Chapter 12

188 7 0
                                    


"Dito tayo—Dali!" bigla na lang akong hinatak ni Coco pasalungat sa daang nilalakaran namin. Nang lingunin ko ang iniiwasan niya ay nakita ko si Aldrin. Hindi naman nito kami nakita.

"Affected ka pa rin hanggang ngayon." Ani Roxy.

Ngumuso naman si Coco, "Hindi a."

Muli kong binalik ang atensyon sa dala-dalang libro, "Dalian na natin. Gutom na ako." sabi ko.

"Gutom ka? Pero nagbabasa ka pa rin ng libro. Tch? Ngayon naman. The best of me ang binabasa mo. Ano bang gusto mong klase ng lovelife, Peij?" si Roxy.

Napaisip naman ako, "Something superficial. Yung tipong hindi nakakadepressed. Smooth lang. basta alam naming mahal namin ang isa't isa. Pero syempre after pa yun ng college." Natatawa kong sabi. Halatang di seryoso. Binunggo naman ako ni Roxy sa braso.

"Talaga lang hah!? Pero tragic stories binabasa mo." Nagtawanan kami.

"Wala ba talagang sinasabi si Rain?." Saka lang namin napansin na wala na pala sa sarili si Coco.

"Affected nga talaga."

"I mean, baka naman may naikukwento siya tungkol kay Aldrin?"

"Wag mong sabihin na umaasa kang pipiliin ka ni Aldrin over her girlfriend? Pagpapakatanga tawag dyan girl. Wag mong hintayin na pipiliin ka niya sa maling paraan. He cheated on her girlfriend with you." Wala akong naging tugon dahil hindi ko naman kasi talaga naiintindihan ang mga ganitong bagay. Love? In a relationship? Mas mahalaga ba yun sa pera at pag-aaral?

"Hmf! Wala na sabi akong pakealam kay Aldrin. I just wanna know. Atsaka.." pumasok kami sa classroom. "Magkakagusto din ako sa iba no.!"

Pagpasok na pagpasok namin ay napansin agad namin ni Roxy ang pinagkakaguluhan ng mga kaklase namin. Si Coco naman ay nagmamadaling pumunta sa kanyang table. Parang may nagaganap na meeting sa classroom namin na halos lahat nakapalibot kila Patricio at Prieto. Nag-init ang mga pisngi ko nang makita ang mga ngiting yun ni Prieto. Tch. Naalala ko na naman kasi ang ginawa niya kanina.

Sumunod ako kila Roxy at Coco. Gaya ng iba ay kumain na rin kami ng lunch namin.

"Woah! Parehas ng pack lunch sila Feijie at Nash.!" may isang kaklase ko ang sumigaw dahilan para maagaw ang atensyon ng lahat.

"Wuyyy.! Oo nga."

Napalingon tuloy ako sa gawi nila Patricio pero mas napansin ko si Prieto na ngayon ay kumakain ng madalas niyang bilhin na lunch in a cup sa canteen. Hindi ito nakatingin sakin kundi sa mga kaklase naming patuloy sa pagbibigay ng komento sa nakikita.

Tumayo naman si Coco, "Tss. Parehas lang ng pang-ulam, parehas na agad ng pack lunch. Bukas sausage din at bacon ang ulam ko.!" Nagtawanan lahat.

"Pero hindi naman nag-uulam ng ganitong mamahalin si Ms. President e." lalo pang lumakas ang tawanan ng lahat. Tinuloy ko naman ang pagkain ko.

"--at hindi rin naman nagpapack lunch si Nash!"

"Baka meant to be sila Nash at Peij.!" Hirit naman ni Roxy dahilan para mas lalong magkagulo ang lahat.

"UYYY!"

Nang biglang magsalita si Prieto, "Kung ganon gusto kong maging kagaya din ng kay Peij." Natigilan pa muna ang lahat bago muling mag-ingay. Muntik ko pang hindi malunok ang sarili kinakain.

"Playboy amputa!"

"Chikboy pala ang Vice President natin e!"

Napunta kay Prieto ang atensyon ng lahat. Lahat ay inaasar siya, "Hindi naman yun ang ibig kong sabihin e." rinig kong pagpapaliwanag niya. Pinilit ko na lang na wag intindihin ang mga taong yun bagkus ay tinuloy ang kinakain ko, "..ibig ko ring makatulad ang pack lunch ni Nash. First time niyang magdala ng lunchbox pero ang sarap kasi ng pang-ulam niya."

Just YouWhere stories live. Discover now