Chapter 35

128 4 0
                                    


Mabilis na dumaan ang mga araw. Noong nakaraang araw ay umuwi na si Tito Raymond. Muli naming napagpasyahan ni mommy na lumipat sa isang apartment. Sa pagkakataon na yun ay kusa kaming hinayaan ni Tita Hilary na umalis. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang panlalamig ni Tita sakin. Alam kong masama ang loob niya sakin dahil sa mga nagawa ko sa anak niya. Mas kapansin pansin ang pagiging malungkutin ni Shans at madalas na pugto ang mga mata nito. Bilang ina, alam kong nasaktan ko rin siya.

Sa ngayon ay pinipilit pa rin ni Rain na labanan ang kalagayan. Nangako siya samin na sasailalim siya sa chemotherapy pagkatapo mismo ng graduation. Umaasa na muna kami sa pain treatments at iba pang mga gamot para mapalakas ang kondisyon niya.

"Hello, Rain?"

"P-Peij!?" nandun ang sabik sa boses niya na marinig ang boses ko mula sa telepono ngunit batid ko pa rin ang panghihina niya.

Nandito ako ngayon sa school at may mga inaasikasong bagay at habang lunchbreak pa naman ay naisip kong tawagan na muna siya. Natutuwa rin kasi ako sa tuwing nasasabihan niya na gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing magkasama kami o kahit magkausap lang.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" muli siyang bumalik kagabi sa hospital para magpagamot. Dapat sa mismong graduation ay kayanin niya.

"Katatapos lang nila akong turok-turukan ng kung anu-ano ha-ha. Pupunta ka ba dito mamaya?"

Mas maganda ngayon ang apartment na nalipatan namin. Mas malapit sa bahay nila Rain. Madali rin bumyahe pahospital o sa school pa man.

"Oo naman. May gusto ka ba kainin? Bibilhan kita?" tumigil na rin ako sa pagpunta sa kindergarden. Kaya tuwing dismissal ay pinupuntahan ko na lang siya.

"Wala akong gana. Siguro prutas na lang. Madami pa naman dito kaya wag ka na mag-abala. Gusto ko lang na makasama na kita. Pwede bang dito ka na lang matulog ngayon. Tapos sabay na lang tayo umuwi kinabukasan. Gusto ko rin kasing mamasyal."

Hindi naman na ganong kalaking bagay para sakin na humihingi siya sakin ng mga ganitong pabor. Gusto ko rin na nararamdaman na nagiging kapaki-pakinabang ako sa kanya, "Sige. Dadaan na muna ako sa bahay para makapagpalit ng soot tapos paalam na rin ako kay mommy."

Alam ni mommy ang lahat ng tungkol kay Rain. Paminsan minsan nga ay sinasamahan niya pa ako para mabisita si Rain. Hinahayaan niya ako na magdesisyon dahil naniniwala siyang alam ko ang ginagawa ko. Ayaw kong masayang ang tiwala na yun. Kaya naman sinisigurado ko sa kanya na kaligtasan ko at pinapaalam ko rin ang mga nangyayari.

"Inaantok na ako, Peij."

"Sige matulog ka na. See you." nag-end ang call.

"Si Rain?" napalingon naman ako sa papalapit na sila Coco at Roxy. Tumango naman ako.

Wala silang alam sa kondisyon ni Rain. Pero alam nilang palagi kong pinupuntahan si Rain. Labis ding nag-aalala ang mga kaibigan ko sa mga nangyayari. Batid kong naiintindihan nila na wala akong karapatan na sabihin sa kanila ang totoong nangyayari. Ang alam lang nila may kung anong namamagitan samin ngayon ni Rain. Hindi rin nagkukwento tungkol samin sila Shans at Grae. Dahil mas naging komplikado ngayon ang lahat sa pagitan naming tatlo ay nanatili na lang kaming tahimik na lahat.

Pinabaunan ako ni mommy ng mga pagkain para kay Rain. Kahit palaging walang gana kumain si Rain ay pinipilit ko pa rin siya. Dumating ako sa hospital at tulog pa rin siya kaya nagpaalam na muna ako na lalabas na muna. Naisip kong tawagan si mommy.

At habang hinihintay kong sagutin ni mommy ang tawag ko. Natanaw ko ang presensya ni Shans. At nang magkasalubong kami ay tinawag ko siya na halos hindi ako napansin, "Shans."

Just YouWhere stories live. Discover now