Chapter 2

17.9K 321 5
                                    

Newbie

We arrived at the gym. As usual, mas maaga talagang dumadating si Coach Tai. 

"Girls, lagay niyo na mga gamit niyo sa locker room, tapos huddle tayo para makapag-start na." sabi ni ate Ly.

Pumunta kaming lahat sa room. Nilagay ko yung akin sa may 14. Matagal-tagal na ring walang laman tong katabi kong locker. Kelan kaya magkakalaman to? Eh mukhang imposible naman kasi parang walang balak si Coach na mag-recruit. 

Naalala ko pa noon na magkatabi lockers namin ni Maddie. Dun rin yung unang pagkakataon na naging close kaming dalawa. Sana naman di mangyari sa akin at sa future katabi ko yung nangyari samin ni Madayag.

"Jogging tayo for 15 rounds tapos stretching, then drills. The usual. Then after gather tayo may sasabihin si Coach." we all nodded.

Ano kaya yung sasabihin ni Coach? Di niya naman kami pinapa-gather eh kaya nakapagtataka. Hinahayaan niya nalang kasi si Ate Ly at yung trainer na mag manage ng drills. Hindi naman rin siguro yun about the reminders kasi si Ate Ly na rin yung in charge diyan. Oh well, time to be productive, De Leon!

"You guys look pale! Smile naman diyan. Happy happy!" pang-asar ni ate Ly.

"Palibhasa ang taas ng hangin mo eh!" nahihingal na sabi ni ate Ji.

"Gago ka talaga Ji. Di naman sa ganoon." aniya.

"Girls, pansin niyo ba parang ang excited ngayon ni Valdez? Ano kayang meron? Kiefer? Hmmm" patay to kay ate Ly. 

Tumitiklop kasi yan pag si Kiefer na pinagu-usapan.

"Nope!" pa-cute talaga si ate Ly. "Try harder Ji." binelatan pa si Ate Ji.

"Parang di nga talaga about Kiefer! Di ka nautal e!" two points for Morado!

Tumawa kaming lahat. Grabe talaga to kung magbiro si Ate Jia. Straight on the feels! 

"Oh sya sya, practice muna kayo ng service. Tinatawag ako ni Coach Tai." aniya.

This is my favorite drill. Ang service kasi ang tanging weapon na nakakapatay. Hindi ito nab-block, mahirap ireceive, at lalong hindi naa-attack. 

Napatigil kaming lahat sa pagse-serve ng bumukas yung pinto ng gym.

She's wearing a volleyball attire! 

Damn, akala ko ba wala ng balak magrecruit tong si Coach? 

"Okay girls! Gather up for a while. This is an important announcement." sabi ni Coach Tai.

I can't get my eyes off her. I'm definitely in shock. She must be good knowing she got Coach Tai's attention.

We all sat on the floor. 

"Good morning girls! This is my new recruit. Introduce yourself." ansaya ni Coach. nawawala yung mata eh.

Medyo nahihiya pa siyang lumapit sa gitna. She put her gym bag down, and started speaking.

"Good morning everyone. I am Jhoanna Louisse Maraguinot, you can call me Jho. I was an open hitter on my previous university, and I hope that we get along well." pakilala niya. 

Ang cute naman nito! Parang kuting. 

"Girls, she will be one of the outside hitters of the Ateneo Lady Eagles. I hope you treat her well, alright?" parang nambabanta naman to si Coach. "I'll leave it all to you Ly, aalis muna ako may meeting pa with all the University coaches." nag nod naman si ate Ly.

Paalis na sana si Coach nang humirit si Ate Jia "Coach! Regards mo naman kami kay Coach Ramil!" Minsan talaga tong bunganga ni Ate Jia, walang preno.

Tumawa naman kaming lahat. She never fails to make us smile. Kailangan nga rin siguro 'yon kasi siya na rin nagdadala ng laro, aside from ate Ly.

Oh, what rivalries do to us.

"Ah oo nga pala Jho, yung sa locker room. Occupy mo yung #15 na locker. Yun raw yung gusto mong jersey number eh?" tanong ni Ate Ly.

"Ah oo, sge po. Ngayon na po ba ako magsisimula sa training?" tanong niya pabalik.

"Yes Jho. Baby, samahan mo nga tong pepper partner mo. Matagal-tagal ka na rin walang katapat, De Leon! Ito na reward ko sa'yo." nag-wink pa.

Nang-aasar ba tong si Ate Ly? Tss.

"Sge po. Jho, tayo na?" tanong ko.

Lumingon naman silang lahat sakin. Parang may multo sa likod ko o ano ba.

May nasabi ba akong mali?

"Woo! De Leon, ikaw na talaga!" sigaw ni ate Amy.

"BDL ng buhay ko! Paturo ng breezy moves!" dagdag naman ni ate Jia.

"Hoy Beatriz! Damoves mo ha?" at nakisama pa tong si Maddie?

Ah leche! Ang dense ko naman! 

"Ah.. eh ang ibig kong sabihin eh tayo na kasi magp-practice pa tayo at kailangan ko na siyang samahan sa locker. Ang ga gago niyo naman!" umiiling pa ako habang natatawa.

Namali ko ata ng gamit.

"Oo, alam ko naman." Tumatawa na rin si Jho. Gumaan na rin yung feeling ko. Kala ko kasi ang stiff nitong babaeng to. Eh, ang totoo ang cute niya talaga.

If I Lose Myself (COMPLETED)Where stories live. Discover now