Chapter 33

11K 267 25
                                    

Jealous


"Ma, aalis na po ako. Pakibantayan si Ja ah?" natatawang sabi ko.

Pagkauwi ko kahapon ng bahay ay agad naman akong nag-ayos ng gamit.

Isang maliit na maleta lang ang dala ko. Nagdala ako ng swimming attire, just in case na maliligo kami.. kasi syempre island 'yon diba? Alangan namang matutulog lang kami 'don?

"Oo syempre. Dala mo ba sunblock mo? Para mas hindi ka umitim?" aniya at tumawa ng malakas.

Sa totoo lang, ang sunblock talaga yung unang ipinasok ko sa bag.

Sinamaan ko naman ng tingin si mama dahilan para mapatigil siya sa pagtawa.

Ang bully niya talaga!

"Ofcourse ma!"

"Edi mabuti. Mag-ingat ka doon ah?"

"Opo. Sige na, baka ma-late pa ako. Mag-ingat rin kayo dito ah?"

Nagpaalam na ako kay mama at ipinasok na ang aking maleta sa sasakyan.

Agad ko namang tinext si Bea para ma-inform siyang papunta na ako sa kanilang bahay.

To: Behya

Omw. See you! 💖🌻

And yes, hindi ko pa pinapalitan yung contact name niya dito. I know she's still my beh.. my behya.. my only one.

Hindi na 'ko nag-hintay ng reply galing sa kanya dahil nagmamadali akong pumasok sa sasakyan.

Siguro ay dapat ko nang palitan ng kulay iton sasakyan ko? Madali mo lang makikita yung mga dumi dito eh. Nakakapagod pang magpa-carwash.

Napagdesisyunan ko namang dumaan muna sa Red Ribbon. Kailangan kong bumili ng cake para naman hindi ako mapahiya kahit papaano.

Isang Tiramisu Meltdown ang aking pinili. Pagkatapos ko iyong bayaran ay agad na akong dumiretso sa sasakyan at pinaharurot ulit ito.

Tandang-tanda ko pa kung saan yung lugar nila Bea. It became my second home actually?

Niliko ko na ang sasakyan sa ikatlong kanto at huminto na rin ako sa isang itim na gate na may nakalagay na 'De Leon's Residence' sa labas.

Bigla namang nangatog ang mga binti ko na para bang nakakita ako ng multo.

Nako, Jhoana. 'Wag mong pairalin ngayon ang pagiging duwag mo!

Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. Di na 'to bago sa'yo Jho.

Nang bumalik na ako sa aking diwa, ay kinuha ko na ang cake at lumabas na. Babalikan ko nalang ang maleta ko mamaya.

Nag-doorbell na ako at si yaya naman ang nagbukas. Nagulat naman siya. Hindi ata makapaniwala na pagkatapos ng limang taon ay ngayon lang ulit ako bumalik sa bahay nila.

"Uy ya! Sila Bea?" nakangiting tanong ko.

"Andun po sa sala sila ma'am B. May dala po ba kayong mga gamit?"

Nag-pout ako at dahang-dahang tumango. Nakakahiya naman kay yaya!

"Sus si ma'am ngayon pa nahiya. Sige ma'am pasok lang po kayo at kukunin ko lang yung bag niyo." aniya at tumawa.

Binigyan ko naman siya ng isang ilang na ngiti.

"Thank you ya! Sige po bukas po yung trunk niyan"

Napahinto naman ako sa isang kulay-kape na pintuan para kumatok.

"I'll open the door mom!" sigaw ni Bea galing sa loob.

If I Lose Myself (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu