muli itong humugot nang malalim na pag-hinga,pinigilan ko ang pag hagulgol ko nun dahil gusto kong marinig nang mabuti ang pag-bigkas nito sa huling salitang hindi na nito mababanggit pa sakin sa susunod na mga araw

"I..LOVE YOU SWEETY.."pagkatapos nang salitang iyon,lumungayngay na yung ulo nito at tuluyan na itong pumikit,hindi ko na napigilan ang malakas na pag-iyak ko at mahigpit itong niyakap

"mahal na mahal kita..mahal na mahal kita Hon..kahit hindi mo na ako makilala pag-gising mo ikaw parin yung mamahalin ko,.kahit hindi mo na maalala ang boses ko at maalala ang pag-mamahal ko sayo,pangako!ikaw lang..ikaw lang ang tanging mamahalin ko buong buhay ko."niyakap ko pa itong mabuti at nag-iiyak

makakalimutan muna yung sakit na nadulot nang pamliya ko sayo,makakalimutan mo na ang lahat-lahat.mag-sisimula kana nang panibagong buhay na wala na ako sa ala-ala mo.kaya sana,tuluyan kanang maging masaya sa pagdating nang oras na iyon.

marahan ko naman itong inihiga sa kama nito at nakangiting pinagmasdan ito.paalam Harley,masaya akong naging parte nang ala-ala mo noon.siguro lang ito yung talagang tinakda para makalimutan natin yung isat-isa

magiging masaya kana.wala kanang iisipin na problema.makakatulog kana nang mahimbing sa gabi dahil wala kanang takot na mararamdaman.sa pag bukas nang mga mata mo.ibang Harley na ang alam kong makakaharap ko at ibang tao nadin ang makakasama mo.

sa kahuli-hulihang pagkakataon binigyan ko pa ito nang isang mabilis na halik sa labi,bago tuluyang umalis at talikuran ang siyang taong naging tulay para maayos ang magulo kong buhay.

TWO YEARS LATER:

Nagmamadali akong bumaba nang bus,lumampas kasi ako sa tamang bababaan ko.kung bakit kasi nakatulog ako.hindi ko na ginamit yung kotse ko kasi mas feel ko ang mag commute.sa pagbaba ko naman ay may nasanggi pa akong lalaki na pasakay nang bus nang oras na iyon.

inayos ko naman yung sarili ko pagkababa ko nang bus.nagulo kasi yung buhok ko at medyo mabigat pa yung dala kong bag.nandun kasi yung mga gamit ko sa pagpipinta.natigilan naman ako nang may maalala

"sandali lang manong.."habol-habol ko yung bus.kasi naman naiwan dun yung painting ko

todo takbo pa ako dahil mukhang hindi narinig ni manong driver yung pag sigaw ko.kinalampag-kalampag ko pa yung bus para lang mapatigil ko ito.napasimangot naman si manong nang mapatigil ko ito

"nakuh,pasensya na po kayo.naiwan ko kasi yung isang gamit ko."tumango nalang naman ito sakin

umakyat na ako sa bus at nag simulang maglakad papunta sa pinaka dulo kung saan ako naka pwesto kanina.napakunot naman ang noo ko nang makita yung painting ko na nasa lapag na nang bus.kanina lang nakalagay sa upuan yun at nakasandig pa sa may bintana.

nag-init talaga yung ulo ko nun nang makita ko pang halos naapakan na nang walang hiyang lalaking nakaupo sa pinagkaka pwestuhan ko kanina.

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon