Chapter 13

182 5 1
                                    

"Matutuwa si Brits kung dadalhin natin siya dito na magkakasama tayo." Ani Rain. Nandito siya ngayon sa school namin. Welcome kasi ang mga outsider sa mga ganitong event. Niyaya siya nila Roxy at Coco. Wala naman na kasama si Rain kaya ako na lang ang nag-accompany sa kanya.

"Alam mo naman na hindi ako pwedeng magpakita sa bata na ganito ang itsura ko. At mas lalong ayokong magpakita sa madaming tao na madaming nakakakilala sakin na nag-aayos ako, hindi ako komportable." natawa naman siya.

"Bakit hindi mo na lang ako ipasyal dito sa buong campus ninyo?"

Naglakad lakad kami at kung saan saan ko siya dinala. Parang ngang nitour ko na rin siya e. bumibili naman siya ng mga pagkaing magustuhan niya at tumatambay din kami paminsan-minsan para manood ng iba't ibang games.

"Malaki din pala campus ninyo no." sabi niya.

"Wala pa ring panama sa school ninyo."

"Minsan, ipasyal din kita sa campus namin. President naman na din ako ng student body e."

"Peij!" naagaw ang atensyon naming pareho nang may tumawag sakin. Nakita ko naman na si Coco, "Oh Rain!" binati niya si Rain. Ganon din naman si Rain sa kanya.

"Bakit, Coco?"

"Ahh, hinahanap ko kasi si Nash. Nagbabakasakali ako kung nakita mo ba siya?" umiling ako.

"Anong meron?"

"Ahh may sasabihin kasi ako—NASH!" bigla siyang sumigaw. Lumingon naman kami mula sa likod namin ni Rain. At nakita si.. Patricio.

"Uy.." bati niya samin. Nakasoot ito ng jersey. May game kasi ngayon ang basketball team, "Hinahanap mo daw ako, Colby?"

"Ah gusto ko lang kasing pag-usapan yung tungkol sa project."

"Peij~" dumating naman na si Roxy kasama si Glenn, "Ayiii si Rain! Nag-enjoy ka ba? Okay lang ba na magkakasama na lang tayo na manood ng baseball game?"

"Sama kami!" si Coco.

At nagkasundo nga lahat na magsama sama na lang sa panonood. Yung project kasi namin ay tungkol sa mga sports na magaganap, kailangan gumawa kami ng journal and report.

Hindi ko maiwasan na mabothered sa pwesto ng upuan namin. Katabi ni Coco si Shans na katabi si Rain na katabi ako, habang katabi ko naman si Roxy na katabi si Glenn. Ang layo ni Coco tapos panay pa ang pag-uusap nila Coco at Patricio na kahit nakatingin na ako sa kanya ay hindi sila natitinag. Parang talagang may mali. Mabuti na lang ay dumating din si Glenn na may dala dalang mga drinks at foods para samin. Napunta ang atensyon namin ni Rain sa kasisimula pa lang na game.

"Peij.." Napatingin naman ako kay Roxy. Pinakita niya sakin ang magkahawak na kamay nila ni Glenn, sumulyap naman sakin si Glenn at parehas silang ngumiti ng malapad, "..kami na.!" pigil ang hiyaw nitong sabi.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Agad na naisip si Coco kaya lumingon ako dito pero.. nakaharang si Rain sa gawi niya. Kaya tuloy napunta ang atensyon ni Rain sakin, "Bakit?" tanong pa nito habang umiinom sa drinks niya.

"Ahh.." pasimpleng kong sinulyapan si Coco na ngayon ay seryosong nanonood sa game. Hindi ko siya matawag.. dahil ayokong makuha ang atensyon ni Patricio. Hinawakan naman ni Roxy ang kamay ko.

"Alam na niya. Pasensya ka na, hindi ko pa nasabi agad sayo." Sabi ni Roxy. Pinilit ko namang ngumiti kahit sa totoo lang ay sobrang naguguluhan sa sarili.

"Congrats." Tumawa si Roxy. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Nagkangitian kami atsaka muling tinuon ang pansin sa pinapanood. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko naman na nagkukwentuhan na sila ng dineklara niyang boyfriend niya.

Just YouWhere stories live. Discover now