Chapter 35

12.1K 269 24
                                    

Fall



Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Bea na matulog sa tabi niya kagabi. Ang alam ko lang ay sa isang titig niya lang ay bigla nalang akong nanghina... napasunod. Ganoon ang epekto niya sa akin. Nang magising naman ako ay wala na siya sa aking tabi.

Tiningnan ko ang oras at napansing mag a-alas nwebe na pala. Anong oras kaya nagising si Bea? Sanay siguro 'yon na magising ng maaga dahil sa trabaho. Nang ibababa ko na sana ang aking cellphone ay may napansin naman akong note.

I'll be at the resto. Go there once you wake up. -B

Napangiti ako. Ano ba 'yan pati ba naman sa note, cold parin yung dating?

Agad naman akong naligo at nag-toothbrush.. mahirap na no! 

Isang black dress na ang printa ay sunflower lang ang aking sinuot. Ito rin pala yung sinuot ni Bea nung bonfire. Jusko, anuna?!

Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na akong pumunta sa resto. Nung una ay nahihiya pa nga akong pumunta doon, hinihintay ko nalang na bumalik si Bea dito para pagalitan ako kung gaano ako katagal.. pero sa huli ay dinala ako ng aking katawan sa isang punyetang resto na 'to.

Nakaupo si Bea sa isang high end chair. Nagtatawanan sila ni Red. Wow ah? Kahit saan pala matatagpuan 'tong si Red. 

Di ko naman nakikitang tumatawa si Bea ng ganyan pag kasama ako ah?  

Nang nagtama ang aming mata ay bigla namang sumeryoso ang ekspresyon niya. Pati si Red ay naging seryoso rin. Napairap nalang ako at lumapit kay Bea.

"Let's have breakfast na." seryoso niyang sabi at tumayo.

"Okay." sagot ko naman at tiningnan si Red bago sumunod kay Bea.

Iba't-ibang klaseng putahe ang nasa lamesa. Crabs, shrimps, lobster, fish, name it all! Grabe naman.. Sobra 'to para sa aming dalawa!

"Uhh Bei.. Ang rami naman ata nito?" nahihiyang sabi ko.

"Don't mind it. Ofcourse Red is eating with us." nakangiting sabi niya at sinulyapan si Red.

Sinenyasan naman ni Bea si Red na lumapit sa table at bigla naman siyang sumunod. Naks, walang hiya hiya ah? Feel at home? At tumabi pa talaga kay Bea! Ugh!

"Let's eat?"

Tumango nalang ako at nauna nang umupo. Baka bigla na naman silang magharutan sa harapan ko kaya ako nalang yung iiwas. Sumunod na rin naman sila at kumuha na ng mga pagkain. Kawawang Jhoana.

"You like this ba beh?" nakangiting tanong ni Red.

Beh?!

"Yeah." sagot ni Bea at sinuklian ang ngiti ni Red.

Bigla namang nahulog ang aking tinidor dahilan para mapatingin sila sa akin at matigil ang kanilang harutan.

"Ah.. Eh.. Sorry. Kukuha nalang akong bago." sabi ko at nagkamot ng batok.

Tatayo na sana ako ng bigla akong pinigilan ni Bea. Heto na naman siya sa kanyang mga salita na kaya akong pasunurin.

"Don't. Have my fork nalang." sabay lahad ng kanyang tinidor.

Magsasalita na sana ako ngunit tiningnan niya ulit ako ng masama kaya wala akong ibang nagawa kundi tanggapin ito. 

Palipat-lipat naman yung mga mata ni Red sa aming dalawa. Para bang naguguluhan siya sa nangyayari. Wala ba 'tong alam? Boyfriend na boyfriend walang alam! Sabagay bakit naman ipapaalam ni Bea na may naging jowa siyang babae? 

If I Lose Myself (COMPLETED)Where stories live. Discover now