Chapter 30

115 4 0
                                    


Sa mga nagdaan na araw, wala naman akong napansin na pagbabago sa pagsasamahan nila Grae at Shans. Hindi naman sila nag-iiwasan. Na hindi lingid sa kaalaman namin nila Coco at Roxy ang tungkol sa nangyari. May alam si Coco dahil siya ang kasama ni Shans ng mga sandaling yun. At hindi rin naman lingid sa kaalaman nilang dalwa ang tungkol sa pag-amin at pinagkikilos ni Prieto sakin. Gayunpaman, kasalungat sa inaasahan namin ang mga nangyayari. Sa katunayan pa nga ay mas naging maingay at madaldal si Shans. Mas masigla at bibo siyang tingnan ngayon kumpara sa mga nagdaang araw. At nabanggit pa ni Coco na mas naging friendly si Shans ngayon sa ibang tao.

Dumating ang araw ng linggo, tumagpo ako sa nasabing lugar. Doon ay pinuntahan ako ng sabay nila Rain at Brits. Dumiretso kami sa cinema para panooring ang showing ngayon na Zootopia.

Mabilis tumakbo ang oras at narapos kaming manood. Sandaling nagpaalam si Brits na mag-cr pero hindi na nagpasama sakin. Nagkameron kami ng pagkakataon ni Rain, kaya naisip kong magtanong sa kanya.

"Bakit hindi ninyo kasabay si Mrs. Choi dumating kanina?"

Malayo ang tingin niya, "Hindi na siya sumama e, hinayaan na lang niya na ako ang maghatid kay Brits."

Nagtaka naman ako sa sinabi niyang yun. Mas lalo lang nadagdagan ang mga katanungan ko. Pinagmasdan ko siya. May kakaiba talaga. Hindi ko maiwasan na panghinaan ng loob sa ginagawang pagtrato sakin ni Rain. Pakiramdam ko ay inilalayo niya ang loob sakin. Batid ko ang maaaring dahilan ng mga yun. Pero ayoko ng ganito kami. Ayoko ng ganito siya sakin.

Napayuko ako, mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong napalingon siya sakin, "--Alam mo ba na kapitbahay na namin sila." nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi makapaniwala sa mga sinabi niya, "Lumipat sila ng tirahan nung bakasyon. Kaya mas madalas na kami magbonding ni Brits. Madalas nga ay nakaklaro niya sa bahay ang kambal. Kumpotable at napagkakatiwalaan naman ako ni Mrs. Choi kahit papaano." masigla niyang sabi.

Kahit papaano ay napagaan ng mga ngiti niya ang pakiramdam ko. Gusto kong isipin na okay lang talaga kami. O maaaring hindi.. at pinipilit lang niya dahil ayaw niyang maging awkward.

Muling bumalik si Brits. Napagdesisyunan naman namin na kumain na muna. Sagot ni Rain ang lahat ng mga inorder namin.

"Eh ikaw, Peij? Kamusta ang bakasyon mo?" medyo nabigla naman ako sa tanong na yun ni Rain. Pagkatapos ng mahabang pagkukwento ng batang si Brits ay ako naman ang ikinakamusta niya.

Bahagya akong napangiti, "Masaya naman sa probinsya. Sobrang naenjoy ko ang bakasyon ko." nakangising pinagmasdan ako ni Rain. Sa sandaling yun ay naramdaman kong kahit papaano ay bumalik siya sa kinagawian niya, "Ikaw ang magkwento. Anong nangyari sayo?" nang-aasar kong ganti.

Naagad naman ang pansin niya kay Brits na nagpalipat-lipat ang tingin saming dalwa. Tumawa ito.

"Boring e. Nothing's Special."

"Busy?" tanong ko.

"You could say that. Basta." nagkibit balikat siya, agad na binaling ang atensyon kay Brits, "What are you smiling there, little fella?" hindi ko na pinansin ang sagot niyang yun dahil sa makahulugang ngiti na ipinapakita niya sa bata.

"Nothing po. Just kinikilig po kasi bagay bagay po kayo ni Ate Peij. Even if Ate is so simply beautiful with her jeans, snickers, and t-shirt. She's still like a princess hanging out with the prince. You really look like a couple with a child, which is me. Hehe." bahagyang kaming nagulat sa paliwanag ng bata. Hindi ko alam ang dapat na irereact.

Nang bigla naman tumawa si Rain. Pinagmasdan ko siya.

"Mukha ka na daw ina, Peij." napakunot ako ng noo pero gusto kong sabayan ang mga tawa niyang yun. Parang ngayon ko na lang ata siya nakitang ganito kasaya tumawa.

Just YouWhere stories live. Discover now