Chapter 32

151 6 0
                                    

Kumabog ang dibdib ko. Hindi naging maganda ang pakiramdam ng pagtibok ng puso ko. Walang salitang lumabas sa bibig ko. Walang akong ideya na dapat isagot sa kanya.

Matagal kaming nagkatitigan. Bahagyang nakabukas ang aking bibig pero walang salitang lumabas mula dun. Napansin ko ang pagbabago ng kanyang itsura. Napalunok siya at bakas sa kanyang mukha ang gulat, kahihiyan, at pagkailang. Nagbaba ako ng tingin. Ayokong may ibang isipin siya. Ayoko ng kung anu man nababasa niya sa pinagkikilos ko ngayon. Pero kahit ngayon lang, hindi ko magawang sumalungat sa gusto ng sistema ko.

"Magpahinga ka na. Ang daming nangyari ngayon siguradong pagod ka na." aniya.


Mabilis dumaan ang mga araw. Ang pananatili namin ni mommy sa mga Patricio ay naging malaking pabor samin. Sa kabilang banda sobrang natutuwa si Tita na muli kaming bumalik sa bahay nila. Hindi masukat ang sayang ipinapakita niya na kapansin pansin talaga. Gayunpaman, ang tungkol sa nangyaring nakawan nung isang araw ay sobrang nagbigay ng takot samin. Nakumpirma ng mga pulisya na nakawan ang nangyari at may ilang mga gamit na nawala samin. Mabuti na lang yung mga mahahalagang bagay ay hindi nagawang pakealaman at walang napahamak saming dalwa. Sa ilang araw na pag-iimbestiga ng mga pulis, sinigurado naman nila na hinding hindi na kami babalikan ng mga magnanakaw. Wala naman daw banta at mukhang pagnanakaw lang daw talaga ang tangka. Para sa ikaliligtas namin at ikabubuti ng kalooban ni Tita at mommy, napagdesisyunan nila na manatili na lang kami dito. Bukod sa nasa subdivision kami ay mas mababantayan namin ang isa't isa.


Gaya ng napag-usapan ng barkada, sila Coco at Shans ngayon ay madalas na nagsasama. Tuwing umaga ay inaabangan kami ni Coco sa harap ng gate para sumabay samin nila Shans at Grae. Palagi kasing sumusulpot kung saan ang first year na nagngangalang Allysa. Patuloy sa pagpapansin yung bata at kapansin pansin talaga ang panlalandi inaasata nito. Tumitigil lang ito kapag kasama ni Shans sinuman samin ni Grae. Bawal ang PDA. Kaya kahit malaking pabor ang ginagawa nila Coco at Shans, bawal parin ang holding hands, lalo ang kissing, or any physical contact sa magcouple o kahit nagpapanggap pa man sila sa loob ng campus. Tinutukso man sila Coco at Shans nila Gian gawin ang kahit na ano dun, mabuti na lang ay hindi sila sang-ayon.

"Yay! Kila Grae tayo magrereview!"

Sabay sabay kaming umuwing magbabarkada pagkatapos ng klase. Hindi na ako pumunta ng kindergarden dahil sa napagplanuhan na group study ngayon. Dahil ang subdivision nila Grae at Shan sang pinakapabor sa lahat kaya napagdesisyunan na kila Grae na lang kami magrereview.

"Okay lang ba na kila Grae kung wala ang parents niya? Bakit hindi na lang kila Shans, namimiss ko na rin kachikahan si Tita Hilary e!" halata sa mukha ni Gian sa kung ano pa man ang pinaplano niya, may pagsulyap pa siya kay Coco at Shans.

"Kahit saan pwede ako! Para na rin makachikahan natin ang mommy ni Peij!" usal pa ni Jonas na may pag-akbay pa kay Grae. Mga immature!

"Kahit saan okay lang ako!" tinaas ni Roxy ang kamay niya.

At sa huli.. napagdesisyunan na kila Shans kami magrereview. Pagdating pa lang namin ay tuwang tuwa na si Tita. Hindi na siya nagulat o kung anu pa man. Ang napansin ko kay Tita, sobrang uhaw siya sa bisita. Siguroay dahil na rin sa nakasayan niyang sila lang ni Shans ang magkasama sa buhay. Nakwento rin sakin nila Roxy at Coco noon na madalas talaga sila nila Gian na magkakasama noong Christmas vacation. Kung saan saan sila tumatambay. At madalas nga din sila dito kila Shans, at sobrang naging madali daw sa kanilang i-close si Tita Hilary. Sobrang aliw na aliw sila kay Tita. Isa rin sa dahilan kung bakit mas lalong nagugustuhan ni Coco si Shans. Sobrang layo ng kanyang pagkakakilala kay Shans, na hindi lingid sa kaalaman ko ay talagang totoo. Bukod sa pagiging maraming alam ni Shans sa gawaing bahay ay sobrang mapagmahal nito sa mga magulang, sa mga matatanda, at bata. Yun nga lang ay mahina siya sa Academic.

Just YouWhere stories live. Discover now