Chapter 34

11.5K 254 29
                                    

Here

Pagkatapos naming mag lunch sa De Leon's Residence ay agad naman kaming nagbyahe patungo sa island ni Tito Elmer.

Sasakyan na Miata ni Bea ang gamit namin. Sinabihan ko naman siya na pwedeng mag-convoy nalang para di siya mapagod, pero she insisted kaya wala akong magawa.

Bigla namang humigpit ang kapit ni Bea sa manibela nang narinig ang kantang Only One.

As I lay me down to sleep
I hear her speak to me
Hello 'Mari, how ya doin'?
I think the storm ran out of rain, the clouds are movin'

Napatingin ako sakanya.

"Si Tina naglagay niyan. That's her favorite." malamig niyang sabi.

Wala naman akong sinabi ah! Defensive lang? Atsaka pakialam ko ba kay Tina?! Ba't ba siya biglang nasali sa usapan?

I know you're happy, cause I can see it
So tell the voice inside ya' head to believe it
I talked to God about you, he said he sent you an angel

Yes, Bea. I know you're happy.. not with me.. but with somebody else. Sorry dahil iniwan kita pero nagpapasalamat pa rin ako. Siguro si Tina na nga yung angel mo.. Siguro siya na na nga yung sasagip sa'yo.

Hindi ko mapigilang mapaiyak.. Ayokong makita niya akong umiiyak!

And look at all that he gave you
You asked for one and you got two
You know I never left you
Cause every road that leads to heaven's right aside you
So I can say

Binigyan ka niya ng dalawang anghel. Satan was once an angel, too. Ako ang ibinigay niya sa'yo. I'm that angel. I destroyed your life.. Ginawa ko itong impyerno.

Hello my only one
Just like the morning sun
You keep on rising till the sky knows your name
Hello my only one
Remember who you are
No you're not perfect but you're not your mistakes

Hello my only one.. my only Bea De Leon.

Pinahiran ko ulit ang mga luha na tumatakas saking mga mata.

Matalim niya akong tiningnan bago pinalitan ang music.

Salamat sa Diyos!

Mahigit 5 hours rin yung byahe. Pagkatapos nung awkward scene na iyon ay di ko malayang nakatulog pala ako.

Ngayon ay andito kami sa isang parking lot ng wharf dahil kinailangan naming iwan ang sasakyan.

Nauna naman siyang lumabas at may kinausap na lalaki saglit. He was tall, dark, and nevermind. Habang nag-uusap sila ay sinulyapan naman ako ni Bea at napatawa silang dalawa. Oh edi kayo na masaya! Leche!

Bigla nalang namilog yung mga mata ko nang biglang kunin ng lalaki yung mga bag namin sa likod. Isa siguro to sa mga tauhan ni Tito.

Napasimangot naman ako sa pagiging spoiled ni Bea. Pero wala akong magagawa, nakiki-avail lang din ako.

Bigla namang nag beep yung phone ko hudyat na may nag text.

Fr: Behya

Ur not going out? Papaiwan ka? 😈

Ang bully!

To: Behya

Pwede ba magpaiwan? 😤😤 Tangina gusto ko talagang magpaiwan! 😡😡












If I Lose Myself (COMPLETED)Where stories live. Discover now