Chapter 15

11.9K 203 1
                                    

Lost


3:07 a.m

Nagising ako ng sobrang hinihingal. Ang sikip ng dibdib ko. Tiningnan ko sa Jho.. fuck it was just a dream!

Tumayo ako at pumunta sa baba. I need a glass of water.

I tried my best para hindi magising yung ibang teammates ko. Mahirap na baka pagalitan ako dahil kulang yung tulog ko. Game day pa naman mamaya.

Kumuha na ako ng baso at binuksan na yung ref. Maglalagay na sana ako ng tubig kaso lang may nagsalita sa likuran ko... Maddie.

"Ba't pawis na pawis ka? Nightmares again?" tanong niya.

Paano nga ba ako makakatakas sa isang tao na kilalang-kilala ako?

"Yup. Iniwan ko raw si Jho para sa ikasasaya niya." natatawang sabi ko.

Tiningnan ko yung expression ni Maddie, hoping that she'll laugh too, pero she kept a straight face. Parang hindi siya masaya sa sinabi ko.

"W-what's wrong Mads?" tanong ko at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

Umiwas siya ng tingin at binaba yung mga kamay ko.

"Nothing. Just promise me wag mo siyang iiwan dahil lang sa mga akala akala na yan. Hindi mo alam kung gaano kasakit magparaya Bea, hindi mo alam." iyan na ang kanyang huling sinabi at iniwan ako.

Those eyes.. the last time I saw those eyes is when she broke up with me. Yung mga mata niya puno ng galit.. kalungkutan.

I don't want to make a promise, Mads.. Di ko kaya.

Umakyat ako sa kwarto at umupo muna. Yakap-yakap ang cookie monster na unan na binigay sakin ni Jho. I checked my twitter.

@JhoanaLouisse : @_beadel @MaeTajima Pero tayo perfect match 😜

Teka.. ba't untagged si Marci boy? Baka gusto niya ring magpa untag sa buhay ni Jho? Anona huy..

That made me smile. Bawing bawi sa selos tweet ko kagabi, kainis!

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Beh.. gising na! Rise and shine! Game day is always the best day diba?" natatawa niyang sabi.

Jusko po sana laging ganito kaganda yung manggigising sakin.

"Luh, you're so excited.. di halata" I rolled my eyes at her.

Napaka-competitive talaga nito!

Hinawakan niya yung magkabila kong pisngi at nilapit yung mukha niya sa akin.

Damn!

"Sa susunod beh, wag mo kong roll-an ng mga mata ah? Baka di mo gusto yung gagawin ko pag nagkataon," nakangiting sabi niya "Maligo ka na baho mo na eh!" dagdag niya at tumayo na rin.

Pabitin ka Maraguinot! Luh Bea, gustong gusto mo naman?

---
MOA Arena

Andito na rin pala yung La Salle team. Masyado silang seryoso.

Well, sino ba naman ang hindi magseseryoso diba?

Nakita ko si Kiannababes at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Uy Bei!" nakangiting bati sakin ni Kianna.

"Missed you Kians! Good luck later" sagot ko naman sa kanyang bati.

Humiwalay na rin ako sa yakap.

"Good luck rin later! May the best team win nalang." pabiro niyang sabi.

Natawa naman ako dun.

"Beh tara na huy! Kianna, una na kami ah? Hinahanap na kami eh. Ba-bye!" sabi ni Jho at tinulak ako papunta kina Ate Ly.

"Sige Jho!" natatawang sigaw niya naman.

Di pa naman tayo hinahanap beh! Panira ka talaga ng moment!

"Uy hala di pa tayo hinahanap beh" natatawang sabi ko sakanya.

"Hala sige! Gusto mong bumalik? Go!" grabe yung reaction niya, tulad nung dinraw ko sa ADMU Campus Invasion.

Ma-asar nga!

"Ah sige, pakisabihan na lang sila ah?" natatawang sabi ko at lumakad na palayo.

Bigla niya naman hinila yung t-shirt ko at sinuntok ako ng mahina.

"Landi mo talaga kahit kailan! Bahala ka na nga diyan jusko!" sabi niya at umalis na.

Hala siya yung nanghila tas siya yung aalis? Hahaha!

Hinila ko siya papalapit sakin at niyakap. Inaamoy ko yung buhok niya.

"Selosa mo. May Marck na yun beh, pero ako wala pa sayo" bulong ko at tumawa ng mahina.

"Ew kadiri ka!" she rolled her eyes at me pero halatang kinikilig. Namumula eh hahaha!

---
6:40 p.m

Confetti. Green and White.

We lost. We lost!

I hugged mommy and daddy. Di ko kaya yung sakit. Grabe!

"Sshh anak, it's okay.. Sshh" sabi ni mama at hinagod yung likod ko.

Humiwalay ako sa yakap. I need Jho right now.

"Ma, mauna na lang po kayo.. Raming tao sa labas eh di na kami makakasabay" I told mom.

"Sige anak. Nasa likod mo si Jho, alam kong hinahanap mo siya eh" nakangiting sabi niya at umalis na.

Si Jho.. Nakatingin lang siya sakin at mamulamula rin yung mga mata.

She opened her arms at agad naman akong pumunta dun.

"Beh okay lang yan. Sshh tahan na" sabi niya habang pina-pat yung ulo ko.

Gustong-gusto ko talaga to. It soothes me. It calms me.

"Sorry beh ah?" bulong ko.

"Sira! Sorry saan? Di lang siguro para satin ngayon" nakangiting sabi niya.

"Girls, let's go dugout" Coach Tai told us.

We need to realize. We need to calm ourselves. We need to accept the fact and move on.

---
Coaster

Ang raming tao! Buti nalang talaga at nakalabas na kami.

Na sa likod kami ngayon ni Jho.. kaming dalawa lang. Nasa harapan lahat: nagt-twitter, natutulog, nags-soundtrip, umiiyak ps rin yung iba.

Nakasandal ako sa balikat ni Jho thinking about our loss.

Damn it!

"Beh tulog muna ako. Wake me up kung nag text na si mommy. Sa bahay ka raw mag d-dinner diba?" sabi ko at nag-yawn.

"Alright. Sleeptight baby" sagot niya at hinalikan ako sa pisngi.

If I Lose Myself (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon