Chapter 28

113 4 0
                                    


Nung mga sandaling yun ay agad kong naintindihan na hindi magiging madali ang desisyon kong pag-iwas sa totoong nararamdaman ko para kay Shans. Kung anu-anong mga bagay ang natuklasan ko. Mga bagay na sobrang nagpapagulo sa isip at puso ko. Habang tinatahak namin ang daan ay malalim kong pinagkaisipan ang mga nangyari. Ang patuloy na pag-iwas ni Roxy kay Glenn. Ang paghihiwalay nila Erah at Grae. Ang isipin ang mga bagay na yun ay mas lalo lang nagbibigay ng takot sakin na hayaan ang nararamdaman namin para sa isa't isa ni Shans. Ang takot na malaya mong sabihin sa taong espesyal sayo na gusto mo siya. Ang takot na malaman ng taong mahalaga sayo na natututunan mo na siyang mahalin. Ang takot na tanggapin ang taong nagiging parte na ng buhay mo. Dahil sa takot na baka maiwan ka.. muling masaktan.. at muling mawalan.

Nung mga oras na tumigil ang mga paa ko at napako sa kinatatayuan niya nang sandaling magtama ang mga tingin namin ni Shans. Sigurado na ako sa sarili ko na ayoko syang mawala sa buhay ko. Na ayokong kung ano mang meron kami ngayon ay may magbago sa oras na aminin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Ayokong masira ang kung ano mang meron kami dahil lang sumugal ako sa nararamdaman namin para sa isa't isa.

"Kyaaa nakatingin sakin si Nash!"

Pare-parehas kaming napalingon saming likod. Hindi pamilyar sakin ang mukha ng estudyante pero mukhang first year student ito. Isa siguro sa mga nagkakagusto kay Shans.

Umakyat ang kahihiyan sa buong sistema ko. Lalo na nang marinig ang mga sinabi nila Roxy at Coco, "Anong ginagawa niya? Akala ko ba nagbago na siya?"

"Sigurado akong frustrated lang siya kay Peij kasi hindi siya pinapansin nito." Ani Coco.

Pasimple kong sinulyapan ang reaction ni Shans. Ngayon ang makikitang ngiting ngiti siya at kumakaway pa sa mga babae sa likod namin. Ang kaninang eksena na magkatitigan kami ay mukhang guni-guni ko lang. pero ang totoo ay ang mga fans niya pinapansin niya.

"Sa tingin ko, kahit ngayon lang ay pansinin mo na si Shans, Peij. Buong Christmas vacation kang mawawala, siguradong mamimiss ka niya. Wag mong masyadong durugin ang puso niya." May pagkindat pang sabi ni Coco. Napabuntong hininga na lang ako pero sa loob ko ay hiyang hiya ako sa sinabi niya.

Tumakbo sila patungo sa kinaroroonan nila Shans at kabarkada nito. Inaasahan kong makikitaan ng kahit na anong reaction si Shans sa oras na mapansin niyang papalapit ako. Pero walang ganon na nangyari. Tahimik akong naupo sa likod niya na parang bang hangin na napadaan lang. Hindi niya pinapansin ang presensya ko.

"Peij, hindi mo ba kasama si Grae? Hindi kasi niya sinasagot ang mga tawag ko." Naramdaman ko naman ang tensyong bumalot samin nila Coco at Roxy sa tanong na yun ni Gian.

Matagal bago may makapagsalita samin, "--..nagtext siya sakin ngayon lang. Masama daw ang pakiramdam niya kaya uuwi na lang muna siya." ani Shans. Kakaibang kaba ang bumalot sa sistema ko at tila natulala ako sa kawalan. Guilty ako.

"Ang daya naman! Bakit ngayon pa niya naisipang umuwi?" – Yno

"Ngayon lang ginawa ni Grae 'to. Hindi naman ugali nun na umalis basta basta ng hindi nagpapaalam satin. May nangyari kaya?" narinig ko pang sabi ni Jonas. Matagal silang natahimik. Hindi naman ako mapakali sa nararamdaman ko.

"--nagugutom na ako. Kukuha lang muna kami ng makakain nila Peij ah." pahila akong itinayo nila Coco at Roxy. Umalis kami. At gaya ng sabi nila ay pumila kasunod ng ibang mga estudyante na kinukuha ang mga pagkain nila.

"Siguro guilty si Grae kaya kay Nash siya nagtext.! HMP!" ani Roxy.


Nang bumalik kami ay hindi na muling napag-usapan ang pagkawala ni Grae. Naenjoy namin lahat ang mga pagkaing natanggap. Nakikita kong maraming natuwa at nagpapasalamat sa pagiging tagumpay ng event na'to. Iba't ibang mga grupo ng mga estudyante o magbabarkada ang makikita sa field. May masayang nagkukwentuhan. May iba na sinasabayan ang mga kantang inihanda ng iba't ibang banda sa iba't ibang section. May iba na sinasabayan naman ng sayaw ang mga kantang yun. Kung anu ano ang mga napapansin ko pero isa lang ang mapagtatanto ko, naging matagumpay ang pagiging ganap kong Student President. Ito na ang huling taon na mararanasan naming mga senior ang mga sandaling ganito. Sobrang saya ko na kahit naging mahirap sakin ang mga naging pagsubok sa mga nagdaang araw ay naiparanas pa rin sakin ng pagkakataon ang mga ganitong kaespesyal na sandali.

Just YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz