Chapter 28

13.2K 228 20
                                    

Goodbye



Nagising ako ng bandang alas onse ng umaga. Mabuti nalang Sunday ngayon at walang practice. Kinusot ko ang aking mga mata at nakita ang isang Bea de Leon na tinitingnan ako ng seryoso. Bigla naman akong napaayos ng upo.

"Ano?" nakakunot-noo kong tanong.

"Nothing. You look beautiful" aniya at ngumiti ng napakalawak.

Aga aga eh nanlalandi ka Beadel! Mas naiinlove ako sayo 'wag please.

"Ewan ko sa'yo" sabi ko at umiwas ng tingin.

"You like it naman diba?"

"Ikaw yung like ko eh" sagot ko pabalik at nagniting-aso.

Ngayon, siya naman yung namumula. Ayan! Bibigay rin pala. Weakling af.

Tumayo na ako at dumiretso ng C.R para maligo. Uuwi ako ngayon sa amin para makapag-usap na kami ni Mama about samin ni Bea.

"You going somewhere?" inosenteng tanong ni Bea nang nakikita niya akong nagbibihis.

"Tangina ang manyak mo! Talikod bilis!" pagalit kong sigaw dahilan para sumunod siya agad.

"What now? San ka pupunta?" pag-uulit niyang tanong.

"Uuwi muna akong Batangas. Goodbye weeeerld." natatawa kong sabi.

"Are you done now?"

"Oo."

Humarap naman siya at nabigla ako ng malapit na siyang maluha. Luh?! Inano ko ba siya?

"Hala siya. Anyare sayo?" natatawa kong tanong.

"Aalis ka talaga? Pwede 'wag muna? Gusto kitang masolo, baby." aniya at bigla akong niyakap.

Ngumiti ako at niyakap siya pabalik. Maya-maya at bumitaw na rin ako at kinurot ang ilong niya.

"Date nalang muna tayo?" tanong ko.

"Oh shit! Thanks wait ka lang baby ah.. mga 5 mins." sabi niya at mabilis akong hinalikan sa lips at tumakbo papuntang CR.

Hala 5 minutes lang? Parang di babae.. ay hindi nga pala talaga. Napailing nalang ako at ngumiti. Naupo muna ako sa bed at nag-twitter nalang.

Kaloka tong mga shippers. Ganun ba talaga kami ka halata ng beh ko? Perp infairness kinikilig ako sa mga videos at edits na ginagawa nila. Kayo na ang bahalang humusga mga hunghang.

Lumabas naman si Bea ng nakatapis lang. Lord, patawarin niyo po ako dahil pinag-nanasaan ko po yung mahal ko. At kelan pa 'to nagka 6-pack?! Hindi naman 'to nag wo-workout ah.

"What are you looking at?" tanong niya at tinaasan ako ng kilay.

"Feeling mo naman. Hindi ikaw tinitingnan ko" sabi ko nalang at binalik ulit ang atensyon ko sa aking cellphone.

"Ay oo nga. Sa abs ko pala" tumatawang sabi niya.

Binelatan ko nalang siya at nilagay na ang cellphone sa aking pocket. Sabay na kaming bumaba at nagpaalam kay Ate Ly na aalis muna kami.

Napagdesisyunan namin na maglu-lunch kami sa mall tapos mag a-arcade. Ihahatid niya na rin daw akong papuntang bahay. Pinigilan ko nga siya pero gusto niya dawng gawin kaya hinayaan ko nalang.

"Where do you want to eat?" tanong niya sabay kuha sa kamay ko.

Tinanggal ko naman iyon dahilan para magulat siya.

"Akbayan mo lang ako beh. Sa Shakey's nalang"

Tumango siya at inakbayan ako. Maraming nakatingin samin... baka kung ano na namang isipin nito. Duh, di pa ba ako nasanay?

If I Lose Myself (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon