Chapter 4

15.3K 323 13
                                    

Beh

Bea's POV

Sana lang talaga napansin niya, I want to see her priceless expression.

Ang bully ko talaga.

"A-ah Bea.. A-ano sorry t-talaga kanina a-ah.." this is what I'm talking about, Jho.

Try ko nga maging cold sa cutie na ito.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ok lang. Ba't ka natagalan?"

Sinubukan kong ibahin yung tono ng pananalita ko.

"A-ah k-kase nah-hiya a-ako sa katanga-han.. ko kan-nina" aniya tapos tinakpan ang kanyang mukha.

She's so innocent and honest!

"Ah ganun ba. Okay, umupo ka na kasi im-massage pa kita remember?" i reminded her.

"Yes boss!" with matching nod at salute pa.

Parang ako lang ah? Tss masama to. Makakahanap nga talaga ako ng katapat ko.

Tiningnan ko naman sila na ngayon ay nagd-drills na. Humabol na rin kami pagkatapos.

Jhoana's POV

Buti nalang talaga ibang-iba to si Bea sa ibang babae. Hindi nagtatanim ng galit eh. Ang cool cool niya kahit ang bully niya.

Lol babae.

Pero ewan ko ba, feeling ko may gap parin sa aming dalawa. O baka nag o-over think lang ako? Suki pa naman ako diyan, tss.

Nakakatuwa naman pala silang kasama eh. Medyo sira rin. Nakakatuwa si Jia at Ate Amy! Walang preni yung mga bibig. Tapos itong si Deanna naman eh laging nagr-rant sa mga bagay, todo support naman si ate Ly. Family talaga yung turing nila sa isa't-isa.

Tapos na nga pala ang practice at nandito na kami ngayon sa bahay. Ia-announce na rin ni Ate Ly ang magiging roommates mamaya since kompleto rin naman daw ang team.

Nag ke-kwentuhan sila nang biglang nagsalita si Deanna.

"Ate Jho! Ikaw ba may naging boyfriend ka na? Magkwento ka naman!" aniya.

Kung kanina sa screen ng cellphone tumitingin si Bea, ngayon eh sakin na.

I got their whole attention because of a single question.

Napakamot muna ako sa ulo ko bago nagsalita "Wala baby eh." giving them an awkward smile.

"Huh? Eh ate sa ganda mong 'yan napaka imposible!"

Nagtataka rin silang lahat.

"Eh kasi girlfriend nga" nahihiya ko pang sabi.

Nabitawan naman ni  Jia yung hawak nyang kutsara. Lumaki yung mga mata ni Bea. Napalingon sa direksyon ko si Maddie.

They. were. all. fucking. shocked.

Walang ni isa sa kanila ang nagsalita.

"Ang awkward naman neto. Hindi ba ako tanggap?" pabiro ko pang sabi para di mas maging awkward.

They all got back from their senses and laughed. Kahit si Bea napatawa.

Mga sira, bakit ba sila tumatawa?

"Hindi naman sa ganun baby Jho! Naninibago talaga kaming lahat kasi matagal-tagal na rin kaming nakarinig na may bi sa team eh. Tanggap na tanggap ka kaya samin!" ani ni Ate Ly.

Kinabahan naman ako dun! Pero.. matagal-tagal? Sa team? So may isa pa?

"Eh bakit? May isa pa po?" tanong ko.

If I Lose Myself (COMPLETED)Where stories live. Discover now