Chapter 27

12.4K 225 30
                                    

Halfway



Jho's POV

"Baby" malambing na tawag ni Bea.

"Hmm" sagot ko nang hindi siya tinitingnan.

"Pakilala na kaya kita kanila mom and dad?"

Bigla naman akong napaubo sa sinabi niya. Ba't ba 'to padalos-dalos? Punyeta naman Bea, kaloka ka!

"Ayaw mo ata eh. Pero okay lang hihintayin pa rin kita kung kelan ka na ready" aniya at tipid na ngumiti.

Gustong-gusto ko Bea. Lagi mo akong pinapasaya, kaya ngayon, ikaw naman yung pasisiyahin ko. Kinakabahan ako, pero keri ng powers.

Natigil naman ako sa pagre-review at tiningnan siya ng seryoso. I am facing the girl who I love the most. And yes, Bea. Ready na ako.

"Ready na ako. Kailan ba?" nakangiti kong tanong.

Bigla namang lumiwanag yung mukha niya.

"Talaga baby?!"

"Oo nga. Kailan ba? Gusto mo mamaya na eh!" natatawa kong sagot.

Hindi matanggal yung ngiti sa kanyang mga labi. Ang gaan sa pakiramdam na makita mo yung mahal mo na masaya.

"O sige baby.. Mamaya! Teka itetext ko mun si Mama. Shit!" sabi niya at agad na kinuha yung cellphone niya.

Tinawanan ko nalang siya at nag-review na ulit. Matatanggap kaya nila ako? Kilala lang naman ako nila Tita Det bilang bestfriend ni Bea. Nakakatakot isipin baka paghiwalayin nila kami, once na mag-confess kami sa kanila. Hay Jho, happy thoughts.

Nang mag alas sinco na, ay nagbihis na rin ako. Isang simple white dress lang sinuot ko, at nilugay ko na rin ang aking buhok. Nag-apply lang ako ng light make-up at bumaba na.

"Wow" bungad ni Bea sa akin pagkababa ko.

"Iaano kita?"

"Wala naman. You look gorgeous as always naman.. But this one's different, beh" nakangiti niyang sabi.

"Malamang! Parents mo yun eh gago ka ba?! Syempre mag-aayos talaga ako! Bobo neto kainis" inis na sabi ko.

Hinawakan niya naman yung kamay ko at ang aking pisngi.

"Hey, chill out k? Parang di ka naman nila kilala niyan eh" natatawang sabi niya.

"Yun na nga... Kaya mas nakakatakot"

"Tss, wala yan." sabi niya ng hindi pa rin binibitawan yung kamay ko. "Let's go?"

Tumango nalang ako at naglakad papunta sa kanyang sasakyan. Wala akong maramdaman ngayon, jusko. Wala akong feelings at all eh?

Buong biyahe ay tahimik kaming dalawa. Pareho ata kami ng iniisip. Ni hindi ko nga namalayan na nakarating na pala kami hanggang sa nakita ko yung black gat na nasa harapan ko.

Lumabas na kami ng sasakyan at pumasok na sa loob ng magka-hawak kamay. Paano pag di ako magustuhan ni Tita Det?

"Oh mga anak? Bihis na bihis kayo ah?" nakangiting sabi ni Tita Det.

Nagbeso naman ako sa kanila ni Tito.

"Basta mom. Is the dinner ready?" ani Bea.

"Are you hungry na? Prepared na yung dinner. Tara na sa table"

Naiilang ako. Hawak pa rin ni Bea yung kamay ko. Aalisin ko na sana ito dahil kanina pa napapatingin si Tito Elmer ngunit mas hinigpitan niya lang ang hawak. Nilingon ko naman ulit si Tito Elmer at umiling siya.

If I Lose Myself (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora