Chapter 27

175 5 1
                                    


"Ito na ata ang huling pagkakataon na maaayusan kita ng ganito, Peij. Bakit naman kasi kinailangan ninyo pang umalis dito sa bahay. Sa March pa ang uwi ni Raymond, nakakalungkot kapag kami na lang ulit ni Shan sang maiiwan."

Tumayo naman ako sa kinauupuan dahilan para matigil sa pagsusuklay sa buhok ko si Tita. Hiningi ko ang tulong niya para ayusan ako ngayong araw. Ngayon kasi ang Christmas party namin. At mamaya naman din ang play. Aattend sila parehas ni mommy at pagkatapos din ay agad na pupuntahan nila ang apartment na tutuluyan namin simula sa araw na 'to. Nakahanap na kasi sa wakas si mommy ng malilipatan namin.

"Tita, pwede naman po kayong dumalaw kahit na kailan ninyo gusto."

"Mas gusto kong may katulong na anak na babae sa gawaing bahay." Nakanguso naman niyang sabi. Natawa kami parehas nang bahagyang mapalingon sa nagbukas na pinto.

"Tara na?" anyaya ni mommy. Sasabay na sila samin ni Shans pagpunta sa school.

Lahat ng mga estudyante at mga bisita ng school ay dumalo sa nasabing programa. Napuno ang buong teatro ng mga manonood. Mula sa simula hanggang sa pagwawakas ay malugod nilang sinubaybayan ang programang inihandog namin. Napuno ng saya ang buong teatro dahil sa magandang resulta ng event.

Nakapag-paalam naman na sila Tita at mommy samin ni Shans pagkatapos ng programa. Nagkameron kaming mga kasali sa play ng munting pagdidiwang. Sobrang nagagalak ang lahat sa napakagandang feedback ng mga manonood sa programa. Pagkatapos makapag-ayos ay nagkameron na rin kami ng oras para maglibang gaya ng ibang mga estudyante. Pinahihintulutan ang lahat na manatili hanggang magdapit hapon para naman sa bonfire na magaganap. Taon taon ay ginagawa to sa campus.

Nitext ko naman sila Coco at Roxy kung nasaan sila. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko sa wakas si Roxy, nang biglang umeksena si Glenn at nilapitan siya. Hindi agad ako nakalapit dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Sinubukan kong umalis na lang nang mabigla ako sa biglaang pagtakas ni Roxy sa dating nobyo. Hindi ko sila nagawang lapitan dahil sa mukha pa lang ni Glenn ay alam kong ayaw niyang may maghimasok sa problema nila. 

"Peij!" narinig ko naman kung saan ang boses ni Gian at doon nakita ang grupo nila ng wala si Shans. 

"Wala kang kasama?"

"Hindi ko mahagilap si Coco, si Roxy naman.." hindi ko matuloy ang dapat na eksplenasyon.

"Kung ganon samin ka na sumama.!"

"Nasaan nga ba ang iba?" hindi ko na rin maiwasan na magtanong pa.

"Gaya mo ay nakasalubong din namin ang iba nating mga kaklase. Kasama ni Coco kanina sila Jervin at iba pa, pareparehas sila ng gustong gawin at puntahan kaya sumama na lang si Shans sa kanila." paliwanag naman ni Yno.

Napansin ko naman ang pananahimik ni Grae. Simula pa kanina pagkatapos ng play ay hindi pa kami nagkakaimikan. Mukha naman siyang masigla kanina pero iba ang napapansin kong aura ngayon sa kanya.

Nahinto kami sa paglalakad nang tumigil sila Gian at Yno, "May sasalihan pa nga pala kaming contest na tatlo. Kailangan pa naming magpractice kaya mauna na kami."

"Ngayon na ba yun?" singhal naman ni Jonas.

Siniko siya ni Yno, "Kailangan naman nating magpractice ng maaga! Ano ka ba! Abangan ninyo na lang kami!" aniya sabay kindat.

"Wala din naman kaming gagawin ni Peij kaya sasama na lang--" akmang susunod si Grae sa kanila pero agad siyang napigilan ng tatlo.

"Tol, makakaistorbo ka lang. Di kami makakapag-ensayo ng mabuti. Kaya kung ako sayo ay samahan mo na lang si Ms. President. Sige, mauna na kami." kumaway kaway sila saka tuluyan na umalis.

Just YouWhere stories live. Discover now