Chapter 30

11.1K 271 34
                                    

Why



Jho's POV

"Mommy! Mommy! bungad sakin ng isang bata at niyakap ako.

Ang clingy talaga neto.. manahan lang ganon?

"Naging good girl ka ba baby?" malambing kong tanong.

Dahan-dahan naman siyang tumango at nag pout. Ang cute! Manang-mana talaga sa kanyang daddy.

"Oh nasan si daddy mo?"

"Work. Uwi maya-maya"aniya at ngumiti.

Ningitian ko nalang siya pabalik at pumunta muna sa terrace para makapag isip-isip.

Welcome back to the Philippines, Jho!

Dito ko iniwan lahat ng masasayang ala-ala. Yung mga taong nagpapasaya sakin at kaya akong saluhin.. dito.. dito ko sila iniwan. Iniwan ko sila ng walang pasabi.

Yung buhay ko sa U.S? Wala 'yon kumpara sa buhay ko dito.

Nung nakita ko si Bea kanina kasama si Tina... alam kong masaya siya. Alam kong kinamumuhian niya ako. Pero alam ko.. siya pa rin yung Bea na dati kong minahal.

Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang aking cellphone.

Calling... Lovel Agno

"Hello anak?" masayang bati ni Mama.

"Hello ma!" nakangiting sagot ko at pumasok na sa kwarto.

"Okay ba yung naging welcome back gift namin ni Ja sa'yo?"

"Oo naman po! Panalo Ateneo eh!" natatawang sagot ko.

"Mabuti anak. Sige na ibaba ko na 'to, baka marami ka pang gagawin diyan. I love you nak!

"Sige ma. I love you too!" iyan na ang huling sinabi ko at binaba na ang tawag.

Bumaba na ako para puntahan si Marish, na ngayo'y naglalaro kasama ang kanyang yaya.

"Ya, handa na ba yung pagkain?" tanong ko kay yaya dahilan para tumayo siya agad.

"Yes Ma'am." sagot niya sa akin at inilipat ang atensyon kay Marish. "Baby girl, let's eat na."

"Ok po yaya!" masiglang sabi nito at naunang pumunta sa table.

Walang umiimik sa amin hanggang sa natapos kaming kumain. Nanood nalang kami ng TV hanggang sa nakatulog na si Marish.

"Ya, pakipasok naman po si baby sa kwarto niya." pakiusap ko.

Tumango lang siya at binuhat na si baby papunta sa kanyang kwarto.

Naiwan naman akong nanonood ng tv dito sa sala. Bigla namang bumukas ang pintuan at tiningnan ko kung sino yung dumating. Nag-overtime to for sure.

Tumayo ako at nilapitan siya.

"Tagal mong natapos ah?" natatawang bungad ko sakanya.

"Oo nga eh... Nag-overtime ako"

"Ay sus! Hardworking as ever ka talaga. Kumain ka na ba?" 

"Yup, thanks babe." natatawang sabi niya.

Umiling nalang ako at ngumiti. Tinext ko nalang si Mama na uuwi ako ngayon sa Batangas. Para naman makapag-bonding ang mag-ama kahit papano.

"Mars, uuwi muna ako kina mama ah. Ikaw na bahala kay baby." 

"Siyempre naman. Ako tatay eh." nakangiting-asong sagot niya.

If I Lose Myself (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon