaya sila para sa amin ni Jhoana. They like Jho for me, noon pa man that's why they were sad too nung nalaman nila na umalis si Jho ng walang pasabi.

"Mom naman! Siyempre isasama ko si you know who.." naiinis kong sabi. Lakas mang-asar ni mama.

"Si princess naman, ang seryoso. Sige I'll book na? Ask Kim and Gizzle's fam rin. I heard they're from Bacolod diba? Maybe they can tour you there. Mahirap na pag tayo lang at si Jho.. baka ano na namang isipin ng mga tao."nakangiting sabi ni mama.

She got a point. Hanggang ngayon ay kailangan pa rin naming mag-ingat. Dinadala ko ang apilyedong De Leon.

Tumango nalanag ako at umakyat na para ma-contact ko na silang lahat. It's a great idea! I'm pretty sure we would love it there.

I oovoo-ed Kim, Gizzle and Jho. Tinatamad akong mag-contact sa kanila ng isa-isa so I decided na ipagsabay nalang.

"Hi guys! Wazzup!" bungad ko sa kanila.

Na-shock naman silang tatlo.

"Jho/Kim/Gizzle?!" sabay nilang sabi.

Uh-oh. Dapat pala isa-isa ko nalang silang kinontact.

"Oh my gosh! I missed you girls! Sorry talaga!" naiiyak na sabi ni Jho.

"Miss ka diyan! You owe us a lot of explanations kaya!" pagalit na sabi ni Gizzle.

"Ikaw bruha! Ba't ka umalis ng walang pasabi ha? Alam mo ba kung anong nangyari sa team nung nawala ka?! Ni anino mo hindi namin mahagilap lam mo yon?!" pagalit ring sabi ni Kim.

Tinatakpan na ni Jho ang kanyang tenga. Paano ba naman kasi ang lakas ng boses nitong dalawang 'to.

"Oo girls. Kaya sorry talaga ah? Siguro naman maiintindihan niyo ko pag narinig niyo na chika ko. Promise mage-explain ako ng bonggang-bongga!"

Tumikhim ako dahilan para tumigil sila sa kanilang pagsisigawan. Aba't ano to? Ako na yung nag group call ako pa yung OP?

"Omg Bea! Hindi ka man lang ba magsasalita?! Di ka ba mas-shock?! Andyan na yung love of your life mo besh! Nasa screen! Di mo man lang siya babatiin?! Ang bitter niyo ha!" tuloy-tuloy na sabi ni Baby Gi.

Bigla naman kaming napatawa ni Jho sa kannyang sinabi. Wala talaga silang alam. Oo nga naman Bea, wala talaga silang alam.. kahit noon pa man.

"Hoy! Ba't niyo ko tinatawanan? Kim oh! Anyare ba sa kanila?! Nasiraan na yata ng bait" -Gizzle

"Mga besh! Ba't ba kayo tumatawa diyan? Ano? Spill na!" -Kim

Tumigil naman ako sa pagtawa para masagot ang kanilang mga katanungan. Si Jho naman ay kinukurot ang kanyang sarili para di na rin matawa. Eh sa nakakatawa kasi talaga sila Kim! Ang cute lang.

If I Lose Myself (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora