Chapter 16

11.7K 198 1
                                    

Call


"Beh, talo talaga?" tanong ko sa kanya.

Magkatabi kami ngayon sa kama, nagyayakapan.

"May game 4 pa beh, hahaha! Yaan mo na babawi tayo next season" sagot nya at itinaas yung ulo niya para tingnan ako.

Ningitian ko lang siya.

"What do you want to do? Let's go out kaya? You g for ice cream? pagyayaya ko sakanya.

"G! Solid ka talaga beh!" nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Nagbihis na kami atsaka bumaba na rin.

Wala na nga pala dito sa bahay si Ate Ly, Ate Amy, Ate Mae. Ibang-iba yung aura namin ngayon. Parang may namatayan.

"Mads, labas muna kami. Diyan lang sa may ice cream parlor" paalam ko sa kanya baka hanapin kami eh.

"Sige, ingat kayo Jho, Bea!" sabi ni Mads at nag wave.

Makakasama ko ulit baby ko yes naman! Yung sasakyan...

"Sakay ka." utos ko sakanya.

"Ikaw mag d-drive?" inosenteng tanong niya.

Is it not obvious pa ba? Napaka dense talaga ni Jho.

"Hindi, ikaw. Can you drive ba?" pang-aasar ko sakanya.

Inirapan niya 'ko at sumakay na sa front seat.

"Sabi ko nga ikaw magd-drive." 

We're currently driving to the ice cream parlor na malapit samin. Hassle kasi maglakad eh.

Yes naman! Naabutan pa ng red light.

"Psst" tawag ko kay Jho. Atsaka nilahad kamay ko.

Napalingon naman siya at ningitian ako.

"Ano?" pang-asar niyang tanong.

Ngumuso ako pointing at my hand na nakalahad pa rin sa harapan niya.

Tiningnan niya lang ito tsaka tinaas ang isa niyang kilay.

Badtrip punyeta. Wag na nga lang! Nagmumukha akong tanga dito eh. Nilagay ko nalang yung isa kong kamay sa manibela.

Tumawa siya ng mahina tsaka kinuha ulit yung kamay ko.

"Cute mo pala pag nagtatampo Beadel" sabi niya.

Napangiti naman ako dun. She intertwined our fingers tsaka nilalaro yung kamay ko.

She's super kulit talaga.

"We're here na. Let go of my hand, Maraguinot." pang-asar ko sakanya.

At talagang binitawan yung kamay ko!

Nauna siyang lumabas, kaya naman sumunod ako. Kinuha ko ulit yung kamay niya at pumasok kami nang magka-holding hands.

People were staring at us. Gahd, what's new?

Wait... is that....

"Bei?!" sigaw niya.

Thirdy Ravena! Jusko ayan na naman.. Issue na naman.

"Thirdy?!"

Niyakap ko siya. Ambango pa rin niya kahit kailan. How I missed my Thirdy.

"Sino tong kasama mo B? Ayan na ba si Maraguinot?" tanong niya at humiwalay na rin sa yakap.

Talaga naman tong Thirdy na 'to! B parin tawag sakin?!

"Yes T. Ah Jho, Thirdy. Thirdy, Jho." pakilala ko naman sa kanilang dalawa.

Nagpalitan sila ng mga ngiti.

"Ah, T? Wanna join us?" pagyaya ko kay Thirdy.

I missed him so much! 

"Di na siguro B. May lakad pa 'ko eh. Text text nalang? Same parin ba sa old number mo?"

Sayang naman! I need to catch up with him pa naman.

"Ah sge sayang. Yup! Text text nalang. Bye T! Love you!" sagot ko.

He hugged me one last time, as in yung sobrang higpit! Inamoy niya rin yung buhok ko.

"Kaya pala hindi tayo nag-work," bulong niya. "Babae pala talaga mga trip mo." pang-asar niya.

Leche ka talaga Third! Sinipa ko nga ng mahina.

"Love you too! Sige na kanina pa naghihintay si Jhoana oh, nasa tabi mo lang hindi mo namalayan." sabi niya at umalis na.

Patay, si Jho! Andito pa pala sa tabi ko..

Yung mukha niya.. hindi ko maidrawing. 

"Sorry talaga Jho. Tagal ra rin naming hindi nagkita ni Thirdy. Mauna ka nang umupo. Ako na oorder."

"Hindi, okay lang. Sige. Maghihintay na lang ako dito." nakangiting sagot niya naman.

Napaka-understanding talaga nito.

Bumalik naman ako dala dala yung favorite niya. Banana split! Matsing talaga 'to. Hahaha!

"Yay thanks beh!" nakangiting sabi niya. "Hilig mo talaga sa Chocolate no?" tanong niya.

"Talaga! Black is my happiness eh?" sabi ko sakanya at nag-smirk. 

Umiwas siya ng tingin at namula. Hala ka Maraguinot!

"Don't be so kilig naman beh. Magseselos si Thirdy." pag-asar ko ulit sakanya.

Napatingin naman siya sakin ng seryoso.

"Ano mo ba si Thirdy? Wala kang nababanggit na Thirdy Ravena sakin." tanong niya ng seryoso.

Hala, ginalit ko ata?

"Wala. Kaibigan ko. Ikaw na bahalang magbigkas. Charing!" sabi ko at tumawa.

"Magkaibigan o magka'ibigan?" tanong niya ulit.

"Magkaibigan lang talaga beh." I assured her.

Nag-nod naman siya atsaka ngumiti.

"Beh teka tumatawag si Marci.. Labas muna ako" 

Epal talaga tong totoy na 'to putek!

"Sige. Ingat sa mga ahas beh." nakangiting sabi ko sakanya.

She mouthed 'sira' atsaka lumabas na.

Sarap maiwang mag-isa.. lasang tanga!

If I Lose Myself (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें