Chapter 11

11.9K 231 1
                                    

Perfect


April 27, 2016.

It could be my last time playing for this season or pwede pang maextend. A do-or-die match against De La Salle University.

I woke up with the sound of my alarm. Buti nalang di na ako nagre-rely kay Jho. Ayoko rin naman maging pabigat.

"Good morning beh! Baba na tayo?" sabi ni Jho at niyakap ako galing sa likuran.

Di mo 'ko madadala dyan Maraguinot. Ayoko na.

"Morning. Mauna ka nalang." sagot ko at tinanggal yung kamay niyang nakapulupot sakin.

"Sige beh. Baba ka na rin pagkatapos ah?" she told me with a big smile on her face.

Kailangan ko pang mag-ayos at maligo. Bumaba na rin ako pagkatapos. We did our daily routines and pumunta na sa MOA Arena.

Napaaga ata kami pero mas okay na yun para mas mahaba-haba na rin yung warm up sesh.

"Okay girls, tawagin niyo na partners niyo. Warm up na tayo." ate Ly announced.

"Ah Jho, si Ate Amy muna partner ko. Kayo nalang muna ni Ate Jia." walang ganang sabi ko kay Jho.

Ate Amy knows what happened between us kaya I want to keep distance na rin muna kay Jho. Gusto ko munang masulit ang time ko with the pinakamakulit dito sa team!

She looked shocked pero unti-unti rin itong napalitan ng isang matamis na ngiti. She's trying to chill.

"Okay beh! Tawagin mo lang ako if you need anything ah?" sabi niya at lumapit na rin kay ate Ly.

I can't do this anymore. Mas lalo ko siyang nami-miss pag ganito eh. I know within myself I have a special feeling, di ko lang maamin-amin.

"Bei, mas okay na rin 'yan. Distance lang muna, pag-usapan niyo after this game. Bestfriends naman kayo diba?" sabi ni Ate Amy at tinapik ang balikat ko.

"Opo. Ang hirap po pala pag ganito. Nasasaktan ako pero parang wala siyang pakealam. Pagu-usapan po namin to." sagot ko at ngumiti nalang.

No time to be sad, Isabelle!

Pagkatapos naming mag warm-up ay nag dasal na kami. It's 4:00 p.m and the game will be starting in a few minutes.

Di ako sanay na hindi ako ine-encourage ni Jho. Kailangan walang makahalata na kabadong kabado ako.

What if matalo kami?

"Don't worry bei, you'll do fine" someone held my hand.

It was Maddie.

She can really cheer me up when I'm down.

"Thank you Mads. Salamat talaga ng sobra. Alam ko namang nasense mo na rin na may something wrong sakin." sabi ko at ningitian siya.

What did I do to deserve someone like her?

"Always. Settle it. Di pwedeng di magkabati sa court. Mamaya mapansin pa ng shippers niyo!" sabi niya at tumawa.

Nakitawa na rin ako. Sira talaga tong si Maddie.

"Sige, I'll head out na. I'll be on the bench cheering for you guys!" paalam niya at lumabas na rin.

'Go Ateneo! One Big Fight'

'D-LS-U Animo La Salle!'

These cheers are making me nervous.. ulit. Pero nakaka encourage rin at the same time. Happy thoughts, happy thoughts.

Tinawag na ang starting 6 for the game. We all huddled sa gitna and umiiwas ako kay Jho. Not now.

Nagsimula na ang first set at naglead ang La Salle by 2 points. We need to be back on track!

Nag time out naman si Coach Tai at nagbigay ng mga reminders samin. Si Ate Amy yung parang 'buddy' ko this set. Meron rin kaming ginawa na pagtalon at pagbangga ng chests. Mas blessed siya ano ba yan. Hahahaha!

DLSU got the 1st and 2nd set. Di kami pwedeng matalo! Not this easily.

"Bea, you're up. Pasok ka na" sabi ng student manager at nag nod nalang as an answer.

Pumasok ako at nag jog papunta sa place ko. Tinaas ko naman yung kamay ko for apir at tinapatan na rin ni Jho. Pinalo nya rin ng mahina yung pwet ko.

Napangiti kaming dalawa.

"Jia Morado with a one hand set, Bea de Leon for a quick hit.. Off the block! Ateneo gets a 2 point lead!"

Nag huddle kami sa gitna at ginawa ulit yung signature pose namin ni Ate Amy. Medyo iniiwasan ko pa rin si Jho.

Everytime na lalapit siya ay yumuyuko ako o di naman ay iba yung hinu-hug ko.

We got the 3rd, 4th, and 5th set! Ateneo Lady Eagles back at it again!

Nauna sa linya si Jho para mag shake hands or whatever you call that with the Lady Spikers. Di ako sanay nang di kami magkatabi. Dati naman eh naghuhug kami habang nakikipag shake hands sa kanila.

Naghuddle kami sa gitna at nag "happy happy". Medyo lumayo naman ako at tiningnan ang buong arena. Ningitian ko yung mga ALE fans.

Napalingon ako sa direksyon ni Jho na ngayon naman ay nakatingin sa akin. She's pouting. Nagpapaawa, nagpapalambing.

Ningitian ko nalang siya at nag action for a hug. She came running towards me and we hugged tightly. Fuck, I missed her.

Nakapatong yung ulo nya sa neck ko, at yung ulo ka naman sa kanyang shoulder.

"I missed you" i whispered.

"Mas na miss kita. Sorry sa nagawa ko. Pag-usapan natin mamaya ah?" sabi niya sa mas malambing na tono.

Kumalas na siya sa yakap ngunit ako nakayakap parin sa kanyang leeg at nag kneel. Parang baby na gustong magpakarga.

Umiling lang si Jho as an answer at wala akong nagawa kundi halikan ang kanyang chin. Leche pakipot pa eh!

Tumayo ako ng maayos at bumulong sakanya.

"Hina ko talaga sayo beh"

Nauna akong umalis at tiningnan ko siya nang makalayo-layo na ako.

She was smiling at umiiling habang tinitingnan yung mga fans. Kinilig yata.

This day is so perfect! This calls for a celebration!

Hmm, double meaning?

If I Lose Myself (COMPLETED)Where stories live. Discover now