Chapter 17

164 4 0
                                    


Tinext ko naman na si Rain na hindi ako makakapunta sa kindergarden ngayon. Nagreply naman na agad siya ng 'okay'. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Sa pamamagitan lang ng device na'to naipapaalam mo na sa mga taong malayo sayo ang gusto mong sabihin. Sinuri kong mabuti ang hawak-hawak at pinagmasdan yun. Bakit ngayon ko lang natuklasan ang kahalagahan nito?

"Gusto mo bang bumili ng case?" napaangat naman ako ng tingin sa taong nagsalita. Si Patricio.

"Case ng phone. Tss gastos lang yun."

Tinuro niya ang sarili, "Edi ako ang gagastos."

Wala naman na akong naging reaksyon. Binalewala ko na lang nang matanaw na sa likod niya sila Coco at Roxy, cleaners kasi sila ngayon. Sabay sabay na kaming lumabas ng campus.

Pumunta kami sa pinakamalapit na grocery store at doon namili ng mga kakailanganin namin. Sa aming magkakasama, si Patricio at Roxy lang ang magkagroup. Batid ko namang pansin ng iba samin ang pagiging malapit nila Patricio at Coco dahil sila ang mas madalas na magkasama. Sila rin ang nagtutulungan na ikinatutuwa naman ng sobra ni Roxy. Nang matapos kaming makapamili ay napagdesisyunan na kumain na muna.

Sa paglalakad namin ay nakasalubong namin si Rain.. at ang kasintahan ni Prieto, si Erah.

"So magkapatid kayo?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Coco. Napalingon pa ang iba samin kay Prieto.

Nakangiti itong tumugon, "Kamakailan ko lang din napagtanto, kaya pala parang pamilyar si Rain sakin." Nagtawanan naman sila. Nagtama naman ang tingin namin ni Rain. Nakikita ko ang medyo nakaangat na labi niya.

"Hindi ko alam na matalik na kaibigan ninyo pala si Rainier." Nagtama ang tingin namin ng Ate ni Rain, si Erah. Nginitian niya ako, "Lalo na si Peij. Hindi ko alam na nagkakilala na muli na kayo ni Rain." Napakunot ako ng noo, "Dahil mukhang mabuti naman kayo sa suplado kong kapatid na'to, libre ko na lahat ng kinakain ninyo." Naghiyawan sila.

Naging madali samin na magpalagayan ng loob kay Erah. Hindi ito mahirap pakisamahan. Sa totoo lang ay cool siyang tao. Nakakasabay siya sa lahat ng mga trip namin. At gaya ni Prieto, napakapuro niya. Ang ngiti, ang mga salita, ang kilos, makikitaan ng sinseridad ang mga yun. Tama sila, bagay na bagay sa isa't isa ang magkasintahan na'to.

"Gaano na kayo katagal ni Grae, ate Erah?" rinig kong tanong ni Roxy. Nasa kinakain naman namin ako nakatingin.

"Uhmm magtu-two years na ata." – Erah

"Wow ang tagal na ninyo! Ang galing naman." – Roxy

"Paano mo nalaman na may gusto ka na pala kay Grae?" narinig kong naubo si Erah sa tanong na yun ni Coco. Kinikilig pa lalo sila. At nakita ko kung paanong nagkakahiyaan sila Grae at Erah.

"Well, I also don't have any idea.." tumigil siya, "..we just found out that we both like each other. Then ayun nagtuloy tuloy na."

"Sana maging ganyan din kami ni Glenn. Hihi!"

"Ibig sabihin, 2nd year highschool si Grae nung niligawan ka niya?"

"Haha actually hindi niya naman talaga ako niligawan noon. Nagkaaminan na lang kami basta. Pero kami na, parang nililigawan na rin naman niya ako e."

Nagtuloy-tuloy ang pang-iintriga nila Coco at Roxy kay Erah. Hanggang sa lumabas si Rain dahil biglang tumawag ang mga magulang nila. Sila Patricio naman at Prieto ay abala na sa pinaglalaruan nilang mga cellphone. Habang ako inuubos pa rin ang mga pagkaing inorder nila.

Napunta ang usapan nila sa kung sinu-sinong kakilala. Halos mahigit isang oras na pala ang lumipas. Dahil di na tungkol sa kanila, nagsimulang makipagsabayan muli ni Prieto sa kwentuhan ng tatlong babae. Habang si Patricio naman ay wala pa ring sawa sa ginagawa niya. Si Rain, hindi na bumalik. Sinubukan kong tanawin siya sa labas mula dito sa table namin pero hindi ko na siya makita sa kaninang kinatatayuan niya.

Just YouWhere stories live. Discover now