Chapter 21

146 5 0
                                    


'Ate Peij ang ganda ganda mo. Parang kang prinsesa.' Tuwang tuwang sabi ng nakababata kong kapatid na ang lalaki ng ngiti sa labi habang hinahaplos ang buhok ko.

'Iji, wag mo masyadong hawakan ang buhok ng Ate mo. Baka magulo yan. Sige ka gusto mo bang pumangit siya mamaya?' sabi ni mommy na lumapit samin. Inayos ayos niya ang gown na soot ko.

'Ayaw ko. Gusto ko palaging maganda si Ate Iji.' Tila kumikislap kislap ang mga mata ng kapatid ko, 'Gusto kong maging katulad ni Ate. Maganda. Mahaba ang buhok. At mabait. Parang talagang totoong prinsesa si Ate Iji, mommy. Gaya nung sa mga fairytale.'

'Maganda ka din naman e.' bahagya kong kinurot ang pisngi ng kapatid. Nabura naman ang mga ngiti sa labi niya.

'Pero hindi mo gaya.. hindi na ako magkakameron ng kasing ganda ng mahaba mong buhok.. hindi na ako magmumukhang prinsesa..'

"PEIJ--!" naaninag ko ang taong nakatayo sa di kalayuan sa kinatatayuan ko. Umaliwalas ang kanyang mukha saka ko nakilala kung sino siya. Gulo-gulo ang buhok ni Shans at medyo parang hinihingal siya. Mukhang tumakbo siya. Papalapit naman siya sakin.

'..Gusto ko palaging maganda si Ate Iji.'

Tatlong taon noon si Iji ng matagpuan ang sakit sa katawan niya. Dahil sa chemotherapy ay nagsimulang manlagas ng mga buhok niya. Nung una akala namin maiiligtas siya sa sakit na yun. Naging okay naman siya nung 5 years old siya. Pero ilang buwan pagkatapos ay bigla siyang inatake, dinala siya sa hospital ay dun namin nalaman na mas lumalala pala ang sakit ng kapatid ko. Tuluyan ng hindi tumubo ang buhok ng kapatid ko. Kasal noon ng kamag-anak namin ay isa ako sa mga abay. Kapatid ko dapat yun at hindi ako. Pero dahil sa itsura niya ay pinakiusapan si mommy na gawing substitute na lang ako. Kahit ganon ang kalagayan ng kapatid ko, palagi siyang ngumingiti. Walang katumbas ang kasiyahan na meron sa kanyang mukha sa tuwang nakaharap siya samin. Palagi niyang pinupuri ang lahat ng maganda sakin. Kaya naman palagi ko ring ginagawa ang lahat ng nagpapasaya sa kanya. Lahat ng gusto niya.

Hindi ko man lang natanong... kung kahit minsan ba.. nasasaktan siya sa tuwing makikita ang lahat ng meron ako na hinding hindi niya pwedeng makuha.

"Nahanap din kita. Kanina ka pa namin hinihintay. Saan ka ba nagpunta? Naligaw ka ba?" pinagmasdan ko ang mga mata ni Shans. Ang mukha niya. Ang bibig niyang tila may sinasabi.

'Ate, may nakilala ako sa kabilang kwarto. Palagi daw siyang nandito sa hospital sabi ng mga nurse, hindi ko natanong kung anong sakit pero alam mo ba.. mukha siyang prinsipe. Dapat makilala mo siya. Nginitian niya ako at mukhang ang bait bait niya. Sa tingin ko Ate, bagay kayo.. kung ikaw yun siguradong magugustuhan ka niya kasi maganda ka.-------Shans pala ang pangalan niya. Ehh? Magkasing edad pala kayo, ate?-------Magkwento ka pa kung anong ginawa ninyo ni Kuya Shans?-------Gusto mo ba siya Ate?'

"Peij?" muli niyang tawag sakin. Tumayo naman ako at inabot sa kanya ang mga nabili ko. Kanina ay nagpaalam akong bibili ng mga maiinom namin. Naghanap ako ng convenience store kaya medyo natagalan ako. Hindi ko alam kung kailan ako nawala sa sarili at bakit hindi agad ako nakabalik.

"Nakabili ka nito?" pagtukoy niya sa fruit drinks na nasa plastic bag.

"Diba paborito mo yan? Happy birthday ulit." Walang emosyong sabi ko. Bahagya ko pang pinasadahan ng tingin ang hawak niya at tila nakita ang imahe ng mukha ng kapatid. Sa kahit na anong gawin ni Shans, naaalala ko talaga si Iji. Sumagi naman sa isip ko ang isang alaala..

'..hindi kinaya ng Daddy mo, Peij. I'm sorry.. pero susunod na si daddy kay Iji..'

Nasapo ko ang aking noo saka napayuko.

Just YouWhere stories live. Discover now